PEP EXCLUSIVE Donnie Geisler appeals for compassion for brother Baron: "I hope people won’t be quick to judge..."

Si Donnie Geisler (main) ang mas nakatatandang kapatid ni Baron Geisler (inset). Parehong naging housemates ng Pinoy Big Brother ang dalawa, subalit mas nakahiligan ni Donnie ang sports, habang nanatili namang aktor si Baron.


Halos wala pang tulog si Donald David Geisler III nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bandang alas dose ng tanghali, ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre.

Magdamag kasi itong nanatili sa Station 5 ng Quezon City Police Station, kung saan sinamahan niya ang nakakulong na kapatid na si Baron Geisler.

Nasampahan ng reklamong physical injury, malicious mischief, at child abuse ang kontrobersiyal na aktor, sanhi ng pananakit umano nito sa kapitbahay na si Raymond dela Rosa kagabi, ika-9 ng Nobyembre.

Nagkaayos na raw ang kapatid at si Raymond kaya ayaw nang magbigay ng detalye pa ni Donnie, na siyang palayaw ng kuya ni Baron, tungkol sa nangyari sa loob ng tindahan ni Raymond.

Ngunit kinumpirma nitong may kinalaman nga sa "tinapay" ang away.

Hindi rin ito nag-deny na may nangyaring pananakit.

Pero, aniya, maging si Baron ay nasaktan.

Ayon kay Donnie, "From where my mom was standing, she knows the story... As he [Baron] was walking out, he [Raymond] hit him with a stick twice. It was not so big."

At ito raw ang naging sanhi ng "bruise in the arm" ni Baron.

Sa bersiyon naman ni Raymond, sinuntok daw siya ng aktor, na kumuha pa umano ng upuan at ihinampas sa dingding.

Nasaksihan ng mga anak ni Raymond ang pangyayari kaya nagreklamo rin ito ng child abuse.

Paglilinaw naman ni Donnie, "It was quickly stopped. It was a bad case of misunderstanding."



WHAT HAPPENED OUTSIDE THE STORE. Nang makabalik na sa bahay si Baron mula sa tindahan, may mga kapitbahay daw na sumigaw ng, "Hoy, lumabas ka diyan!"

Pagkatapos, ayon kay Donnie, "My mom called the barangay because of the commotion. She was not feeling well.

"Dumating ang mga barangay tanod, diretso pinakulong..."

Sumama naman si Baron dahil sinabihan daw ito ng ina na "You go."

Dugtong ni Donnie, "Then he was brought straight to the police."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bandang alas otso raw kagabi nang ikulong ang aktor. Pasado alas onse naman kagabi rin nang dumating si Donnie.

"He was detained, and nakiusap kami kung puwede na siyang palabasin.

"We were pleading na rin since the lawyer was out of town. He shouldn’t really be staying there.

"But the police wanted the lawyer to appear [first, before letting him go]."

Pasado alas diyes na ng umaga ngayong araw nang pakawalan si Baron.

THE AFTERMATH. Gaya ng unang nabanggit ni Donnie, nagkasundo na sina Raymond at Baron.

Ayon pa rin kay Donnie, may kalakip na kondisyon si Raymond para kay Baron: "Huwag na lang lumapit sa store."

Humingi na rin daw ng paumanhin si Baron.

At pinag-aaralan din daw ng abugado ng mga Geisler kung may violation na nangyari sa pagkakakulong ng aktor.

WAS HE DRUNK? Nang tanungin si Donnie ng PEP kung lasing si Baron nang nangyari ang insidente, ito ang sagot niya:

"I don’t want to say anything. I’ll let Baron make the statement," ang pahayag ng kuya ni Baron.

Pero sa pagkakaalam daw niya, "He missed his meds. He’s depressed because he heard something. ’Tapos ayun, na-provoke.

"He wasn’t in the right state of mind because of trauma."

Ang tinutukoy ni Donnie ay ang after-effects ng pagkaka-rehab ng kapatid noong January 2011 dahil sa alcoholism.

At ayon sa manager ni Baron na si Arnold Vegafria, ongoing pa rin daw ang sessions ng kanyang talent sa isang psychologist, lalo pa’t may "chemical imbalance" pa raw si Baron.

Ang naturang kondisyon, ayon sa PsychCentral.com, ay nakakapagdulot ng major depression.

Kaya raw hinihiling ni Donnie ang pang-unawa ng publiko sa kanyang kapatid.

"Hopefully, people will understand what he’s going through.

"I hope people won’t be quick to judge, and that they will be forgiving, and will still support him."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN