Robin Padilla on kissing scene with Kris Aquino in new drama series: “Hindi talaga ako sanay sa maginoong ano… bastos talaga ako, e!”

Marami nang nagawang intimate scenes si Robin Padilla, pero hindi pa raw niya nakitaan ng pagseselos ang asawa na si Mariel Rodriguez. Sabi ni Robin: “Si Mariel? Wala, e. Hindi ko pa siya na… kahit isang beses, ha? Wala pa namang… wala naman kasi siyang dapat pagselosan… wala pa. Sa bait ko, di ba? Mabait ako… kilala n’yo ako.”


Dahil sa sitcom niya sa ABS-CBN na Toda Max, nalilinya na ngayon ang action star na si Robin Padilla sa comedy.

Wala naman daw kaso ito kay Robin.

Aniya, “Okey lang, basta sila ang kasama ko.

"At yung klase ng comedy na masasabi nating may matutunan… oo.

“Huwag naman yung naghahampasan tayo sa ulo. Medyo hindi ako yun.

“Wala akong problema sa ganoong [slapstick] comedy, pero huwag sa akin.

“Hindi ko kaya yung ganoon, medyo parang Three Stooges, hindi ko kaya yung ganoon—okay na sa ganito."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa press conference para sa unang anibersaryo ng Toda Max noong Martes, November 6.



THE COMEDIAN. Tuluyan na ba niyang na-adapt ang pagiging komedyante at nagpapahinga na siya sa pagiging action star?

Sagot ni Robin, “Kailangan, e. Pag dadating ka sa set, kailangan iwan mo yun, e.

“Kailangan, pag paaalis pa lang ako, kahit si Mariel [Rodriguez, his wife], pag paalis pa lang ako sa bahay at alam niyang Toda Max ang taping ko, patawa na patawa yun.

“Para paalis pa lang ako ng bahay, masaya na ako.”

Ibig sabihin, malaking contribution si Mariel sa pagiging komedyante niya?

“Oo naman!” mabilis niyang tugon.

“Saya nga. Sabi ni Angel [Locsin], e, totoo yun… napakalaking ano yun, mga punchline? Importante yun.

“Si Mariel kasi magaling sa comedy.”



TRIP ABROAD. Nagbahagi rin ng ilang mga kaganapan si Robin sa napabalitang bakasyon nila ni Mariel sa Vietnam.

"Oo, galing kami ng Vietnam," pagkumpirma niya.

“Pinuntahan namin yung… kasi alam niya na kami ng mga anak ko, estudyante kami ng history. Ganoon.

“Siya ang nagplano noon.

"Noong malaman niya na puwede si Queenie, puwede si Kylie… sabi niya agad sa akin, ‘Gusto mo punta tayong Vietnam? Kasama ang mga anak mo?’ Kaya ayun.

“Nainggit nga si Ali, e, at si Zhen, yung dalawa kasi... history, e, makasaysayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Ali at si Zhen ang dalawa pang anak ni Robin sa dati niyang asawa na si Liezl Sycangco, na nakabase na ngayon sa Australia.

Hindi raw ito ang unang trip abroad ni Robin kasama ang pamilya niya.

Nagtungo na sila ni Mariel sa India, kung saan sila ikinasal, kasama si Queenie. Nagtungo na rin sila sa Russia noong mga naunang buwan ng 2012.

Napapadalas yata ang pagta-travel abroad nila ni Mariel?

Sagot ni Robin, “A, basta may sponsor, sasamantalahin natin yun.

“Kasi yung sponsor namin, nakapag-renew pa ako ng Cherry [mobile phone brand].

“Parang noong una kasi, dinala kami sa Russia, ngayon naman Vietnam.

“E, sinasamantala namin ang ganitong pagkakataon. Sayang, e.”



DOWRY. May ipinapagawang bahay sa Parañaque ang mag-asawang Robin at Mariel.

Sa mga naunang interview kay Mariel, sinabi niyang noong August nila binalak na lumipat bilang selebrasyon ng kanilang wedding anniversary, pero hindi ito natuloy.

Paliwanag ni Robin, “A, si Mariel ang makakasagot niyan.

"Kasi bahay niya yun, e. Yun ang aking dowry sa kanya, e.

"Ang arkitekto niya doon, e, si Lolo, saka si Lola.

“Kaya ang masasabi ko lang, masterpiece yun ng Lolo.

“Hindi puwedeng madaliin dahil magagalit si Lolo.

“Hindi pa siguro mangyayari ngayon. Baka umabot pa tayo ng 2013 pa, bago…

“Kasi ako ay talagang hanga kay Lolo. Simpleng ano lang… kapantay si Lolo.”



NEW DRAMA SERIES. Nagbigay naman ng update si Robin tungkol sa bago niyang trabaho sa Kapamilya network.

Nagsimula na siyang mag-taping ng primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, kunsaan kasama niya sina Kris Aquino at Anne Curtis.

“Ay, drama, e. Medyo mabigat, e…

"Kami pa lang ni Ms. Kris ang nakapag-love scene. Kami ni Ms. Anne, hindi pa.

“Kasi ang istorya, umiikot pa sa amin ni Kris.

"E… hirap. Nahihirapan ako!” iiling-iling niyang sabi.

Paano naman siya nahirapan?

“Ibang tao kasi ako doon, e. Iba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi siya action, drama siya—hindi naman siya masaya.

“Sumobrang mapagmahal ako doon, sumobra... nag-aagawan ang dalawang babae.

“Hindi ko kasi alam kung paano kasi yung ganoon, e… mabait ako.

“Oo, hindi ako sanay. Mabait ako, ha?

"Hirap na hirap nga akong gampanan,” nangingiti niyang sabi.

May love angle din ba sila ni Anne sa kuwento ng istorya dito?

“A, oo. Meron kaming… doon nga ako hirap na hirap, e. Kung paano ko hahatiin ang puso ko sa pagganap ng… ang hirap!”

May kissing scene din ba sila ni Anne dito?

“A, hindi pa nakukunan yung sa amin ni… pero sigurado na yun.

“Kailangan ko pang humingi ng tip sa…

“Vhong, paano ba yung kissing scene?” baling niya sa katabing si Vhong Navarro na noo’y ini-interview ng ibang TV crew.

Hindi na ba siya gumagawa ng mga kissing scenes?

“Iba kasi, e. Iba ang paghalik ng action, sa drama, e. Iba, e.

“Yun ang iniesplika sa akin, ‘Huwag, masyado ka namang aksyon yung halik mo.’

“A, ganun pala yun?”

May mga kissing scene na ba silang nakunan ni Kris?

“A, oo, meron na. Marami-rami na rin.

"Oo, e, nahihiya nga ako minsan kay Kris, e.

“Hindi talaga ako sanay sa maginoong ano… bastos talaga ako, e,” deskripsyon niya sa sarili.

Ano ba yung love scene nila ni Kris?

“Nakunan, na yung love scene, oo. Okey lang yung ano… yung kissing scene… okey lang ako.

“Pero yung love scene, hindi ako masyadong ano… daming tao… hirap!

“Hindi pa naman ako nakapag-love scene ng ganoon, e.”

Tinutukso ba siya ni Mariel at hindi ba ito nagseselos sa mga intimate scenes niya kay Kris?

“A, si Mariel kasi ang klase ng asawang hindi issue ‘yan, e. Siguro dahil artista rin siya.

"Ang lagi niyang ano, kung okey ako.

“Halimbawa, pag umuwi ako na medyo nakita niyang may pilay, doon, concerned yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa mga halikan, ayaw na lang niyang pag-usapan siguro.

“Baka kasi kapag sinabi kong masarap, mabatukan pa ako!” natatawa niyang saad.

Paano bang magselos si Mariel?

“Si Mariel? Wala, e. Hindi ko pa siya na… kahit isang beses, ha?

“Wala pa namang… wala naman kasi siyang dapat pagselosan… wala pa. Wala pa talaga.

“Sa bait ko! Di ba? Mabait ako. Kilala ninyo ako,” bulalas ni Robin.



BB GANDANGHARI. Hindi pa rin maiwasan ang matanong si Robin tungkol sa kapatid niyang si BB Gandanghari.

Ano ba ang update sa kanila matapos ang maraming interviews na hinarap at pareho nilang sinasabing hindi pa sila nagkikitang dalawa?

Tugon ni Robin, “A, hindi pa rin kami nag-uusap nga.

"E, mahirap, e… nagkakaiwasan pa, e.

“Pagka nandoon siya, hindi ako pupunta. Pag nandoon ako, hindi siya tutuloy.

“Siguro, masaya na muna kami sa ganoon.

“Basta, alam niyang ako’y masaya dahil masaya siya at alam naman niyang kapatid niya ako at kailanman ay hindi ko siya itatabla.

“Pag kailangan niya ako, darating ako sigurado.

“Pero sa mga ganitong pagkakataon, siyempre, alam niyang pareho kaming may religion, e.

“May religion ako, may religion siya.

“Dapat niya akong maintindihan doon at naiintindihan ko rin naman siya.”

Sinasabi naman ni BB sa mga interviews na alam niyang mahal naman daw siya Robin. Ipinagmamalaki pa nga nitong very close sila noong kabataan nila.

Ano ang masasabi ni Robin dito?

“A, oo, very close kaming dalawa. At ako ay masasabi kong numero uno niyang tagasuporta.

“Noong nasa Amerika ‘yan, ako ang kanyang financier.

“Yun lang… sa usapin lang na…”

Hindi pa rin ba niya kayang makita na nakadamit-babae ang kapatid?

“Sana lumipas din yun. Sana grumadweyt siya doon.

“Kapag grumadweyt siya doon, ako ang unang yayakap sa kanya.

“Siyempre, kanya-kanyang estado ‘yan.”

Anong ibig niyang sabihing "grumadweyt"?

“Sa pagsusuot ng mga bagay na para sa akin ay sobra… para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kanya-kanya. Opinion ‘yan. Kung sa akin sobra, sa kanya hindi.

“Huwag muna tayong magkita, ‘tol, dahil para sa akin, sobra ‘yan.

“Pagdating ng panahon na okey na siya… lilipas yun. Lilipas yun.

"Pag lumipas yun, nandiyan na ako.”

Hindi ba siya naniniwala na magtatagal si BB sa hitsura nito ngayon at babalik ito sa dati niyang katauhan bilang si Rustom Padilla?

“Hindi naman siguro… asus, ayoko naman siyang mag-tame!

“Ibig sabihin noon, parang pinigil ko siya. Pangit naman yun sa kanyang kalayaan.

“Dapat may estado lang… may gulong ‘yan, e.

“Dapat pag-ikot ng gulong na yun, ako naman yung makikita niya sa baba, e. Ako naman yung, ’Tol!’

“Pero hanggang nandiyan siya sa tugatog ng…” putol niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN