Eula Caballero on possibility of being courted by Daniel Matsunaga: "Right now, honestly and sincerely, I think walang chance."

Ayon kay Eula Cabllero ay parang kapatid ang tingin niya kay Daniel Matsunaga. Nang tanungin kung may pag-asa ba si Daniel sakaling manligaw man ito sa hinaharap, sagot niya, "I don’t know. Ayoko ko kasing nagsasalita nang tapos kasi sometimes pinaglalaruan tayo ng tadhana, parang nakakain pa natin yung mga sinasabi natin. But right now, honestly and sincerely, I think walang chance."


Kasama si Eula Caballero sa isang episode ng horror trilogy na Shake Rattle and Roll XIII na entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Dito ay makakasama niya sina Lovi Poe, Vhong Navarro, Albie Casiño, at Eric Tai sa episode na “The Unwanted” sa ilalim ng direksyon ni Chito Roño.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula noong Huwebes, November 8, sa launch ng Colgate Optic White sa The Mango Tree, Bonifacio Global City, Taguig.

Dito ay inilarawan niya ang kanyang role sa pelikulang.

Aniya, “Well, actually, people will see me as someone who’s really jolly and perky.

“But then they would see my character develop into someone who’s really afraid of a lot of things.

“They would think that I’m really tough because they’d always see me laugh, smile, and just really perky.

“But when things really start to be scary and when some supernatural things come up, they would see my character as someone very opposite from what they’ve seen at first.”



FHM COVER. Sa November 2012 issue ng men’s magazine na FHM ay nag-pose ang kapwa Star Factor alumna ni Eula na si Ritz Azul.

Dahil dito ay hindi naiwasang tanungin ng PEP si Eula kung papayag ba siyang mag-pose sakaling makatanggap din ng ganitong offer.

Sagot ni Eula, “Well, right now, definitely I would say ‘no’ cause I’m seventeen only.

“But I don’t know, really.

"Kung ako lang ang tatanungin, honestly, I find no wrong about posing for a sexy magazine.

“I know naman FHM doesn’t really make covers na parang sobra na.

“So as long as parang, kumbaga, sexy in a way na decent pa rin, that would be okay for me, in the future.

“But of course, hindi pa ngayon.

"Why not, di ba? I mean, it’s art and as long as it’s decent, as I’ve said,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DANIEL MATSUNAGA. Inalam din ng PEP ang lagay ng lovelife ng 17-year-old Kapatid actress.

Sabi niya, “I don’t know if I should call it dating ‘cause I’m only seeing boys, but we don’t go out exclusively, we go out with friends.

“But I know siyempre, nararamdaman ko naman as a girl, na nagpaparamdam.

"But I never went out with someone alone."

Napabalitang malapit daw si Eula sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.

“Yeah, that’s what I was saying na parang I go out with a lot of people.

“And maybe they would say na parang, ’Uy, magkasama si Daniel Matsunaga at si Eula.’ BUT we are with a bunch of other people, other friends. So that’s it.

“And then people saw us at Aracama, here [The Fort] and some other places in Makati, like that, Privé.

“But we are actually with our friends. And for events like TV5 events or even parties, like that.

“But we never went out or we never dated,” paglilinaw ng dalaga.

Hindi naman itinanggi ni Eula na malapit sila ni Daniel ngunit paliwanag niya ay kaibigan lamang ang turing nila sa isa’t isa.

Aniya, “We are really good friends, we are really close friends, and we are really open to each other about a lot of things—even his lovelife and mine.

“We are open about what’s happening to each other. We are just very close.

“I mean, people in our show, Third Eye, they would say, ‘Uy, kayo na ba?’

“Kasi we are just really close and para kaming mag-kuya lang.

“I’m really comfortable with Daniel and I think naman he’s also comfortable with me kasi nagkukuwento nga siya sa ‘kin.

“Nothing more beyond that. Nothing more talaga.

"It’s just friendship and I look at him as my big brother,” wika pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito ay walang pag-asa si Daniel sa kanya sakaling manligaw man ito sa hinaharap?

Natawang sagot ni Eula, “Tumigil siya!

“I don’t know... ayoko ko kasing nagsasalita nang tapos kasi sometimes pinaglalaruan tayo ng tadhana, parang nakakain pa natin yung mga sinasabi natin.

“But right now, honestly and sincerely, I think walang chance,” sabi ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN