Judy Ann Santos on reunion project with Piolo Pascual: "Anything can happen... but not this year, not in two years."

“Mangyayari pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao. Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman,” says Judy Ann Santos about having another project with former leading man Piolo Pascual.


Nakiusap ang actress-TV host na si Judy Ann Santos-Agoncillo na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa inaasahang muling pagtatambal nila ni Piolo Pascual hanggang wala pang tiyak na plano.

“Siguro hindi naman na yata mawawala ‘yon. Puwede ba, let’s leave it at that?” sabi ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conferecence ng bago niyang programa, ang MasterChef, kaninang hapon, November 8.

Sa nakaraang panayam kay Piolo, sinabi ng aktor na gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang leading lady sa pelikulang Till There Was You (2003).

Ani Piolo, “Sobra akong kumportbale kay Juday and I’m praying and wishing for that na magkasama uli kami.

“Kasi ang laki ng itinulong sa akin ni Juday, sa career ko.

“I have open doors to be partner with her again.”

(CLICK HERE to read related article.)

Nang hingan ng reaksiyon si Juday tungkol sa naging pahayag ni Piolo ay nagbiro siya at sinabing, “Hindi pa rin ba kayo natatapos diyan? Hindi ba tayo puwedeng naka-move on?”

Ayon sa aktres, hindi pa siya makapagbigay ng tiyak na sagot tungkol dito.

“Hindi ako makasabi ng oo, hindi ako makasabi ng hindi.

“Hindi ko rin talaga alam kung ano na yung magiging plano.

“Anything can happen... but not this year, not in two years.

“Maybe it will happen... I’m not saying it will not.”

Pagkatapos ay muli siyang nakiusap na huwag nang masyadong pag-usapan ang tungkol dito.

“Mangyayari, pero huwag nating i-push kasi baka kaka-push natin, tabangan na yung mga tao.

“Baka kapag ipinalabas, expired na rin ‘yon dahil napapag-usapan naman, ‘Wala na, e, palagi naman tinatanong, ngayon, ayaw ko na.’

“Hayaan na lang natin na mangyari kung mangyayari.”



ON SHARON CUNETA. Hindi rin naiwasan na mahingan ng opinyon si Judy Ann tungkol sa itinuturing niyang ate sa showbiz—ang Megastar na si Sharon Cuneta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay muling sumagot sa microblogging site na Twitter ang singer-actress-TV host dahil sa ilang fans na sa tingin niya ay tagahanga ni Piolo Pascual.

Ilan sa kanila ay nag-post ng mga negatibong komento tungkol sa anak ni Sharon na si KC Concepcion, ex-girlfriend ng Kapamilya actor.

(CLICK HERE to read related article.)

Sa halip na magsalita tungkol dito, nagbiro na lang si Judy Ann: “Nakaupo lang ako. Ayaw kong mag-stand, nakaupo lang ako!”

Dagdag niya, “Ang hirap magbigay ng komento, di ba? Lalo pa ngayon, kapag nagkomento ka…

“Hayaan na muna nating lumiit yung butas. Dedma na.

"Ayaw ko nang makigulo pa. ‘Yon lang, move on na.”

Umaasa rin si Judy Ann na, “Sana sa taong ito, pagbukas ng 2013, ‘tapos na.

“Tama na. Parang masyado nang bantilawan ang isyu.

“Nakakatawa na nga, e, palagi na lang gano’n yung napag-uusapan.”



WORKING WITH ATE GUY AND ATE VI. Samantala, nilinaw ni Judy Ann ang balitang mas gusto niyang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor kaysa sa Star For All Seasons na si Vilma Santos.

“In all fairness, ang sinabi ko, gusto kong makasama ulit si Ate Guy at gusto kong makagawa ng pelikula with Ate Vi,” agad na depensa ni Judy Ann sa sarili.

Paliwanag pa niya, “Sino naman ako para sabihin na hindi ko gustong makatrabaho si Vilma Santos? Ang choosy ko naman, di ba?”

Bagamat kilala na sa industriya, itinuturing pa rin ni Judy Ann na isang karangalan ang makatrabaho ang dalawang batikang aktres.

Aniya, “Hindi ba, para sa isang artista na kagaya ko, napakalaking bagay para sa akin yung makasama ko ang isang Vilma Santos at isang Nora Aunor.

“Hindi ko naman sinabing sa isang pelikula.

“Pero, di ba, ‘yon ang kukumpleto sa pagiging isang artista mo, e—yung makatrabaho mo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magkaka-texture nang bonggang-bongga yung resume mo!”

Dagdag pa ni Judy Ann, “Sila yung mga pioneers sa industriya. Sila yung gusto mong kumumpleto sa papel mo bilang artista.

“Kung mabigyan ako ng pagkakataon na makasama sila sa trabaho, sino ako para tumanggi?

"Nakakaloka naman!”

Sa huli, muli niyang nilinaw: “Gusto kong makatrabaho si Ms. Vilma Santos at Ate Guy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN