Glaiza de Castro on temptress role in Temptation of Wife: "Kahit sinasabi nilang ‘Ang landi-landi mo, Heidi!’ pero sinasabi pa rin nila na ‘Mahal ka namin, Glaiza.’"

Bagamat isang mang-aagaw ng asawa ang role ni Glaiza de Castro sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife, naniniwala ang aktres na nakakapagbigay siya ng leksiyon sa mga manonood. Saad ni Glaiza, “Although sexy or mature ang ginagawa ko, pero yung character ko bilang Heidi, sexy siya, pero yung mismong career ko, yung path naman niya, hindi sexy. At the same time, like yung character, nagagamit ko rin siya to convey message na ‘wag ganun. M


Halos araw-araw ay may mababasang komento sa Twitter at Facebook tungkol sa karakter ni Glaiza de Castro, bilang Heidi, sa GMA-7 primetime series na Temptation of Wife.

Karamihan ay galit sa kanyang karakter dahil sa pagiging sobrang agresibo nito sa kanilang primetime series.

Bilang Heidi, malaki ang obsesyon ni Glaiza sa karakter ni Dennis Trillo bilang si Marcel. Gagawin nito ang lahat para maangkin si Marcel mula sa kanyang asawa na si Angeline, na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

Pag-amin ni Glaiza, pati siya ay “naloloka” sa karakter niya sa Temptation of Wife.

Aniya, “Naloloka rin ako. Kapag nakikita ko, nasasabi ko talaga, ‘Grabe, nagawa ko ba talaga yung eksenang yun?’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza sa telepono noong Sabado ng gabi, November 10.

SENDING THE MESSAGE. Pero sa pamamagitan daw ng Temptation of Wife at sa mismong role niya bilang si Heidi, na isang kabit o mistress, naniniwala si Glaiza na may naipapakita silang maganda sa mga manonood.

“Sa akin kasi, ito talaga ang gusto ko, yung ginagawa ko, yung may balik.

“Naloloka sila sa mga ginagawa ni Heidi, pero parang at the end of the episode, iisipin mo, ‘Gagawin mo ba yung ginagawa niya?’

“Di ba, yung ganun? Mapapaisip ka, kasi hindi tama.

“Nakikita mo na, napapanood mo na hindi tama.”

Kaugnay pa rin ng kanyang role, hindi ba siya nakakatanggap ng mga hate mails lalo na sa fans ni Marian?

“Grabe!” natatawang sabi niya.

“Pero nakakatuwa, kasi kahit sinasabi nilang, ‘Ang landi-landi mo, Heidi!’ pero sinasabi pa rin nila na, ‘Mahal ka namin, Glaiza.’

“So, nakakatuwa lang na nadi-differentiate nilang talaga yung role at saka yung totoong ako.”

Dugtong pa niya, “Sa ngayon, wala pa namang namemersonal sa akin.

“At saka kasi, hina-hype din namin ang pain at agony ni Angeline para kapag naging Chantal na siya, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Chantal ang bagong katauhan na gagampanan ni Marian kapag “namatay” na si Angeline.

SUPERB ACTING. Marami ang pumupuri sa acting ng halos lahat ng cast ng Temptation of Wife—lalo na kina Glaiza, Dennis, at Marian. Iba raw ang mga atake nilang lahat sa pag-arte ngayon.

Sabi naman ni Glaiza tungkol dito, “In fairness talaga kay Dennis, ang galing niya talaga.

“Kaya ko rin naman nagagawa yung role dahil din naman kay Dennis. Kasi nga, sobrang galing niya.

“Kaya rin nagiging ganoon katotoo ang eksena, kasi lahat magagaling.

“At saka, hindi ko rin ine-expect na kahit si Marian… Di ba, ang dami na nating napanood na soap niya na api ang role niya?

“Pero dito sa Temptation of Wife, iba yung atake niya. Iba talaga.”

Kumusta sila ni Dennis bago at pagkatapos ng mga ekesena nila?

Sabi ni Glaiza, “Hindi kasi kami nag-uusap before the take ni Dennis.

“Hindi namin pina-practice talaga yung scene na may kasama nang emosyon. Nagre-rehearsal kami pero more on technical.

“Hindi namin nire-rehearse ang emotion para natural.

“After ng scene, nag-a-apir na lang kami.”

Ano ang pinaka-best compliment na natanggap niya sa kanilang direktor sa Temptation of Wife na si Dominic Zapata?

“Dati pa, ang dami ko nang natanggap na best compliment galing kay Direk.

“Pero dito siguro, sabi niya, ‘Mahusay ka, ginto ka.’

“Ako, parang, ‘Grabe naman!’”

DARING SCENE. May iniyakan na ba siyang “daring scene” na ginawa niya?

Sagot ni Glaiza, “Hindi naman ako umiyak, pero may time na natutulala ako na parang, ‘Shocks, nagawa ko yun?’

“Minsan, napi-feel bad din ako sa ginawa ko kasi, alam ko, it’s against my principle.”

Kuwento pa ni Glaiza, “Nahihiya rin ako.

“Minsan kasi, sa set, naaabutan ko pinapanood ang Temptation of Wife. Like, yung sa scene namin sa kotse, may kissing scene.

“Ako talaga yung nahiya na pinapanood namin. Hindi talaga ako sanay!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing daw ni Glaiza na ang role niya ngayon sa Temptation of Wife ang pinaka-grabe na sa halos lahat ng aspeto na ginawa niya.

“Oo, lahat e. Extreme yung stretching ng emotion.

“Mabait bilang kaibigan ni Angeline. So, dapat mag-manifest sa audience.

“Ang daming levels ng emotions ni Heidi at yun ang challenge dun—yung switching.

“Minsan nga, naiisip ko, sana may button na lang na pipindutin lang, magsu-switch na lahat ng emotion.”

MUSIC AS A THERAPY. May mga ibang artista na nadadala ang role nila kahit tapos na ang taping o shooting. Sa kaso ni Glaiza, ano ang pambalanse niya?

“Siguro yung music ko. Iba rin kasi kapag nae-express mo yung talagang ikaw sa medium mo.

“Alam naman ng lahat na ako talaga, gusto ko talaga kumanta, mag-compose.

“Hindi ko talaga siya puwedeng kalimutan.

“Eighteen, nineteen years old pa lang ako, nagko-compose na ‘ko.”

Ilan na lahat ng compositions niya?

Ayon kay Glaiza, “Siguro mga personal, nasa ten na rin ang nagagawa kong lahat.

“Yung iba kasi, may mga ibang artist din na nakikipag-collaborate.

“Like, may banda ako, yung Kagawasan.

“Yung ibang kanta, sinasabi ng ibang friends ko, baka puwede kong lagyan ng lyrics. Yung ganun.”

Si Glaiza ang naglapat ng melody at arrangement sa kantang isinulat ng kaibigan niyang si Angelica Panganiban para sa boyfriend nitong si John Lloyd Cruz, ang “Barcelona.”

Naalala ng PEP ang sinabi ni Glaiza noong huli namin siyang makausap na may plano si Angelica na kantahin sa birthday celebration nito sa Banana Split ang kantang isinulat nito para kay John Lloyd.

Bakit hindi ito natuloy?

“Hindi ko alam ano’ng nangyari. Pero, hiningi niya sa akin ang file.

“Hindi ko na alam kung ano ang gusto niyang gawin.”

Napag-alaman din namin kay Glaiza na ang kantang “Barcelona” ay mapapakinggan sa SoundCloud. Plano rin itong ilagay ni Glaiza sa iTunes at sa OPM site mismo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REVELATION. Isa si Glaiza sa mga artista na napakaraming talent—pag-arte, pag-awit, pagsasayaw, at pati na pag-compose ng kanta.

Ano ang pakiramdam na “loaded” siya ng talento?

“Ang sarap! Masarap siya.

“Nagpapasalamat ako, una sa Diyos.

“Ang talento naman kasi, hindi naman nagmumula sa akin. Daluyan lang ako ng blessings ni God.

“And thankful ako kasi, through my talents, naipapakita ko sa tao yung blessings ni God.”

Kung noong una ay nag-aalala si Glaiza na baka iba ang maging impresyon sa kanya bilang isang Christian, dahil sa napapanood sa kanya sa TV, ngayon daw ay "na-reveal" na sa kanya na tama ang ginagawa niya.

Saad ng aktres, “Mas lalo kasing naging klaro sa akin kung saan ako gusto papuntahin ni Lord.

“Di ba, kapag nagpi-pray ka, sinasabi mo na, ‘Lord, kung saan mo ako gusto...’

“Tapos, nare-reveal kung ano yung plano ni Lord sa atin.

“Ang sarap sa pakiramdam kapag nakita mo na yung gusto mo, pareho pala sa plano ni Lord.

“Although, ayokong magpaka-sound religious... masaya lang ako.

“At saka, importante kasi talaga yung faith.”

Ano yung nari-reveal sa kanya na plano ni Lord?

“Unti-unti, nakikita ko. Hindi ko pa siya ma-define completely.

“Pero ito pala, Lord, dito mo pala ako gustong gamitin.

“Although sexy or mature ang ginagawa ko, pero yung character ko bilang Heidi, sexy siya, pero yung mismong career ko, yung path naman niya, hindi sexy.

“At the same time, like yung character, nagagamit ko rin siya to convey message na ‘wag ganun. Mali pala yun.”

SEXY PICTORIAL. Dahil sa role ni Glaiza sa Temptation of Wife, mas lalong naging pursigido ang ilang men’s magazine na kunin siya bilang cover girl.

Kuwento niya, “Actually, ‘eto na nga, may finorward na text si Kuya Chino [Sarenas, her handler] na offer nga, cover raw this December na pang-Christmas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Papalo nang todo, kasi Pasko, maraming pera ang mga tao na pambili.

“Siyempre, minsan napapaisip din ako, puwede naman siguro.

“Kasi, sa akin naman lahat ng call. Kung ano ang gusto kong mangyari sa pictorial, isusuot ko…

“Pero yun lang, talagang yung conviction ko, hindi, e, hindi pa rin.”

Yung mga magulang niya, kung sakali ba papayag maging cover girl siya ng men’s mag?

“Medyo hindi rin. Kasi kahit yung role ko ngayon, medyo nahihirapan din sila.

“Sabi nga ni Tatay, bawas-bawasan naman daw ang kissing scene!” natawa niyang sabi.

“Pero hindi, e, wala pa ‘yan. Ang dami pang mangyayari, mas marami pang grabe.

“Nabasa ko ang third, fourth week, marami pang matitindi na scene.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN