Jaya on not being included in Regine Velasquez’s Silver concert: “Hindi ko naman show ‘yan, ‘no? Bakit ako aarte?”

Wala raw kahit konting sama ng loob o tampo si Jaya sa hindi niya pagkakasali sa guests para sa concert ni Regine Velasquez na Silver. Sabi ng Queen of Soul, "Kung hindi po ito yung time na kasama ako sa show, okay lang. It has nothing to do with our friendship. Anu’t anuman ang mangyari, kumare ko siya, e, kaibigan ko siya."


Halos araw-araw nang mapapanood si Jaya sa TV.

Bukod sa Sunday musical-variety show na Party Pilipinas, magsisimula na ang daily morning show nila ni Gladys Reyes sa GMA-7, ang Nay 1-1, sa Lunes, November 12.

Paano hinahati ni Jaya ang oras niya?

Sabi ng Queen of Soul, “Three times a week ang taping so hindi din kami masyadong, kumbaga, haggard.

“Pero meron ding days na may trabaho na yung empty days namin for taping.

“So, yung the next four days of the week, iyon naman yung may Party Pilipinas, may kanta dito, sa ganyan.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaya sa presscon ng Nay 1-1 kahapon, November 8, sa 17th floor ng GMA Network Center.

ADVICE FOR REGINE. Ang Nay 1-1 ay show na nagbibigay ng advice at tulong sa mga nanay.

May naibigay na bang advice si Jaya sa kaibigan niyang si Regine Velasquez-Alcasid na isa na ring ina ngayon?

Tugon ng mother-of-two, “Actually, wala, e.

"Kasi, una sa lahat, lahat ng kapatid niya na mga babae, mga nanay na. May kapatid siyang lalaking tatay na.

“So by the time nagbuntis siya, bugbog na siya sa…

“Actually, kaming mga girlfriends na kakilala niya, ang daming chuchu-chuchu, ‘Ganito gawin mo!’

“Pero once kasi lumabas na ang anak mo, dumadating yung instinct na, ‘Ay, alam ko naman!’

“Siya nagpapaligo, siya naggaganyan, siya naggaganito... so there wasn’t much that we could say na hindi niya alam, di ba?”



REGINE’S CONCERT. And speaking of Regine, marami ang nagtaka kung bakit hindi kasali si Jaya sa mga guest ng Asia’s Songbird sa Silver concert nito sa SM Mall of Asia Arena sa November 16.

Ang mga guest ni Regine ay sina Janno Gibbs, Lani Misalucha, at asawa niyang si Ogie Alcasid.

Kung tutuusin ay magkakasama na sila noong SOP days pa. Pero bakit nawala sa listahan ng guests si Jaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ng singer-TV host, “Hindi... ganito ‘yan, e. Sinabi ko na, ’Baka lang, in case may magtanong, ano’ng sasabihin ko?’

"And you know what? The thing is, may producer ang palabas niya.

“I mean, may manager siya, meron silang producers, meron silang concept.

“And kung hindi po ito yung time na kasama ako sa show, okay lang.

“It has nothing to do with our friendship.

“Anu’t anuman ang mangyari, kumare ko siya, e, kaibigan ko siya.

“Desisyon nila ‘yan and I’m okay with that.

“I’m all for her show.

"Siyempre, twenty-five years, iniidolo naming lahat ‘yang si Regine, so bakit ako aarte, di ba?” paliwanag ni Jaya.



NO HARD FEELINGS. Walang sama ng loob si Jaya kahit konti?

Sagot niya, “Kahit konti.

"You know why? Ang dami-dami pa nung magiging shows.

“Nag-a-anniversary lang naman siya, twenty-five years.

“Dapat nga, mas kung ibang producer ‘yan siguro, isang katerbang tao rin naman ang ilalagay, di hindi na siya nakita?

“E, twenty-five years niya ‘yan, e. So I’m pretty sure they really want to feature her.

“And that’s really what I’m hoping for—na lahat ng tao manood sa show niya.”

Ang tanong ng marami: Bakit si Lani, samantalang sina Regine at Jaya ang hanggang ngayon ay magkasama sa Party Pilipinas?

Tumawa muna si Jaya saka sinabing, “Hindi ko alam ang friendship nilang dalawa, but as far as I know, hindi naman…

“Alam natin si Regine, hindi rin ‘yan madesisyon, e.

“I feel like she’s letting the production team handle that situation.

“So whatever it is, masaya ako for them.

“I wont be such a liar to think na sana kasali ako.

“Kaya lang, hindi ko naman show ‘yan, ‘no? Bakit ako aarte?

“Show nila ‘yan and I’m just happy for them... happy for her na she’s reached twenty-six years...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, twenty-six years naman siya sa business, e, and I think we should leave it at that.

“Wala naman akong alam, e, alam mo yun?

"Hula-hula lang din naman ako.”



LANI MISALUCHA. Speaking of Lani, nakita na ba ni Jaya recently ang Asia’s Nightingale?

“Last year and a half or two years ago pa.

“Hindi pa kasi... a, hindi. Nakita ko naman siya sa TV at saka sa picture.”

Iniintriga kasi na malaki na ang pinagbago ng hitsura ni Lani ngayon.

Sagot naman ni Jaya rito, “Huwag na tayong mag-arte—she’s definitely much more beautiful now than ever.

“But she was already beautiful then, so whatever it is that she wants to do with herself, that’s her prerogative.

"And she will always be the beautiful Lani to me—no matter what!”

Wala silang communication ni Lani?

“Wala. Kasi nung last two years ago kaming nagkatsikahan, raket iyon, e—ang tagal na.

“A, sa FB [Facebook]... FB yata.”



DOMESTIC PROBLEM. Napag-usapan naman ang isyu kamakailan na isang dati niyang kasambahay ang nagreklamo na inaabuso diumano ni Jaya.

“Dyusko, ’Day, ka-cheap-an!” sabay tawa ni Jaya.

“Ning, hindi ko nga siya nakasama ng two months, e.

“Alam mo, ito na lang sasabihin ko... galing sa agency ‘yan.

“Kung may nangyari kasi, hindi na ako sumagot kung guilty ako—hinarap ko agad ‘yan, e.

“Ang maia-advice ko na lang sa mga tao, kung kukuha kayo ng kasambahay, siguraduhin ninyo na reputable yung agency.

“Because no matter what they say... may certificate, may ganyan-ganito, they can always fake it—one.

“Second, hindi lahat ng tao totoo. Puwedeng magsinungaling kasi kailangan ng work.

“Pangatlo, hindi lahat ng pagkakataon, yung papasok sa bahay mo, e, magtatagal.

“So hindi mo alam kung may raraket sa iyo, may papatay sa iyo, kung ano ba ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang ginawa ko ngayon, sinagot ko iyon, e.”



THE STORY. Ano ba ang nangyari?

“Wala lang yun! Na-hospital siya, ako naghatid.

"E, public hospital, wala ka pay.

“Pero nag-pay na ako nang nag-pay for the initial medication... food.

“Ako pa nag-grocery, ako pa!

"So, sabi ko, ‘Papa’no itong nangyari?’

“Nagtanong na ako, sa agency.

“Nagtanong na ako sa mga taong talagang nakakaalam kung papaano yung patakaran sa public hospital.

“I spoke with the doctor. I forgot her name, pero huwag na natin siyang isali, tapos na naman ito, e.

“But what I’m saying is, kung hindi ko pala sila nakausap, in the dark ako.

“Puwede na akong na-tsika! E, kasalanan niya, nag-Tulfo siya, e.

“Tumawag din pala dun sa administrative staff... I was cleared!

“As a matter of fact, now she owes me.

"Pero okay lang, wala na.”

Bakit ba siya doon sa agency na iyon kumuha?

“Kumuha na ako dati doon.

“Iyan ang problema, hindi ako nagkakasambahay.

“First time, nung dating bahay ko pa, na mga six and a half years na ako sa Pilipinas noon.

“Siyempre, pag nagkaroon ka na ng kasambahay, bumi-busy ka, you have to rely on them.

“So merong mabait, tapos merong aalis kasi nabuntis, tapos aalis kasi uuwian na yung magulang, may aalis kasi mag-aaral.

“So maraming iba-ibang sitwasyon. Talagang nagpapalit ka.

"But, ito lang po, nakatiyempo lang ako ng hindi tama para sa akin.

“Nag-report siya sa Tulfo na inaabuso ko daw siya. Saan?!

“Nag-Saudi na siya, nag-security guard na ‘yan, who knows ano pang naging trabaho niya?

“So, hindi na ‘yan malayo sa Budol-Budol Gang, hindi na ‘yan malayo sa Salisi, Hamog Boys...”

May kasambahay na raw siya ulit ngayon.

“Okay naman so far, okay naman.”

SAME TIMESLOT. Makakatapat ng Nay 1-1 show nina Jaya at Gladys ang Kris TV ni Kris Aquino sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila takot na si Kris ang katapat nila?

Sabi ni Jaya, “Hindi naman siguro kami dapat matakot if we are presenting a different type of show.

“Sobrang andun na si Miss Kris, e, I mean, she’s done it all. Name it, she’s claimed it and she’s done it well.

“And us, we’re just starting and asking for support and tingnan ninyo rin yung programa namin.

“It’s something different for GMA to offer in that timeslot.

“So kung meron kayong mapapanood na Kris TV on this channel, and cartoon on this channel, eto po yung sa amin, and we’re just hoping for the best.

“Sana talagang magustuhan ninyo yung mga nakikita ninyong mga normal na tao... na nanghihingi ng tulong at natutulungan.

"Iyon lang naman yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN