Ogie Alcasid and Regine Velasquez want another baby; Ogie says, "God-willing, kung pagpalain tayo at bigyan ng isa pa, so let’s go!"

Ngayong isang taon na ang anak nilang si Baby Nate, nagbabalak na ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na sundan ito. Sabi ni Ogie tungkol dito: “Sa tingin ko, gusto pa talaga ni Reg ng isa pa. Ako naman, madali lang akong kausap. Madali lang yung trabaho ko, sa kanya lang mahirap!”


Nabanggit ni Ogie Alcasid sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na parang napapansin niya sa asawang si Regine Velasquez na hindi ito gaanong napi-pressure sa nalalapit nitong concert—ang Silver, na gaganapin sa Mall of Asia Arena, sa November 16.

Ani Ogie, “Sa dami ng concert niya na nakita ko na siya na nagpi-prepare, ito ang pinaka-relaxed niya.

“Of course, nandun yung stress ng konti.

“Andun yung, ‘Mabenta ba ang ticket, may sponsors na ba tayo?’

“Andiyan yung, ‘Okay ba ang repertoire natin?’

“Andun yung stress na yun, but andun yung confidence level niya.

“I think, kasi mother na rin siya, mas confident na talaga siya.”

Natawa naman si Regine sa komentong iyon ng asawa.

Pero napansin naman daw talaga ng Asia’s Songbird sa sarili na hindi na siya gaanong nai-stress kapag ganitong may nalalapit siyang concert.

Sabi ni Regine, “Involved naman ako, in a way, pero hindi ko na ini-stress yung sarili ko.

“Kasi nung bata pa ako, mahilig akong ma-stress.

“It doesn’t help me. Nawawala pa yung boses ko, really.

“No need to stress out, kasi may mga tao naman na umaayos ng lahat.”

BABY NATE’S FIRST BIRTHDAY. Mas pinagkaabalahan pa nga raw ni Regine ang first birthday party ng anak nila ni Ogie na si Nate.

Ginanap ang birthday party ni Nate kahapon, November 8, sa clubhouse ng Ayala Hillside na tinitirhan nila.

Ilang buwan daw pinaghandaan ito ni Regine at meron pa siyang na-hire na mag-organize ng party.

Pero personal pa rin niyang inasikaso ang pag-aayos ng loot bags, giveaways, at ilan pang detalye para sa party.

Kahit hindi pa naman daw ito maintindihan ng anak nila, gusto ni Regine na maganda ang preparasyon at napaghandaan nang husto.

Sa concert niya, nabanggit ni Regine na meron siyang isang number na dedicated kay Baby Nate.

Ramdam daw ni Regine na maa-appreaciate ng anak ang kakantahin niya dahil talagang nakikinig daw si Nate kapag kinakantahan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Ngayon kasi, kapag nagha-hum ako, nakiki-hum na siya.

“Pero kapag kumakanta na ako na may lyrics, kahit anong ginagawa niya, kahit nagdedede pa siya o patulog na siya, talagang titingin talaga yun sa akin, manonood talaga siya.

“Hanggang ngayon, ganun pa rin.”

Dagdag pa ni Regine, “Ang cute kasi he really loves music, saka akala mo nasa background lang naman, nakikinig talaga siya.

“So, may appreciation na siya agad sa music—dun ako natutuwa.”

REGINE IS BUSIER THAN OGIE. Nabawasan ngayon ng trabaho si Ogie, at si Regine naman ang mas abala.

Bukod sa paghahanda sa kanyang concert, meron pang regular na taping si Regine sa Sarap Diva at live naman siya sa Party Pilipinas at H.O.T. TV tuwing Linggo.

Kaya mas lamang daw ngayon si Ogie sa pagbabantay sa kanilang anak.

Nasa bahay lang daw ito para bantayan si Baby Nate.

Sabi ng singer-songwriter, “Kami naman kasi, nag-uusap na pag busy siya, sisiguraduhin ko na ako, hindi.

“Sa ngayon, ako ang nasa bahay.

“I only go to Bubble Gang, and Party Pilipinas pag Sunday. Tapos the rest of the week, ako ang nasa bahay."

Sa pagbabantay ni Ogie sa kanilang anak, ang dami na raw niyang napapansing pagbabago kay Baby Nate.

“Ang laki bigla!” bulalas niya.

“Ang dami-dami na niyang gimik, nagsasalita na, nagda-drama na, lumalabas na yung ugali… ang dami, nakakatuwa na.”

ANOTHER BABY? Kaya ayon kay Ogie, puwede na nga raw nilang sundan si Nate dahil gustung-gusto na ni Regine.

“Sa tingin ko, gusto pa talaga ni Reg ng isa pa.

“Ako naman, madali lang akong kausap.

“Madali lang yung trabaho ko, sa kanya lang mahirap!” napapangiting pahayag ni Ogie.

Dagdag niya, sa seryosong tono, “Being a mom at her age is not as easy.

"So, aalalayan ko siya every step of the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nakikita ko sa mga mata ng asawa ko na gusto niya ng isa pa.

“So, God-willing, kung pagpalain tayo at bigyan ng isa pa, so let’s go!”

Ganun nga ang hangad ni Regine.

Sabi nga ng singer-actress, kini-claim na niya sa Diyos na mabubuntis pa siya uli, dahil kaya pa raw niya.

Saad ni Regine, “Sabi kasi ng doktor ko, I’m okay.

“Kumbaga, yung sa loob, I’m really good, puwede pa talaga.

“Saka parang bata pa yung uterus ko.

“Kasi hindi naman ako nag-abuso ng katawan ko—I don’t smoke, I don’t drink.

“As a matter of fact, kahit caesarean ako, ang bilis ng recovery ko kasi hindi ko inabuso yung katawan ko.

“Ganun pala pag wala kang bisyo sa katawan.

“I mean, I’m forty-two years old, nag-caesarean ako, first baby ko, hindi ako nahirapan.

“Sobrang blessed! Yun nga, sobrang bilis nag-recover ng katawan ko.

“Di ba, right after, nag-concert pa kami ng asawa ko, February?”

Ang tinutukoy ni Regine ay ang concert nila ni Ogie na Mr. & Mrs. A sa Smart Araneta Coliseum.

Patuloy ni Regine, “So, hindi imposibleng mangyari.

“Pero kung gusto ni God yun... kasi it all depends on His plan. Kung anong plano Niya for us.

“Kung hindi, okay lang, we’re happy.”

VACATION. Pagkatapos ng Silver concert ni Regine ay magbabakasyon daw sila sa Amanpulo.

Regalo raw ito ni Ogie kay Regine bilang bahagi ng celebration ng silver anniversary ng Asia’s Songbird sa showbiz.

Posibleng doon na ba nila sundan si Baby Nate?

“Hindi natin alam!” natatawang sagot ni Ogie.

“Hindi naman yun yung balak ko, e. Balak ko lang magpahinga ang asawa ko.

“But let’s say na ganun, it’s all in God’s plan.

“Pag ‘yan ay natuloy at knowing na siyempre si Regine had semi-difficulty pregnancy, e, wala namang imposible sa Panginoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN