Atty. Ferdinand Topacio still open for settlement with Bea Binene and her mom: "I just need lang an affirmation na hindi totoo ang mga sinabi nila against me."

Iniintriga ngayon si Atty. Ferdinand Topacio (gitna) na may ipinalit na raw siya kay Bea Binene (kanan) sa katauhan ng baguhang artista na si Marvelous Alejo (kaliwa). Si Atty. Topacio ang magpo-produce ng debut album ni Marvelous.


Nagdiwang ng kanyang kaarawan ang kontrobersiyal na si Attorney Ferdinand Topacio noong Biyernes, November 9, sa isang resto-bar sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City.

Dumalo rito ang mga kapwa niya abogado, mga pulitiko, taga-showbiz, kasamahan sa business, mga naging kliyente, at taga-media.

Sa pasasalamat ng abogado sa lahat ng nakisaya, hindi raw sapat ang kaligayahan niya ngayon dahil sa hindi pagsipot ni Bea Binene.

Isa ba sa wish niya sa kanyang birthday ay maayos na ang gusot sa pagitan nila ng pamilya Binene?

Tugon ni Atty. Topacio, “Birthday wish? Sa akin na lang yun. Siguro world peace.

“Wala na akong mawi-wish pa kasi ang saya-saya ko ngayon—lahat ng mga taong importante sa buhay ko, nandito.

“Nandiyan kayo kaya masaya ako.”

Patuloy niya, “Tungkol kay Bea, I really don’t know.

“Pero alam ko nag-celebrate siya ng birthday niya last November 4, naalala ko lang…

“Basta ang masasabi ko lang, she was part of my life at hindi mawawala yun.”



CIVIL CASE. Tuloy pa rin ang civil case na isinampa ni Atty. Topacio sa mag-inang Binene.

Nagsimula ang gusot sa pagitan ni Atty. Topacio at ng mga Binene nang maghain si Bea at ang ina nito ng reklamo laban sa radio host na si Dan Villanueva.

Pero itinanggi ng mag-inang Binene na may permiso nila ang paghahain ng reklamo ni Atty. Topacio sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong September 3.

Dito nagsimula ang alitan ng mga Binene at ni Atty. Topacio na umabot din sa demandahan.

Pagbabalita ni Atty. Topacio, “Sa Monday [November 12] na isi-serve ng sheriff ng RTC [Regional Trial Court] ng Tanauan, Batangas, yung summons kina Bea.

“After that, they have to answer that, then may pre-trial kami.

"But I’d like to emphasize again, na it broke my heart to do that.

"And lagi ko nga sinasabi na I’m still open na maayos ito. Mag-uusap lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just need lang an affirmation na hindi totoo ang mga sinabi nila against me.

“Masakit na idinenay ako… that really hurt the most, e.

“Pero lagi ko ngang sinasabi, lapitan lang ako at makipag-usap, tapos na.

“Sino ba naman gustong may demanda?”



NEW TALENT. Nasa party rin ni Atty. Topacio ang kanyang bago raw "apple of the eye" na si Marvelous Alejo.

Si Marvelous ay naging finalist sa artista search ng TV5 na Artista Academy.

Ayon sa naglalabasang balita, si Marvelous diumano ang ipinalit ni Atty. Topacio kay Bea.

Nakahanda raw ang abugado na tulungan at alagaan si Marvelous tulad ng ginawa nito sa Kapuso tween star.

Sa katunayan, aligaga ngayon ang abugado para ipag-produce ng album si Marvelous.

Pag-amin ni Atty. Topacio, “Tungkol sa album, totoo yun.

"Nakita ko kasi yung ability niya sa pagkanta, e.

“A lot of people can sing, maraming marurunong kumanta. Pero someone who can sing with feelings, siya yun... siguro may pinaghuhugatan.

“She can sing with feelings. Hindi lang yung puro ano lang... puro daya lang at remedyo lang ng computer.

“Yung company namin, yung Conquest Records ang magpo-produce.

“I already instructed Mr. Ricky Gonzales, yung naggigitara namin… siya yung musical director namin. And I already requested him to write to TV5 to express our interest in producing it.

“Ten cuts album ito na puro OPM [original Pilipino music], mga revivals ng ’70s, ’80s and ’90s.

“Na kay Marvelous na yung list of songs.

“Kailangan na lang namin ang permission from TV5… na I’m sure maibibigay naman kasi wala namang masama dun.

"And I totally understand that kasi may exclusive contract siya sa network.

“Ako yung pumili ng fifteen songs, pero ang final decision, it’s up to her pa rin.

“Tinatanong ako kung me duet kami, sabi ko, “Huwag na, baka may masabi pa ang ibang tao.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inaayos din namin yung licensing ng mga songs at pag nag-okay na ang TV5, umpisahan na namin at kukunin na yung key ni Marvelous para maayos na ang arrangement.

“Gusto namin by February, matapos ang album at mai-launch na ito.”



NON-ISSUE. Sa gagawin at ginagawa ngayon ni Atty Topacio ay hindi maiiwasan na intrigahin siya at bigyang-kulay ang pagiging malapit niya kay Marvelous.

Paglilinaw niya, “Tanders [matanda] na ako, kayo lang naman nagli-link.

“Pure business lang—tanda kong ito, magugustuhan niya ako?

“Kinuha niya ako ko as lawyer at malinaw yun—at alam kong hindi niya ko itatanggi,” sabay tawa niyang malakas.

Bukod dito, sixteen years old pa lang si Marvelous. Ibig sabihin, menor de edad pa ito gaya rin ni Bea Binene na 14 years old lamang.

Ano ba ang tingin ni Atty. Topacio sa magiging career ni Marvelous?

Sagot niya, “Magaling akong mag-predict.

“Kasi eto, ha? Pag nanonood ako ng TV, nung nagsisimula pa lang si Sarah Geronimo, sabi ko, sisikat ito—sumikat nga.

“Tapos si Angel Locsin din.

"I think i have an eye for that at yun ay nakikita ko kay Marvelous.

“I hope to see her as a big star, not only in singing, but also in television and movies—tri-media star.

"She deserves it, e.

“Ang galing kumanta, sumayaw, umarte, mag-modeling… she’s very well-rounded.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN