Rafael Rosell on working with Marian Rivera: "I’ll just do my job and keep my hands off—for now."

Paglipat ni Rafael Rosell sa GMA-7 ay naging kapareha niya kaagad ang Primetime Queen na si Marian Rivera. Maiiwasan ba ni Rafael ang hindi mahumaling kay Marian? Sagot ng aktor, “Actually, wala pang warning sa akin na nandiyan si Dingdong Dantes. Of course, I respect the guy, I respect naman, so I’ll just do my job and keep my hands off—for now.”


Muling nilinaw ni Rafael Rosell na maayos ang naging pamamaalam niya sa ABS-CBN bago siya lumipat sa bakuran ng GMA-7.

“Sobrang ayos,” sabi ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kaya wala siyang kasamaan ng loob doon?

“Wala, wala... puwede pa ring banggitin yung pangalan ko sa Dos!” sabay tawa ni Rafael.

“Hindi naman tipong... wala namang isyu.

“Nagpaalam naman ako nang maayos kay Miss Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head], naka-ilang meetings din po kami.”

Ano ang reason na ibinigay niya sa ABS-CBN?

“Yung totoo. Wala naman akong itinatago sa kanya, e.

“Sabi ko sa kanya na, ‘Miss Cory, I’m looking for change.’

“At sabi niya, ‘Sige, ano ang puwede kong i-provide para makuha mo yung change na gusto mo?’

“Sabi niya, ‘Sino bang staff ang gusto mo?’ ganyan-ganyan... ‘We’ll create the environment.’

“Sabi ko ‘Hindi yun, Miss Cory, e.’

“Ang gusto ko lang kasi... Paano ko madya-judge kung gaano kalakas ang intensity ng isang network kung hindi ko pa nakikita ang network, di ba?

“So porke pinalitan mo yung posisyon ng kama mo sa kuwarto, hindi naman ibig sabihin, hindi ka happy sa dating posisyon ng kama mo.

“Matutulog ka pa rin pero gusto mo lang ng pagbabago, di ba?” saad niya.

Hindi ba siya nagsisisi sa naging desisyon niya?

“Hindi ako nagsisisi,” mariing sagot ni Rafael.

MARIAN RIVERA. Sa una niyang teleserye sa GMA-7 ay ang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera kaagad ang ibinigay na kapareha niya sa Temptation Of Wife.

Aminado ang dating Kapamilya na may nerbiyos siyang nadama.

“Sobrang ninerbiyos... sobra-sobrang ninerbiyos!

“Nakita ko na siyang umarte dati, nakita ko na siyang magtrabaho—she’s very professional.”

Hindi kaya siya ma-tempt, na kahit may boyfriend na si Marian ay ma-in love siya rito?

“Well, I’m not the one with a partner—baka siya ang ma-tempt!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi... joke lang,” natatawang sabi ni Rafael.

Dagdag niya, “Kumbaga, hindi ako mate-tempt. If ever, ako ang magte-tempt, di ba?”

Wala raw kasing karelasyon si Rafael ngayon.

“So, yung temptation, wala sa akin—ako ang magte-tempt.”

Sa ganda ni Marian, wala ba siyang kaba na baka ma-in love siya dito, kahit may Dingdong Dantes na ang aktres?

Sabi ni Rafael, “Actually, wala pang warning sa akin na nandiyan si Dingdong Dantes.

“Of course, I respect the guy, I respect naman, so I’ll just do my job and keep my hands off—for now.”

Kung walang boyfriend si Marian…

“Kung walang Dingdong or walang kung sino man, siyempre malaki ang posibilidad sa lahat, di ba?” at muling tumawa ang binata.



NO GIRLFRIEND. Wala ba siyang nililigawan ngayon?

“Hindi na uso ang ligawan, e, 2012 na.

“I go out on dates but I don’t commit.

"Showbiz and non-showbiz—I go out with friends.

“Ang pinaka-close na friend ko, si Jaycee Parker, taga-Viva Hot Babes.”

Pero hindi sila magkarelasyon?

“Hindi, hindi. Kapatid ko yun, e! Sobrang kapatid ko yun kaya.”

Paano sila naging close?

“Dati pa, e. Isa siya sa mga unang nakilala ko dito sa Pilipinas nung lumipat ako dito [from Norway].

“At back then, parang kailangan niya ng tulong, tumulong ako.

“Tapos never kong binanggit ulit.

"Tapos, ever since then, parang mapagbigay siya... kumbaga, sa friendship sa food, sa support...

“Every time napapanood niya ako sa TV, parang, ‘Kuya, ang galing mo, astig!’

“So, parang iyon. Nag-uusap kami lagi.

"Pero when it came to her problems with her relationship, never na binanggit sa akin.”

Si Jaycee ay dating karelasyon ng former Streeboys member na si Danilo Barrios.



HONESTY POLICY. Ilang taon ang kontrata niya sa GMA-7?

“Three years kay Popoy [Caritativo]. It’s more of an honesty policy, I think.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako rin, e. Pati sa... I think sa friendship, you don’t strangle your friend.

“If your friend loves you, he will stay and be your friend, di ba?

“The same way na yung Luminary Management, hindi ako sinasakal...

“Or I’m free to do whatever, by loving them.

“I don’t think I’m going anywhere else, e. Hindi na kailangan ng kontrata para i-bind iyon.”

Ang Luminary ang talent management na pinamamahalaan ni Popoy Caritativo. Kabilang sa talents dito ay sina Marian Rivera at Dennis Trillo, na parehong kasama ni Rafael sa Temptation of Wife.

Ang TV5 ba ay hindi nag-offer kay Rafael?

Sabi niya, “Dahil yung kontrata ko sa ABS at Star Magic nag-lapse yun pareho at the same time, so yung unang hinanap ko, manager siyempre.”



INSTRUMENTAL. Si Kris Aquino ang naging instrumento kaya napunta si Rafael kay Popoy. Magkaibigan sina Kris at Popoy.

Kuwento ni Rafael, “Dahil binanggit na ni Miss Kris sa akin dati na.

“Sabi niya, ‘Si Popoy is interested in managing you, just in case in the future...’ ganyan-ganyan.

“E, the future came, so siya yung unang naisip ko at kinontak ko.”

Kilala na ba ni Rafael si Popoy dati?

“I’ve seen him and ’hi-hello,’ pero yung closeness, wala pa naman dati.”

Kaya hindi na nagkaroon ng chance ang Singko na kunin siya?

“No, dahil dumiretso na kami ni Popoy sa GMA, e.

“At nandito na tayo sa Tempation of Wife, ladies and gentlemen!” ang tumatawang sabi ni Rafael.

Hindi ba nababagalan si Rafael sa career niya?

“Para sa akin, hindi naman kasi ako nagmamadali, e.

“Dahil ako kasi, more in terms of perspective.

“If I’m after to become the most popular person para makapag-run ako ng Presidente, I don’t think my career is the ideal vehicle for that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero if my intention is to have fun and enjoy and experience the industry from all types of angles, then I think I have the best life!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN