Enchong Dee on "breakup" with Julia Montes: "Mas magandang huwag na lang sagutin. Kasi, every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan yung sagot ko."

Hindi direktang sinagot ni Enchong Dee ang balitang break na sila ni Julia Montes. Rason ng young actor, "Every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan yung sagot ko."


Hindi direktang sinagot ni Enchong Dee ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na break na sila ni Julia Montes.

Sa report na lumabas dito sa PEP noong Sabado, November 10, kinumpirma ng isang source na nag-break sina Enchong at Julia noong kaligitnaan ng October.

Pero ayon din sa source, "maayos naman sila" ngayon, pagkatapos ng breakup.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng The Buzz kay Enchong kahapon, November 11, ay tinanong siya tungkol sa lumabas na report sa PEP.

Sagot niya, “Naku, hayan na naman sila. Hayan na naman.

“Pero siguro, mas magandang huwag na lang sagutin.

“Kasi, every time na sumasagot ako, hindi naman nila pinaniniwalaan yung sagot ko.

“So, yun na lang.”

Toto bang “mid-October” ng taong kasalukuyan sila nag-break ni Julia?

“Hindi po!” natatawang sagot ng young actor.



BIRTHDAY SURPRISE. Maliban doon ay wala nang naging pahayag ang young actor tungkol sa balitang breakup, imbes ay ikinuwento niya ang birthday surprise na ginawa para sa kanya ni Julia.

Noong November 5 nagdiwang ng kanyang 24th birthday si Enchong.

Kuwento ni Enchong, “Actually, yes, sa L.A. Meron kasi kaming show sa L.A.

“Tapos, after ng show namin, meron kasi akong ibibigay na regalo dun sa producer namin, kasi nga, merong nagpaabot.

“Pagbukas ko ng pinto, I didn’t know na yun pala ang kuwarto niya [Julia].

“Pagpasok ko, nandoon na silang lahat and she’s the one who organized it.”

PEP STANDS BY ITS STORY. Bago lumabas ang report tungkol sa kanilang breakup ay walang ginawang pag-amin sina Enchong at Julia tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Nang lumabas ang report ng PEP, nagsalita si Enchong na hindi sila break na ang ibig sabihin ay sila pa rin.

Nirerespeto ng PEP ang desisyon ni Enchong na huwag direktang sagutin ang isyu.

Karapatan ng sinumang artista na huwag isiwalat sa publiko ang lahat ng nangyayari sa kanilang buhay, kasama na ang kanilang pakikipagrelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Karapatan din nilang hindi magpa-interview, hindi umamin, at hindi magpaliwanag sa mga isyung kinasasangkutan nila.

Ngunit sa huli, naninindigan ang PEP sa inilabas nitong report.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN