Zsa Zsa Padilla on first Christmas without Dolphy: "I just want to be good para anytime I’d be ready to be in heaven with him ’coz I know he’s there."

Paano naaalala ni Zsa Zsa Padilla ang namayapa niyang long-time partner na si Dolphy: “I have so many memories of him imbedded in my mind and in my heart but you really miss the physicality. So, parang, ‘I wanna touch you…’"


Ang anak ni Zsa Zsa Padilla na si Zia Quizon ang nag-perform sa appreciation dinner para kay Dra.Vicki Belo sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La kagabi, November 7.

Ginawaran ang tinaguriang "doctor to the stars" ng loyalty award ng Allergan Inc. dahil sa paggamit nito ng Botox, registered trademark ng global multi-specialty health and care company, sa kanyang clients sa loob ng sampung taon.

Naroon din sa event si Zsa Zsa, na habang kumakanta si Zia ay bakas sa mukha na proud na proud ito sa anak.

Halos lahat ay nagsasabing magaling na singer at kakaiba ang boses at tunog ni Zia.

Bilang mommy ni Zia, paano sinusuporthan ng Divine Diva ang anak?

“Sometimes, yeah, I have to support, especially with the recording, ganyan, and the arrangement.

"I give inputs in that… and of course, financier, I pay for the areglo!” natawa niyang komento.

Sa hiwalay na interview kay Zia, naikuwento nito na may gagawin silang album na mag-ina.

Pinatotohahan naman ito ni Zsa Zsa.

Part daw ito ng kanilang "healing process" sa pagkawala sa piling nila ng long-time partner ni Zsa Zsa na si Dolphy.

Sa madaling-salita, idadaan nilang mag-ina sa pag-awit ang kanilang nararamdaman.



ZIA’S UNIQUE SOUND. Sa panayam din kay Zia, ibinahagi nito na malaking impluwensiya sa kanyang musika ang mga napakikinggang pinatutogtog ng namayapang Comedy King sa choice of songs niya.

Ang pop daw kasi ay lagi niyang naririnig noon, pero kakaiba ang dating sa kanya ng songs at music of choice ni Dolphy.

Dito marahil nahulma ang kakaibang tunog ng dalaga na sa lupon ng budding singers ay masasabing standout at unique.

Ayon kay Zsa Zsa, “I think because, a… she has a very distinct quality in the sense that in the Philippines, we’re all belters, di ba?

"I mean, not that I’m a belter, you know…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re so used to sopranos and she actually has a very unique range. For a female, she’s a… tenor.

"Zia is a tenor!” natawa niyang sabi sa kakaibang timbre ng boses ng kanyang anak.

Pagmamalaki pa ni Zsa Zsa, “Di ba, unique na unique talaga?”



FIRST CHRISTMAS WITHOUT DOLPHY. Ilang araw na lang at Pasko na.

Ito ang unang Pasko na hindi na nila kasama si Dolphy. Kumusta si Zsa Zsa?

Sagot niya, “I’m coping. I’m taking it a day at a time. It’s still the same.

"I would talk to Dolphy in the morning if I want... that’s how I feel I’m able to manage the whole thing.”

Mula pa rin sa past interviews ni Zsa Zsa, iniisip na lang daw niya na kasama niya si Dolphy na nagkakape sa umaga para kahit paano ay mabawasan ang kanyang lungkot at pangungulila.

“I don’t want to speak about him with a heavy heart talaga, e.

"Di ba, you give a statement and you’re crying…” naputol niyang pahayag.

“I Googled him kasi sawa na ako sa pictures niya sa iPad ko, e. Parati na lang, ‘Ay, Google ko siya…”

At sa mga na-Google daw niyang pictures ni Dolphy ay sinasabi nitong, “’I love you so. I love you so.’ Paulit-ulit. Para ka lang tanga.

"So, wala, gano’n lang,” nangingiti pero medyo malungkot niyang saad.

Patuloy niya, “I have so many memories of him imbedded in my mind and in my heart, but you really miss the physicality.

"So, parang, ‘I wanna touch you…’

“So I just want to be good, para anytime, I’d be ready to be in heaven with him ’coz I know he’s there.

“Pero, mahirap, di ba? But, yeah…”

Nabalita kamakailan na gusto raw mag-celebrate ni Zsa Zsa ng Christmas sa South Korea para marahil mabawasan ang lungkot na hindi na nila kasama pa ang Comedy King ngayong Kapaskuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No na nga, e, because it’s too cold… we’re thinking where else to go. Somewhere in Asia.

“I planned na nga, e, Korea and then Shanghai. Ganda na nga ng plano ko, e.

"So I’m looking for another itinerary for us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN