John Estrada: “My dad was a great father, a greater husband, and the greatest friend."

John Estrada talks about how his mother wants John to be like his father Vicente when it comes to treating his own family.


Nagluluksa pa rin si John Estrada at ang kaniyang pamilya sa pagpanaw ng kanyang amang si Vicente Estrada dahil sa sakit sa puso.

Sumakabilang-buhay ito noong nakaraang Lunes, November 5, at inilibing kahapon, November 9, sa Manila Memorial Park.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si John sa burol ng kanyang ama sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City.
Bungad ng ABS-CBN talent, “Siyempre, masakit talaga na mawalan ng tatay, pero at the same time, ako na ang magsasalita para sa pamilya namin.
"Panatag na ang loob namin, mas maganda na kasama na ng tatay ko ang Panginoong Diyos natin, yung kapatid kong bunso na bata pa nawala na sa amin, yung mga magulang niya. Kasama na niya.
"Hindi na niya ma-e-experience yung pain na na-experience niya dito sa mundo. Panatag na ang kalooban niya.”
Nagkuwento si John tungkol sa history ng sakit ng kanyang ama.
“Actually, he had a triple bypass surgery thirteen years ago.
"Sa family namin, wala kaming history ng cancer, pero heart talaga ang problema. Even my grandmother and my grandfather passed away because of heart problem. Siguro mana-mana.
"Bata pa yung Daddy ko nung nagkaroon siya ng heart problem. He was fifty-three. Until, two years [ago], na-stroke na naman siya."
Sa stroke daw na iyon, naparalisado na ang kalahating bahagi ng katawan ng ama ni John.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Kapamilya actor, "Naka-recover naman siya nang kaunti pero naka-wheelchair na.

"Nakakalakad siya nang kaunti pero naka-quad cane siya.

"Until, na-hospitalize siya three months ago... Kinausap na kami ng cardiologist na kailangan mag-prepare na kami.

"Sabi ko, ’Bakit?’

"Kasi yung heart daw ng Daddy ko, fifteen percent na lang ang nagwo-work. Medyo ang bigat nun.

"At the same time, naapektuhan na yung kidney niya, yung liver niya. Makikita mo deteriorating na yung health niya. Bedridden na until he passed away."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagdesisyon daw ang pamilya na huwag nang ipaalam sa ama ang malala niyang kalagayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
“Hindi namin sinabi sa kanya, hindi. Dahil baka matakot, so wala. We left it to ourselves.
"Yun lang ang magagawa mo, pero I’m sure alam niya.
"Kahit mga kapatid niya, lahat ng immediate family, nasa tabi niya.
"Panatag na kami na at least hindi siya nahirapan nang matagal."
Sa kuwento ni John, isang napakabuting asawa, ama, at kaibigan ni Vicente Estrada.
“Parati ngang sinasabi ng mga kaibigan ng Daddy ko, ng mga pinsan niya, na he’s the greatest man that they ever met.
"Kasi ang daddy ko, mapagbigay talaga. He’s a great dad to us.
"Sobrang lungkot ng nanay ko, dahil alam ko na minahal talaga ng nanay ko ang tatay ko.
"Honestly, sabi nga ng nanay ko bago i-embalsamo ang tatay ko, ’Parang nawalan ako ng kalahati ng katawan ko.’ So, ang sakit, di ba?
“My dad was a great father, a greater husband, and the greatest friend.
"Sa tanang buhay ko, isang beses pa lang ako napagalitan ng tatay ko, dahil nahuli niya akong nanigarilyo nung bata pa ako.
"My dad is a gentle person, ako nga minsan pag pinapagalitan ako ng nanay ko...
"Kasi minsan sa mag-asawa, di mo maaalis yun, hindi naman perpekto ang daddy ko, siyempre minsan nag-aaway sila.
"Pero nakita ko sa parents ko, yung nanay ko talaga ang mabunganga, medyo nagger.
"Pero ang daddy ko, makikita mo, nakaupo lang yun, sasabihin nun sa nanay ko, ’Ok, ok, pasensiya ka na,’ lalo na pag alam niyang siya ang nagkulang.
"Sinabi nga sa akin ng nanay ko, ’Bakit di mo gayahin ang tatay mo sa pagdadala mo ng ano [pamilya]?’
"Siyempre, magkaiba naman kami, siguro din nakuha ko, hindi ko sinasabing nagger ako, pero nakuha ko medyo yung temper ko sa nanay ko, kasi mayroon talaga...
"Daddy ko, cool. Kaya kaming magkakapatid, minsan lang magsalita ang daddy, pero pag nagsalita na, makikinig ka.”
Tinanong namin si John kung may iniwan bang bilin sa kanya o sa kanila ang ama bago ito sumakabilang buhay.
“Wala namang bilin. Siguro a week before namatay ang Daddy ko, at alam namin na malapit na talaga... ganun pala yun, ang masasabi ko lang...umabot ako ng libo-libong I love yous.
"Yung daddy ko, wala talaga siyang alam na malapit na, pag umiiyak ako at nakikita niya, magtatanong yun sa akin, ’O, bakit umiiyak ka, mamamatay na ba ako?’
"Sinasabi ko lang, ’Hindi, natutuwa lang ako.’”


WIFE PRISCILLA. Samantala, natutuwa naman si John dahil very supportive raw ang asawang si Priscilla Meirelles sa mabigat na pinagdaanan nilang ito ng kanyang pamilya.
“Sobrang supportive si Priscilla. Actually, kahapon may taping ako, so siya ang tao dito mula umaga hanggang gabi.
"Sinundo ko siya two in the morning. Nagdasal lang ako, sabi ko sa daddy ko, ’Pasensiya na, Priscilla is here from the first day.’
"Darating siya mamaya kasi yung anak namin sinisipon."
Pero kung meron daw siyang pinanghihinayangan, iyon ay hindi na nakasama nang mas matagal pang panahon ng anak nila ni Priscilla ang namayapang ama.
“Oo nga, e, hindi na sila nagkasama, pero alam mo kasi, pag iisipin mo yung lungkot na ngayon wala na akong tatay, masakit.
"Pero mas panatag yung loob ko dun sa hindi na siya maghihirap.
"Alam ko, kasama na siya ng Panginoon natin, nagpapasalamat ako sa Diyos na kinuha niya agad ang Daddy ko sa ganung sitwasyon, kasi ayoko talagang makita na naghihirap siya.
"Sabi ko nga sa nanay ko, every time, for the last few months na alam namin, na sinabihan kami ng cardiologist, three times a week nandun kami sa bahay nila...
"Hindi ko kaya, e, pag nakikita ko ang Tatay ko na ganun, bumibigay ako. Every time na umuuwi ako, depressing talaga yung feeling kasi very close kaming family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN