PEP TALK. Regine Velasquez on fighting for Ogie Alcasid’s love: "I’d be happy to go through it again, kasi that means I’m gonna be with him in the end."

Regine Velasquez recalls the early days of her relationship with Ogie Alcasid: "Our beginning is difficult. It was very difficult! Ang daming struggles, may mga time na parang we were both questioning talaga if it is worth it to be together."


Sa Part 1 ng PEP Talk kay Regine Velasquez, nagbalik-tanaw ito sa mga pinagdaan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

(CLICK HERE to watch the first part of PEP Talk)

Sa Part 2, lovelife naman ng Asia’s Songbird ang inungkat ng associate editors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sina Erwin Santiago at Rommel Llanes.

Matatandaang nag-iwan ng hanging question si Rommel tungkol sa napabalitang maraming manliligaw ni Regine.


Ang reaksiyon ng host/ singer/ actress, "Parang wala naman ako maalalang madami. Napakadaming nanligaw sa akin? Wala naman akong naalalang ganun.


Rommel: Sige i-enumerate natin: Herbert Bautista, David Celdran...

"Di naman kaya ako niligawan no’n. Hindi kaya!" ang sabi niya tungkol kay David.


Erwin: Si Herbert?

Habang nakangiti, sumagot ito ng "Oo!"


Rommel: Aga Muhlach, Robin Padilla...

"Hindi ako niligawan ni Aga!"


Rommel: Pero sa mga na-link sa ’yo bakit natagalan bago nakamit ni Mr. Ogie Alcasid ang iyong matamis na oo?

"Hindi ko rin alam. Hindi kasi, nung time kasi na ‘yon... First of all, di ko alam na nililigawan ako.

"Two, parang I was so serious with my career, kasi nung time na ‘yon, I was handling myself na, e. Ang dami kong gusto i-prove.

"I wanted to do so many things, I was so serious talaga sa career ko. So mas ganun lang siguro ‘yong nangyari sa akin.

"Hindi ko alam na may nanliligaw sa akin. As a matter of fact, ano ko nga yun, e. Reklamo ko nga yun, ’Bakit kaya parang walang nanliligaw sa akin?’"

Magiliw namang ikinuwento ng Songbird kung paano sila nagkakilala ni Ogie Alcasid.

"Ogie kasi, I’ve known for a long, long time. We’ve known each other, 18 pa lang ako. Kilala ko na siya nang matagal na matagal na.

"Tapos di kami nagkita nang matagal na matagal na panahon din, hanggang sa magkaroon na siya ng sarili niyang buhay, ako rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Somewhere in the middle, nag-meet ulit kami and we became friends again. Kasi dati pa naman kaming close, e. I remember being very close to him, mas naging closer pa kasi we got to know each other."

Bago naging stable ang buhay pag-ibig ni Regine ay na-link siya sa ilang lalaki sa showbiz, at isa na rito si Aga Muhlach, na siyang leading man niya sa latest movie niyang Of All The Things.

During the movie’s presscon, ni-reveal ni Aga na minsan ay nagkagusto siya kay Regine.


Erwin: Bakit mo sinasabi dati na feeling mo hindi ka magugustuhan ni Aga? Dahil hindi ka naman maganda? Bakit may ganun kang feeling, e, ikaw na... ikaw na si Regine Velasquez?

"Kasi feeling ko, dapat si Aga, dapat ka-same level niya [ang babae]. Parang ganun...

"Parang dapat artista din. E, ewan ko!

"Hindi ko alam! Ganun lang ako mag-isip.

"Plus, I don’t like assuming. Ayoko naman i-assume na, ‘Shocks! Type ako niyan!’"


Erwin: Pero hindi kaya manhid ka lang nung time na ‘yon?

"Yun din. Manhid, manhid rin ako. Kasi nga, I don’t like assuming na may gusto ‘yan sa akin, parang haller...

"Kini-claim niya kasi na nagpaparamdam siya, wala ako naramdaman kasi hindi ako sanay sa ganun, e!

"Parang gusto ko ‘yong sinasabi sa akin or diretsahan na sasabihin sa akin, para malalaman ko rin yung talagang nararamdaman ko, or meron ba or wala."


Erwin: May time ba na may gusto ka tapos ikaw ‘yong nagpakita ng motibo o nagsabi na ’Uy...’ o nagparamdam?

Todo tanggi ang Songbird sa sagot niyang, "Never! Kahit mamatay na ako, never!!!"


Erwin: Kahit gustong gusto mo ‘yong lalaki?

"Never.. Never!!! Parang nakakahiya! Never ko ginawa ‘yon! Never!"

Balik kay Ogie ang topic.


Rommel: Punta naman tayo kay Mr. Alcasid, kailan mo naramdaman na naging iba na yata yung pagiging close nito ha?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi before, nung nag-uusap lang kami, friends, friends. Naks! Dinaan ako sa friends, friends."


Rommel: Dinaan ka rin ba sa kanta?

"Oo, dinaan din ako diyan!

"Tapos parang dumadating dun sa mga araw na siya yung unang taong nakakausap ko tapos siya yung huling taong nakakausap ko. Yung ganun na kami kadalas magtawagan. Ewan ko sa kanya. Tawag siya nang tawag, e!

"Paggising ko sa umaga siya yung gumigising sa akin. Bago ako matulog siya yung kausap ko.

"Tapos minsan, may time na walang tawag. ’Bakit parang nami-miss ko?’ That’s how it started."


Rommel: So yun na? Yun na ang panliligaw ng Batangueño?

Patawang sagot ni Regine, "Apparently, yun na pala yun!"


Rommel: Kailan mo naman naramdaman na tinatamaan ka na rin sa kanya?

"Agad! Nung sinabi niya!"


Erwin: Agad-agad?

Sabay tawa, sinabi niyang, "‘Di mo na pinapatagal pag ganun!"


Erwin: Walang pahirapan ‘to?

"Wala nang pahirapan. Nagkukunwari lang naman akong pa-hard to get!"


Erwin: Pero di ba magkaibigan kayo, siyempre ligawan stage, date, date?

"We never went through that!

"Because nga of the situation, medyo iba nga yung sitwasyon namin, so hindi kami dumaan dun.

"We were able to go out nung umamin kami na kami na. But that was how many years after."


Erwin: ‘Yong sweetest thing na lang na ginawa ni Ogie for you?

Pakilig na ibinahagi ni Regine ang isa sa mga sweetest things na ginawa ni Ogie para sa kanya.

"One time pumunta ako sa house niya, may mga bond paper, tapos parang may arrow, tapos susundan ko yun. Pagdating sa room, may nakalagay na ‘I love you.’

"Tapos puro candles ’tapos parang nagtatago siya sa banyo, meron siyang cassette... CD player, parang boom box. Tapos pinatugtog niya yung "Love Me Tender," tapos nag-dance kami."


Version daw ni Elvis Presley yung song.


Rommel: Pero nung nililigawan ka ni Ogie nung time na ‘yon, ano’ng reaction nila Mang Gerry?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Di naman siya nanligaw. Parang naging kami na lang!

"Nung umpisa kasi, di ko naman sinabi agad sa kanila, e. Nung sigurado na ako na gusto ko siya at saka ko pa lang sinabi.

"Siyempre sa parents ko, di nila masyadong type. May asawa siya, e!

"Our beginning is difficult. It was very difficult! Ang daming struggles, may mga time na parang we were both questioning talaga if it is worth it to be together.

"Kasi, masyadong maraming taong involved, maraming taong nasasaktan. It was a very, very difficult beginning."


Erwin: Was there ever a time na feeling mo naging unfair sa ’yo yung publiko o yung mga press sa ’yo?

"Nung time na ‘yon, na-tsi-tsismis kami, pero siyempre nagde-deny kami, walang nagsasabi ng anything.

"Wala naman sila pruweba, wala naman sila nakikita.

"I cannot blame the public or the press for writing whatever na ma-decide nila at that time, kasi hindi nga normal yung sitwasyon, e.

"Naintindihan naman namin bakit may mga taong who’s so against it, may mga taong nagalit, especially when we finally admit it.

"Kasi parang yun yung isa sa mga bagay na kailangan mong tanggapin pag ganito yung trabaho mo. Yung judgment ng tao, laging mas malaki pa sa’yo, mas malaki pa sa sitwasyon yung judgment nila.

"I cannot blame them. Siyempre, sa mata ng tao parang mali naman talaga yung umpisa.

"But then, hindi naman din nila alam yung totoong nangyari, kung ano talaga yung sitwasyon."

Nadako ang usapan kay Michelle Van Eimeren, ang ex-wife ni Ogie.


Erwin: I remember sa SOP dati, mismong si Michelle Van Eimeren yung nagtanggol sa iyo via phone patch pa ‘yon.

"Mahal ako nun, e.

"Ginawa niya yun kasi parang feeling niya everyone is being unfair kasi hindi naman nila alam yung totoong story.

"I have to also say na mabait naman talaga yun, e. Mabait talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kanya, parang family na ako, she treats me like her sister. Ako rin naman, ganun rin naman yung trato ko sa kanya!

"Yung feeling ko that time, parang gusto kang lamunin ng stage, siguro. Parang feeling ko she didn’t really need to do that!

"Pero sobra akong na-touch kasi she did.

"Nakakatuwa kasi siya mismo na nagsasabi na alam mo, ’We’re okay. We’re fine. Okay na yun so wag na natin i-ungkat pa yung past.’"

Marami mang pinagdaanan ang Asia’s Songbird ay masasabi naman niya na worth it ang lahat.


Erwin: Now you have Ogie and Nate, masasabi mo bang worth it lahat yung pinagdaanan niyo ni Ogie?

"Yes, I have to say!

"Parang sinasabi ko nga dati, ‘If I have to go through it again, I’d be happy to go through it again,’ kasi that means I’m gonna be with him in the end.

"So, yes, it’s worth it! Kasi mabait na tao ‘yong ipinaglaban ko, e!"

"At saka, yun nga, in the end naman, parang nagkaroon ako ng isa pang kapatid na babae, yun nga, si Michelle. At nagkaroon ako ng dalawang babaeng anak. And of course, I have Nate."

Nagtapos ang Part 2 sa hanging questions tungkol sa mga arguments nila ni Ogie at kung selosa ba siyang asawa.

Abangan ang sagot ni Regine sa Part 3 ng #RegineonPEPTalk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN