Diether Ocampo denies turning down primetime soap because of small role

Isa si Diether Ocampo sa 15 contract stars ng Star Magic na mapapanood sa pelikulang 24/7 In Love. Sa kanyang episode ay makakasama ng aktor ang young actress na si Maja Salvador.


Very proud si Diether Ocampo na kabilang siya sa 15 Star Magic artists na mga bida sa pelikula ng Star Cinema, ang 24/7 In Love, bilang selebrasyon sa ika-dalawampung taon ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Mapapanood na sa Nobyembre 21 ang pelikula na kinabibilangan din nina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, Zanjoe Marudo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Sam Milby, Pokwang, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla.

“Ano ito, e, parang bigay-pugay. It’s my way of saying thank you to Star Magic,” sabi ni Diether, na naging bahagi ng Star Circle Batch 2.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diether sa grand presscon ng 24/7 In Love kagabi, Nobyembre 8, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.



WORKING WITH MAJA. Tampok sa 24/7 In Love ang pitong magkakaibang love stories.

Kasama ni Diether sa isa sa mga love story si Maja, kung saan ginagampanan nila ang papel bilang boss at sekretarya.

Si Diet ay si Ken, isang successful businessman na maraming personal issues. Mababago ang kanyang pananaw sa pag-ibig sa pagdating ni Barbara (Maja) sa kanyang buhay.

Si Barbara rin ang makatutulong kay Ken na maresolba ang problema niya sa isang baby na iniwan sa kanyang hotel room.

Kumusta naman katrabaho si Maja?

“Never a dull moment. 24/7 kaming masaya,” tugon ng aktor.

May isang eksena sa pelikula na maaabutan ni Maja si Diether na nakahubo’t hubad sa kuwarto nito dahil katatapos lang yata nitong maligo.

Makikita ni Maja ang behind ni Diether gayun din ang tattoo nito sa likod.

Kaya ang tanong namin kay Diether: Totoo bang nagpakita siya ng behind kay Maja?

“No, no… ano tayo, e, PG [Parental Guidance]!” natatawang sabi ng aktor.

Pag-amin niya, nadaan naman daw ang lahat sa pag-aanggulo ng camera.



LORENZO’S TIME ISSUE. Sinamantala na rin ng PEP ang pagkakataon upang linawin kay Diether ang isyu tungkol sa diumano’y pagtanggi niya sa role niya dapat sa natapos nang teleseryeng Lorenzo’s Time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napunta ang role na ito kay James Blanco.

“It was offered to me,” pag-amin ni Diether.

“But marami kasing ano e… that time, I couldn’t [accept it].

“I was also out of town. Wala ako dito noon.

“Tapos they have to start na.

“When they decided to start with the project, I was out of the country naman.”

So, hindi totoong inayawan niya ito dahil naliitan siya sa role?

“No, no, no. There’s no such thing.”

Wala rin daw kinalaman dito ang pag-expire ng kontrata niya sa ABS-CBN at sa napabalitang planong paglipat umano niya sa ibang istasyon.

“There’s no issue. I just renewed my contract. So, we just started with a new teleserye.”

NEW TELESERYE. Hindi man daw siya natuloy sa Lorenzo’s Time ay nabigyan naman siya ng bagong teleserye kung saan makakasama niya sina Piolo at Angelica—ang Apoy sa Dagat.

Excited nga raw si Diether sa kanyang role dito.

“Maganda, maganda ang role natin. Parang mysterious tycoon, parang ganun.”

Masaya rin daw siya na makakatrabaho niya ulit si Piolo, na kaibigan niya at dating kagrupo sa The Hunks.

Saad ni Diether, “Siyempre, I’m happy to be working with Piolo.

“Pero we have never shot our scenes together yet.

“But, meron kaming mga eksena eventually because we’re working on the second week pa lang naman, e.

“So, abangan n’yo, it’s a really very intense teleserye.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN