Paulo Avelino busies himself with two Regal movies while waiting for next project with ABS-CBN

Muling makakatrabaho ni Paulo Avelino si Lovi Poe sa isang pelikula. Sabi ni Paulo tungkol sa aktres: “I’ve worked with her before, I’m very comfortable working with her. I love working with her. Kumbaga, I love her as an actress. I think she’s a really good actress. I would love to do more films with her."


Matapos ang matagumpay na teleseryeng Walang Hanggan, dalawang pelikula ang pinagkakaabalahan ngayon ni Paulo Avelino—The Bride and The Lover at Shake Rattle & Roll XIV.

Parehong sa ilalim ng Regal Entertainment ang dalawang pelikulang ito.

Ang tungkol sa mga pelikula niya ang ikinuwento ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 9, sa launch ng Colgate Optic White sa The Mango Tree, Bonifacio Global City, Taguig City.

SHAKE RATTLE & ROLL. Wika ni Paulo tungkol sa horror franchise ng Regal, “I’m doing an episode under Direk Chito Roño. I think it’s called ’Lost Command.’

"We’re actually shooting right now.”

Ibinahagi din ng Kapamilya actor sa PEP ang role niya sa "Lost Command."

“I’m Lamberto Ubaon, a soldier… it’s a group of soldiers, a battalion of soldiers looking for the lost command.

“Kumbaga, a lost battalion of soldiers, nasa gubat."

Makakasama ni Paulo sa episode na ito sina Dennis Trillo, Martin Escudero, Alex Castro, JC Tiuseco, AJ Dee, at iba pa.

“So all boys, ’cause it’s a soldier film,” sabi ni Paulo.

Sa tingin niya ba ay mas magiging nakakatakot ito kaysa sa mga nakaraang Shake Rattle & Roll movies?

Sagot ni Paulo, “Yes. Scarier and something different.

"‘Cause we all know Direk Chito is a good director and this film, it’s not your typical scary film or horror flick.

“It’s something new, it’s something you won’t usually see on Philippine cinema all the time.”

THE BRIDE AND THE LOVER. Gaganap naman si Paulo bilang boyfriend ni Lovi Poe sa The Bride And The Lover.

Sa isang interview ng PEP kay Lovi noong nakaraang buwan, naikuwento niya na mainit ang mga ginawa nilang eksena ni Paulo. (CLICK HERE to read related article.)

Napangiti si Paulo nang mabanggit namin ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wika niya, “Ang masasabi ko dun, aside from it being intimate, it’s fun to do and I think it would add spice into the movie.

“We’re keeping it as real as possible, as natural as possible, the lines are very funny, the lines are very true.

“I mean, it’s gonna be a [must-see film] for people who love campy or love rom-coms.”

Kumusta naman si Lovi bilang katrabaho?

“I’ve worked with her before, I’m very comfortable working with her. I love working with her.

“Kumbaga, I love her as an actress. I think she’s a really good actress.

"I would love to do more films with her,” sabi ni Paulo.

Kasama rin sa The Bride And The Lover si Jennylyn Mercado.

Kung magkakaroon ba siya ng sexy exposure sa pelikulang ito ay dapat daw abangan na lamang ng mga manonood.

NEXT LEADING LADY. Kamakailan lamang ay ini-release ang self-tiled album ni Paulo at sa ngayon ay wala pa siyang ginagawang bagong teleserye.

Kung siya ang papipiliin, sino ang gusto niyang maging susunod na leading lady?

Sagot ng aktor, “Ako, anyone. Anyone. I don’t really mind.

“I’m more of a material kind of guy. Material in terms of script, in terms of production.”

Ano namang klaseng materyal o proyekto ang hinahanap niya?

“Nothing special but something different,” sagot niya.

Ibig sabihin ba nito ay open siya sa pagganap ng mga gay roles?

“Puwede.

“I mean, ako, I have no idea what they’re gonna give me, so I’m just waiting,” wika ni Paulo.

Bago pa man ang interview ay pinagbawalan na ang PEP na pag-usapan ang tungkol sa karelasyon ni Paulo na si LJ Reyes at sa kanilang anak, kahit pa alam naman ng publiko ang tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN