Melai Cantiveros on being pursued again by Jason Francisco: “Naghiwalay kami, tapos makikipagbalikan, ano ba naman yun?”

Masayang-malungkot ang hiwalayang Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil sa makulay nilang relasyon na nagsimula sa Pinoy Big Brother. May nanliligaw ba kay Melai ngayon? “Si Jericho Rosales, pero hindi ko pa alam kung sasagutin ko siya! Wala, ‘no? Bakit naman sila manliligaw? Mahiya naman sila, e, kaka-break ko lang.”


May pagmamalaki ang comedienne na si Melai Cantiveros na mapasama sa cast ng comedy gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

Bukod sa mas nahahasa siya sa pagpapatawa, gustung-gusto ni Melai sa show ang pagkakaibigan na nabuo sa kanilang cast members.

Kasalukuyang nagdiriwang ng ika-apat na taong anibersaryo ang Banana Split na napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Kuwento ni Melai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Noong pagpasok ko, siyempre, di ba, kami ni Jason Francisco pa lang noon?

“Natakot ako baka… pero iba ang closeness namin ni Zanjoe [Marudo], Pooh, Ryan Bang... over-over kaming close.

"Hindi ako makapaniwala talaga na Angelica Panganiban, na si Twiny, over-over kaming close.

"Ang taas ng tingin ko sa artista, pero hindi pala, pantay-pantay pala.”

ANGELICA’S LOVELIFE. Speaking of Angelica, masaya raw si Melai para sa kanyang kaibigan na happy and in love ngayon sa piling ng kasintahan nitong si John Lloyd Cruz.

“Masaya ako talaga para sa aking Twiny, na makamit na niya ang kanyang true happiness sa life niya.

“At ako talaga, palagi akong nagpe-pray na sana, this is it na.

"Palagi kong pinagpe-pray talaga.”

Kung ipinagpi-pray niya, ibig sabihin, boto siya kay John Lloyd para sa kaibigan?

Tugon ni Melai, “Kahit sino naman, boto ako. Kasi, love namin siya.

“At saka, over-over blessed naman sila. Kaya happy ako.”

Nag-o-open up ba si Angelica sa kanya sa mga nararamdaman o nangyayari rito?

“Oo naman, ‘no? Para ano pa ang friendship namin kung hindi siya magko-confide?

“At saka, akala ng mga tao, mataas siya.

“Pero sa totoo lang, ako ba naman, normal lang ang gusto ko, ayoko nga ng mga sosyal.

"At saka, parang magka-level kami. Hindi niya ako itinuturing na iba.

“Di ba, Grade 1 ako sa showbiz, siya high school na?

"Pero sa kanya, parang magka-level lang.”

TOGETHER AGAIN? Kung si Angelica ay masaya sa lovelife, kumusta naman ang puso ni Melai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balita na diumano’y nagkabalikan na sila ng ex-boyfriend niyang si Jason Francisco.

Sabi naman agad ni Melai, “We’re just friends. Kasi, nagge-guest kami sa Kris TV.

"We’re just friends, pero hindi showbiz na ‘We’re just friends.’

“Magkaibigan talaga kami ni Jason.

"At saka, kung magkabalikan kami, bakit naman namin itatago?”

Nag-attempt ba si Jason na manligaw ulit sa kanya?

“Wala naman at saka hindi na siguro mag-a-attempt yun kasi mahihiya rin.

“Naghiwalay kami, tapos makikipagbalikan, ano ba naman yun?”

Para niyang sinasabi na imposibleng makipagbalikan pa siya rito?

“Hindi naman... hindi naman natin masasabi.

“Halimbawa, magka-boyfriend ako ng iba. Tapos siya, magka-girlfriend ng iba.

"Then, in the end, ma-realize namin na kami pala yung swak na swak.”

May nanliligaw ba sa kanya ngayon?

“Si Jericho Rosales, pero hindi ko pa alam kung sasagutin ko siya!” biro niya.

Saka sinabi ni Melai na: “Wala ‘no? Bakit naman sila manliligaw?

“Mahiya naman sila, e, kaka-break ko lang.”

Ang tagal na nilang break ni Jason, di ba?

“Dapat mga three years!” natatawa niyang sabi.

Kasabay halos ng breakup nila ay nawala rin sa Banana Split si Jason.

Kung sakaling ibalik si Jason sa programa, okay sa kanya?

“Oo naman, bakit naman hindi? Welcome naman siya rito sa Banana Split,” sagot ni Melai.

RYAN BANG. Marami naman ang nakakapansin na palagi silang magkasama at magkadikit ni Ryan Bang. May “something” ba sa kanilang dalawa?

“Wala naman po,” tanggi agad ni Melai.

“Kami ni Ryan Bang, natutulog ako sa bahay nila kasi uber-uber kaming close.

“Kahit noong nandito pa si Jason Francico, kami ang uber-uber close.

“Tapos yun, na-develop na lang ang closeness namin ni Ryan Bang."

Hirit naman ni Ryan na baka raw si Melai ang may gusto sa kanya, pero siya ay wala.

“Eeew!” buwelta naman ni Melai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Magkaibigan po kami ni Ryan Bang—close friends.”

Paano kung ligawan nga siya ni Ryan?

“Siguro kailangan ko siyang bigyan ng five months bago ko siya mabigyan ng matamis na ’oo.’”

Nakilala na raw ni Melai ang nanay ni Ryan.

“Mama’s boy ‘to. Palaging binubugbog ng mama niya ‘to! At saka ang mama niya, Melai, Melai rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN