Sam Milby to have kissing scene with Pokwang in 24/7 In Love

At present, Sam Milby is single. He says, "Wala akong lovelife. I’m happy."


Love interest ni Pokwang ang role ni Sam Milby sa pelikulang 24/7 In Love ng Star Cinema, na ipapalabas na sa November 21 sa mga sinehan.

Ang star-studded project na ito ay original Star Magic production na bahagi ng celebration ng kanyang ika-20thanniversary.

May kanya-kanyang kuwento rito sina Piolo Pascual at ang mga bagets na sina Xyriel Manabat at Zaijan Jaranilla, Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Magpapakilig din sina Diether Ocampo at Maja Salvador, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Kim Chiu at Gerald Anderson, at Sam at Pokwang.

Sa press conference pa lamang na ginanap noong Huwebes ng gabi, November 8, sa Dolphy Theater, may mga nagbiro kay Sam kung hindi raw ba nahirapan ang Star Magic na kumbinsihin siyang maging leading lady si Pokwang.

Sagot ni ng Fil-Am actor, “Maganda naman si Marietta [Pokwang’s real name]. Love ko ‘to. Six years na kaming nagtu-tour. Love ko talaga si Marietta.”

Humirit naman si Pokwang na “virgin” pa raw siya, bagay na sinang-ayunan naman ni Sam.

“Virgin talaga si Marietta sa kissing scene. So, ako ang first niya.”

Para kay Sam, mas gusto raw niya ang kuwento na napunta sa kanilang dalawa ni Pokwang, bilang comedy ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Ako, mas nawawala ang pressure sa akin kasi it’s comedy. Masaya lang sa set. Very easygoing lang. It’s easier, and the fact na matagal na kaming friends [ni Pokwang] sa mga tours, it made it a lot easier.”





LOVELESS. Kung si John Lloyd ay may Angelica at si Zanjoe ay may Bea, si Sam ay wala.
“Wala akong lovelife," malinaw ngang sinabi nito.
Gayunpaman, "I’m happy. Masaya naman ako. Marami namang work.”
Wala ba siyang nililigawan ngayon?
Ang mabilis na sabi ng Kapamilya leading man, “Sa ngayon, wala talaga.
“I’m very busy with taping, and then, ito pa ngayon, yung 24/7 In Love.
"Since I came from the U.S., naging very busy yung sked kaya doon muna sa trabaho.”
Noong nag-try ba siyang pumasok sa Hollywood, hindi rin ba siya nakakilala ng special someone?
“Mas lalo namang malabo na magkaroon ng lovelife sa U.S. Halos every day, we’re really busy in a lot of things."

SIGHTINGS WITH CAMILLE PRATS. Dito na namin ipinasok ang dalawang beses na sighting sa kanila ni Camille Prats.
Napangiti si Sam nang marinig ito.
Aniya, “Alam niyo, nasagot ko na ’yang isyu na yan. And I think, there’s nothing to explain naman because, yes, we go out, we eat.
"Camille, especially Pratty [John], is my best friend. We hang out.
“Even their family, they are like family to me. Friends talaga and I don’t see anything wrong if people see us together. I mean, we’re friends.”


WORKING WITH JUDAY. Sa isang banda, may nagtanong naman kay Sam kung totoo raw bang na-intimidate ito kay Judy Ann Santos, na siyang female lead sa upcoming series na Against All Odds, kung saan makakasama rin si Sam.
“First time na magkasama kami sa isang project,” ani Sam.
“Friends naman kami pero may mga eksena lang na medyo na-intimidate ako. And naging kumportable naman ako after a while.”
Nahirapan daw siya sa kanyang mga Tagalog lines?
“May mga lines na medyo malalalim, at dahil malalim, nahirapan ako sabihin. Iniisip ko yung linya, hindi acting. Pero yun lang.”

Pero bakit na-move ang playdate nito?

Ayon sa Kapamilya star, “Ako, kadarating ko lang galing States. I dont know, naghihintay lang ako.
“For a week, we were put on hold kasi ang hirap ng sked.
"I know Juday has a movie for MMFF [Metro Manila Film Festival], and she’s also busy with her new show, Master Chef.
“Ako, naghihintay lang ng sked.
"Okay na rin kasi busy din ako sa maraming shows, performing... I’m doing a lot of shows for singing naman, but I just finished the indie movie Death March.
“Hindi ko alam kung lalabas dito sa Pilipinas, basta maganda yun.”
Sa pagpasok ni Jericho Rosales sa cast, handa ba siya sakaling pagkumparahin sila?
“Hindi naman maiiwasan na ma-compare kami. I’m actually glad naman na madagdagan ng cast, making it much more better.
“I’m excited.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN