Jose Manalo: “Wala namang taong ayaw ma-in love. Kailangan mo talaga nung makakasama mo sa buhay. Importante ‘yan.”

Eat Bulaga! mainstay Ariel “Jose” Manalo laughs off questions regarding the matters of his heart: “110 over 70. Normal na normal naman! Yung heartbeat ko, nasa 32. Maganda ang heartbeat niya. Kundisyon sa heartbeat ni Michael Jordan, 34 kasi, e!”


Maganda ang magiging pagtatapos ng taong 2012 para sa komedyanteng si Ariel “Jose” Manalo, ang kilalang co-host ng long-running noontime show na Eat Bulaga!.

Simula kasi sa Nobyembre 17 ay mapapanood si Jose bilang co-game master ng pinakabagong game show ng GMA Network, ang Celebrity Bluff.

Makakasama niya rito ang kanyang partner sa katatawanan na si Wally Bayola at ang award-winning actress-comedienne na si Eugene Domingo.

Sa press launch na ginanap noong Nobyembre 9, Biyernes ng gabi, sa GMA Network Annex, ibinida ni Jose ang kanyang bagong proyekto.

“Maganda yung game show kasi, unang-una, hindi mo aasahan na... siyempre, malalagay kami ni Wally sa ganitong show.

“Nandun pa rin naman yung mga kalokohan namin ni Wally.

"Yun lang, akala lang nila, pinakamahirap dito, hindi nila iniisip na meron din pala kaming alam kahit konti!

“Pero ayaw nila maniwala na baka mamaya tama na yung sinasabi namin, hindi pa rin sila maniwala.

"So, malilito ka talaga, e. ‘Kala bina-bluff pa rin namin.”

Isa sa kakaibang feature ng Celebrity Bluff ay ang panlilinlang o pagba-bluff ng mga celebrity guests at mismong mga game masters sa mga contestant upang gawing mas mahirap ang laro.

Pabiro pang dagdag ni Jose, “Minsan talaga, hindi namin alam! Nagdudunung-dunungan kami! Iniiba na lang namin yung expression ng mukha.

“Actually [sa] script, binabasa namin yung kung ano yung mga spiels lang namin.

"Pero hindi na ibinibigay sa amin kung ano yung sagot, e. Para mas mag-isip daw kami.

“So, mas malamang, wala kaming maisagot na tama!”

Bagamat kilala na sa paghu-host at pagpapatawa, may kaba pa rin si Jose sa pagpasok sa bagong programa.

Ayon kay Jose, “Unang-una, ninerbiyos kami kasi si Uge [Eugene], kilala naman natin si Uge, hindi naman po talaga nawawala yung nerbiyos kahit ano, e.

“Hindi mo alam, laging ganun, e, kung magugustuhan ba itong gagawin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan lagi pong nandun para mas mag-effort ka pa sa gagawin mo na... ’wag ka mag-relax kung ano man yung gagawin mo.

“So, pag-aralan mo ng konti, magbasa-basa ka ng konti, o magbasa ka na nang dire-diretso.”

EUGENE DOMINGO. Isang bagay na ikinatutuwa ni Jose sa kanyang bagong show ay ang muli nilang pagsasama ni Eugene.

Nagkatrabaho ang dalawa sa ‘90s afternoon soap na Valiente. Nakakatutuwang isipin na drama ang unang pinagsamahang proyekto ng dalawang komedyante.

Sabi ni Jose ukol sa Kimmy Dora star, “Relax naman kami kay Uge, kasi si Uge, nakasama ko na sa Valiente before.

“Tagal na nun saka drama! Seryoso din siya nun, seryoso din yung role ko nun.

“Pero nagkakausap kami dati dun kaya hindi na ako masyadong nahihirapan kay Uge.

"Mabait naman si Uge, e. Parang kami rin ’yan, e.”



NOT YET CONFIDENT. Sa panayam, nabanggit din ni Jose na nag-aalinlangan pa siyang mag-host ng sariling game show.

Wika niya, “Ako, aminado ako, hindi ko kaya mag-host ng isang game show.

"Kahit isang show, kahit hindi game show—hindi ko kaya…

“[Sa] segment namin sa Bulaga, hindi lang naman ako. Andun pa rin si Wally, nandun pa rin si Paolo [Ballesteros].

“At, nandun pa rin sila Bossing [Vic Sotto] sa loob ng studio na alam naming nakaalalay sa amin.

“Pero yung para kami lang… hindi pa siguro. Hindi pa namin kaya ni Kalbo [Wally] na gawin yung ganyan.”

Ayon kay Jose, nakadepende pa sila sa alalay ng kanilang Eat Bulaga! co-stars na sina Vic, Joey de Leon, Allan K, at Senator Tito Sotto.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng comedy series sina Jose at Wally sa TV5, ang The Jose And Wally Show Starring Vic Sotto. Inere ito mula Nobyembre 5, 2011 hanggang Setyembre 8, 2012.



HIGHER TALENT FEE? Nang tinukso si Jose na siguro’y mas mataas na ang suweldo niya matapos punuin ang Smart-Araneta Coliseum sa concert nila ni Wally nitong taong ito, tinawanan lamang ito ng komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi po. Kahit tanungin n’yo po kay Tita Malou,” pagtanggi ni Jose.

"Tita Malou" ang tawag nito sa kanyang boss at talent manager—ang Eat Bulaga! at TAPE Inc. executive na si Malou Choa-Fagar.

Saad pa nito, “Hindi ko po alam.

"Kasi po si Ma’am Malou, hindi naman po masyadong nag-aano dun sa presyo na ibibigay sa amin or kukunin niya.

“Kailangan lang, nagtatrabaho lang at sayang din yung panahon, di ba?

“So mas mahirap kasi pag itinaas mo yung presyo mo, konting project yung magagawa mo.

"So, mas maliit yung presyo—pakyaw. Kumbaga sa ano, pakyaw ’yan, e…”



CHRISTMAS 2012. Nang tanungin si Jose kung nag-iipon na ba siya para sa nalalapit na paghahanda at pagbibigayan ng regalo sa nalalapit na Kapaskuhan, sagot nito: “Siyempre, yung para sa mga bata, yung para sa mga magulang ko. Yun na lang yung pinag-iipunan.

"Tapos yung ibang mga kamag-anak pa natin na medyo kailangan ng konting pamasko.

“Yun lang naman yung pinaglalaanan natin. Wala naman tayong pinaglalaanan na garbong-garbo.”

Binanggit din ni Jose ang kanyang simpleng hiling:

“Ang wish ko sa Pasko, sana lahat masaya, sana Pasko [sa] lahat. Kahit Pasko ng Instik, Arabo... basta Pasko!

“Hindi ako masyado pala-wish, e. Hindi ako mahilig mag-wish, e.

“Basta ang gusto ko lang, kung ano yung darating na nandito, kung masaya, kung maharap mo, yun na yun.

"Kasi mahirap mag-wish, pag di na natupad, mahirap.”

Excited naman daw siya para sa holidays.

“Oo naman. Kahit sino naman. Pangalawa ’yan o una ’yan sa birthday natin!”

LEGAL MATTER. Sa kabila ng mga biyayang natatanggap niya, isang dagok naman ang dumating sa buhay ng komedyante noong unang bahagi ng 2012.

Sinampahan ng kaso si Jose ng kanyang asawang si Anna Lyn Manalo noong Pebrero 27 dahil sa diumano’y paglabag ng komedyante sa R.A. (Republic Act) 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paratang ng estranged wife ni Jose, nakatanggap daw siya at ang kanilang mga anak ng "emotional and verbal abuse" mula sa komedyante.

Pero kalaunan ay na-dismiss din ang kaso. (CLICK HERE to read related story.)

Nakakausap ba ng Eat Bulaga! host ang kanyang mga anak?

Sagot ni Jose, “Okay naman, wala naman masyadong problema.”

Sabay lumihis at nagbiro ito: “At yung sinasabi ko nga… yung Celebrity Bluff, maganda ’yan, e! Kung mapapansin n’yo ’yan, maayos yung pagkakagawa ng script!

“Medyo bluff na rin yun!” tawa pa nito.

Nang diretsuhin kung ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa dating asawa, umamin si Jose na hindi pa niya gustong magsalita ukol sa kaso.

“Hindi pa. Ayaw ko na munang pag-usapan.

"Ayoko, ayoko muna pag-usapan.

“Ito, tayo, kailangan masaya itong game. Yun yung pag-usapan natin para maganda yung vibes, yung dating nung game.”

Makakasama ba niya ang kanyang pamilya ngayong Pasko?

“Andun naman. Kasama ko nanay ko, tatay ko. Masaya naman.

"Matagal ko ring hindi nakapiling mga magulang ko.”

MATTERS OF THE HEART. Kumusta na ba ang puso ni Jose?

“110 over 70! Normal na normal naman!

“Yung heartbeat ko, nasa 32. Maganda ang heartbeat niya. Kundisyon sa heartbeat ni Michael Jordan, 34 kasi e!”

Dinaan na lamang ni Jose sa nakakatawang hirit ang pagsagot ukol sa kanyang lovelife.

Nang hiritan kung mai-in love ba siya sa 32-year-old, nagpatawa muli ang host: “Thirty-two? Masyadong matanda!”

Hindi naman daw sa ayaw na niyang umibig muli.

Paliwanag ni Jose, “Wala namang taong ayaw ma-in love.

"Kailangan mo talaga nung makakasama mo sa buhay. Importante ’yan.

“Maganda yung nandiyan yung pamilya mo. Sinusuportahan mo yung mga magulang mo.

“Pero iba pa rin yung merong magmamahal sa ’yo, mag-aalaga sa ’yo."

May takot na ba siyang makipagrelasyon muli?

“Medyo takot,” sagot ni Jose.

“Fact ’yan, hindi ’yan bluff!

"Sana makakuha tayo nang maayos. Sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa edad ko, parang mahirap na, e. Ayawan na ito!”

Sa ngayon ay naka-focus daw muna siya sa trabaho.

“Mas masarap magtrabaho. Para pag may dumating, may ipon ka na!”

Kahit fling o hindi seryosong relasyon ay hindi raw papatulan ng komedyante.

Sabi nito, “Ang pangit ng fling-fling. Hindi. Hindi ko rin ugali….

“Pangit kasi yung fling-fling. Parang nanloloko ka na rin ng tao nun, e. Paano kung naghanap ka ng seryosong relasyon?”

Nang banggitin ang pakikipag-one-night stand, sumagot si Jose ng: “Ay, hindi ako. Wala sa hitsura ko, pero hindi po ako.

“Bastos lang ako, pilyo lang ako sa salita, pero wala po ako sa ganun.

“Kaya gusto ko yung seryosong relasyon.”

Inalala pa nito ang payo ng kanyang kaibigang si Vic.

“May dadating. Sabi nga ni Bossing lagi yun, e.

“Darating ’yan! Yung pakasal, darating ’yan. Yung girlfriend o asawa, darating ’yan. Lahat naman darating ’yan.

“Ako kasi, sa araw-araw ko, yun ang lagi kong pine-pray.

“Kung ano ibigay Mo sa akin, basta Ikaw na bahala. Kung ano ii-step ko sa umaga, kaliwa ba o kanan, Ikaw na magpagalaw sa akin.”

SAVING UP FOR FAMILY. Sa huling bahagi ng one-on-one interview ng PEP kay Jose, nilinaw niya na ang kanyang ipon ay napupunta sa mga anak niya. Hindi na raw siya halos makaipon para sa sarili.

“Nando’n naman, oo.

"Siyempre yung mga pag-aaral nila, hindi mo puwedeng pabayaan yun.

"Lahat ng suporta mo sa pag-aaral, nandun naman yun.”

Mariing binanggit ni Jose na “konti [lang] talaga” ang naiipon niya para sa personal niyang pangangailangan.

“Wala pa, wala pang ipon kasi hindi pa ako pinapasahod.

"Puro yung sahod ko, hindi naman siyempre ganun kalaki.

“Inaasahan ka rin siyempre ng mga sinusuportahan mong tao.

"So, para sa ipon sa sarili…”

Kahit ba may mga show at upcoming movie siya, kasama si Wally, ay wala siyang ipon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Jose, “Pero kasi kung wala kang pelikula, wala kang show, ’wag ka mag-artista!”

“Hindi, yun naman, paminsan [lang]. Once a year lang ginagawa namin. Hindi naman siya sunud-sunod, e.

"Nagkataon lang na may movie. Naka-line up yung movie talaga.

“Tapos pumasok itong Celebrity Bluff, so medyo naging maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN