Aga Muhlach says disqualification case is "politically motivated"

Ipinagkikibit-balikat ng aktor na si Aga Muhlach ang pagkakatanggal nila ng asawang si Charlene Gonzalez sa listahan ng registerd voters sa San Jose, Camarines Sur. Aniya, pakana lamang ito ng mga makakalaban niya sa kanyang pagtakbo bilang kinatawan ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur.


Nagsalita na si Aga Muhlach tungkol sa pagkakatanggal nila ng asawang si Charlene Gonzalez sa voters’ list ng San Jose, Camarines Sur.

Sa report ng Aksyon, ang primetime newscast ng TV5, kahapon, November 8, inihayag ni Aga na kampante siyang hindi makakaapekto sa kanyang pagnananais na tumakbo bilang kinatawan sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur ang desisyon ng municipal court na tanggalin sila sa voters’ registration doon.

Nakausap ng News5 si Aga kahapon sa airport kung saan bibiyahe siya patungong CamSur.

Pahayag ng Liberal Party candidate for Congress sa fourth district ng Camarines Sur, “Mahirap na magsalita, but basically everything is under control.

“I’m not disqualified. I will vote!

“It’s my right to vote. Hindi nila matatanggal sa ‘kin yun.”

Positibo si Aga na pagbibigyan ng korte ang kanyang apela na kilalanin ang kanyang residency sa nasabing bayan.

Dagdag pa niya, naniniwala siyang “politically motivated” ang mga hakbang upang ma-disqualify siya bilang botante at kandidato sa San Jose.

Saad ng aktor, “Inasahan na namin na mangyayari lahat ito. It’s nothing really so…

“Nagpapasalamat na lang ako sa lahat ng tumatawag sa ‘kin.

“Lahat, maayos ‘yan, and hindi nila puwedeng lokohin ako.”

Nagparehistro sina Aga at Charlene bilang mga botante sa San Jose, Camarines Sur noong March 19.

Inaprubahan naman ang kanilang rehistro ng Election Registration Board ng nasabing lugar noong September 28.

Pero nabaligtad ang nasabing pag-apruba sa kanilang registration nang may mga nagpetisyon at kumuwestiyon sa residency nilang mag-asawa.

Naniniwala ang 43-year-old actor-TV host na hudyat ito na nababahag na ang buntot ng kanyang makakalaban.

Aniya, “Sabi ng mga nakakasama ko, ganun daw talaga ‘yan pag malakas ka.

“Pero ayoko naman isipin na malakas ako.

“Basically, yung mga petition naman nila talaga, yung mga disqualification, yung mga citizenship residency, are covered.

“So it’s just normal na ibinabato nila sa akin iyon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nila, baka raw kinakabahan na sila kaya ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN