Mikael Daez on entry of new Kapuso leading men: “Hindi ako napi-pressure sa mga bagay-bagay na wala pa naman dun.”

Itinuturing na inspirasyon ni Mikael Daez (nasa larawan) ang kapwa Kapuso actor niyang si Dingdong Dantes sa pagnanais niyang makatulong din sa kanyang kapwa. Saad ni Mikael, “I really think Dong is really an inspiration. May Yes Pinoy Foundation siya, ang dami niyang ginagawa to help people. So, para sa akin, ang social responsibility niya, ang taas. So, nakakabilib din yun at, feeling ko, nakaka-fulfill din. Kahit sobrang pagod si Dong, sobrang hectic lagi ng schedule niya,


Simula nang ipakilala si Mikael Daez sa Amaya bilang isa sa leading men ni Marian Rivera, sunud-sunod na ang mga naging projects niya sa GMA-7.

Ngayon ay leading man na siya sa afternoon soap na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Minsang binanggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mikael na may mga bago ring pinapasok na leading men ang GMA-7—isa na rito ang kapwa niya Mercator talent na si Benjamin Alves na napapanood ngayon sa Coffee Prince.

Nakakaramdam ba siya ng threat sa mga ganitong balita?

Sagot ng model turned actor, “Hindi ako napi-pressure sa mga bagay-bagay na wala pa naman dun.

“Mahirap kasing ma-pressure sa mga bagay na wala pa naman—parang mahirap.

“Masisiraan ka yata ng ulo dun.

“Actually," patuloy niya, "even with my other co-actors in GMA, I’m also happy for them, and I’m sure there’s also something I’ll learn from them.

“Ako naman kasi, from all the people I’ve worked with, palagi kong sinasabi yun at consistent naman yun.

“From Sid [Lucero], Marian [Rivera], Dingdong [Dantes]...

"And even Alden [Richards] na nauna sa akin and one year ahead of me, marami akong natutunan sa kanya kahit na mas bata siya sa akin.

“Same with workshops… sila Mark Herras, ang dami kong natutunan sa kanila from their own experience.

“So, for me, I want to focus on myself lang talaga.

“Naniniwala naman ako na kung magtitiyaga lang ako, I can live up to my potential.

“Whatever that may be... whatever limit that may be.”



WRITER-ACTOR. Sa palagay ni Mikael, malaking bagay rin na nakakapagsulat siya.

Meron nga siyang column sa isang leading daily broadsheet.

Aniya, “I write a lot din and, for me, it’s also added-value.

“Yun din blogging ko, writing, and yung pagiging Peace Ambassadorship, malaking bagay yun para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking karangalan sa akin yun at excited ako sa mga gagawin namin dun.

“Meron akong out-of-town trips and maybe out-of-the-country trips and exposure trip—and maybe active project pa.

“Ngayon kasi, more on awareness lang sa peace campaign namin then, maybe next year, mga project na.”



PEACE AMBASSADOR. Si Mikael ay isa sa mga hinirang na National Peace Ambassador ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Bago pa man daw siya pumasok sa showbiz, may mga goals na si Mikael na gusto niyang matupad.

“Ever since I started, and I said, if I’ll be successful here, sa business na pinasok ko, I hope I can give back to people in a way na very significant.

“Gusto ko sanang mag-set up ng mga programs or foundation para sa mga less-fortunate na mga Filipinos.

“Gusto ko sa dalawang bagay na malapit sa akin—yung education and health.

“Kasi, yun talaga ang isinabuhay ko.

“Kapag tiningnan mo ang life story ko, it’s really something that I can talk about at ginawa ko ‘to or I believe in this.

“Maybe, an advocacy or foundation in terms of education or health.

“Alam naman natin na maraming kapwa Filipino na nagkukulang dun.

“Hopefully, I can help through the government, Centrum, or GMA.

“Although ngayon, focus muna sa trabaho… ang daming gagawin, e.

“Pero sana, mapansin ng mga clients para mas magawa ko what I really want to do to help.”

MIKAEL’S INSPIRATION. Nabanggit din ni Mikael na ang dating co-star niya sa My Beloved na si Dingdong Dantes ang isa sa inspirasyon niya sa pagpu-put up ng foundation o pagtulong sa tao.

“I really think Dong is really an inspiration.

“May Yes Pinoy Foundation siya, ang dami niyang ginagawa to help people.

“So, para sa akin, ang social responsibility niya, ang taas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakabilib din yun at, feeling ko, nakaka-fulfill din.

“Kahit sobrang pagod si Dong, sobrang hectic lagi ng schedule niya, feeling ko, ginagawa niya dahil fulfilling.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN