Marvin Agustin on former loveteam Jolina Magdangal marrying ahead of him: "Ako naman may anak. Tie kami, tie."

Tinanong si Marvin Agustin kung kailan siya magpapakasal, dahil ang dating ka-loveteam niyang si Jolina Magdangal ay may asawa na. Sagot ng actor-businessman: "Pag nagkaanak siya mag-aasawa na ’ko. Papakasal ako."


In-entertain muna ng contestants ng TV5 singing search show na Kanta Pilipinas ang invited media bago lumabas si Marvin Agustin para sa pagpirma niya ng extension sa kanyang contract with Knorr kaninang tanghali, November 12, sa Patio Carlito sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Si Marvin ang producer ng nabanggit na TV5 show.

Sa presscon, naging "Chef Marvin" naman ang actor-businessman dahil siya ang namahala sa mga pagkaing inihain na niluto mismo sa kusina ng nabanggit na restaurant.

Nag-aral ng culinary courses sa International School for Culinary Arts and Hotel Management (ISCAHM) si Marvin nang magsimula siyang pumasok sa restaurant business.

Pag-upo ni Marvin sa aming lamesa, una niyang ikinuwento ang tungkol sa kanyang inang si Mommy Teresa na nagtapos na raw sa baking course.

“Gumradweyt na siya. Para kaming nagpalit ng ano, e… ‘Anak, gumradweyt na ’ko. Gusto ko na ng restaurant ko.

“We’ve found a space already, but we’re negotiating. Dalawa yung pinagpipilian. Actually, parehong Makati.”

Maria Teresa raw ang pangalan ng restaurant, sunod daw sa kanyang mommy.

Isa itong bakeshop restaurant kung saan ay collaboration nilang mag-ina ang nasa menu.

May kasosyo rin ba siya sa pagbubukas ng Maria Teresa?

“A, kay Mommy lang ‘to. May sarili na si Mommy. Gusto niyang magtrabaho.”


ACTING PROJECT? Huling seryeng ginawa ni Marvin ang Iglot nung nasa GMA-7 pa siya. Kabituin niya rito sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, at Luis Alandy.

Hindi ba niya nami-miss pag-arte?

“Medyo matagal na nga. Hinahanap din naman. Hinahanap in terms of, gusto ko yung umarte. Pero, nag-e-enjoy din ako sa mga ginagawa ko ngayon—hosting.

“We just finished Artista Academy and I think may isa pa akong iho-host na show for TV5. Hindi ko pa yata puwedeng sabihin.


KAPAMILYA COMEBACK? Sina Patrick Garcia at Carlo Aquino, na for a while ay umalis ng ABS-CBN ay kapwa gumagawa na ng projects sa Kapamilya network na pinaggalingan din niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May balak din ba siyang bumalik sa Dos?

“Hmmm… naka-sign ako with Channel 5 right now. Kaka-start ko lang this year,” pagtukoy niya sa three-year contract na pinirmahan niya sa TV5.

“Though it’s non-exclusive, but I don’t think… hindi ko alam. Siguro pag meron silang partnership."



PRODUCER. Isa sa businesses ni Marvin ay ang pagpo-produce ng concert for international performers.

After Black Eyed Peas, sino ang susunod na dadalhin nila sa Pilipinas?

“Meron. Meron kaming gagawin next year, pero next year na lahat. This year, medyo naka-focus kami dito sa TV production, e…sa Kanta Pilipinas."

Gagawa rin ba sila ng movies? Balita kasing may balak silang mag-produce ng isang indie film.

“Meron din. Kasi yung production namin, TV and movies, e. So, may nagsa-submit sa amin ng scripts. Inaaral lang namin which one to ano…

“May mga pinagpipilian. Iba-ibang scripts. Wala pa talaga yung, ‘O, ito na ang gagawin natin.’ Wala pa, wala pa. Pero may mga ‘candidates’ na.

Ayon kay Marvin, hindi siya artista sa pelikulang gagawin ng kumpanya nilang Futuretainment kundi producer lang siya.


RESTAURATEUR. Ilan na ba ang restaurants niya?

“More than 30. More than 30 restaurants. Iba-ibang branch.”

For sure, may mga nagtataka kung saan siya kumukuha ng budget sa sunud-sunod na binubuksan niyang restaurants.

“Sa bangko, nangungutang,” biro niya, sabay tawa.

“So far naman, they’re doing very well, yung mga restaurants natin. So, napapaikot namin sila kaya kami nakakapag-expand."


LOVELIFE? Finacially ay masasabing stable na siya. Kanino niya iaalay ang kanyang mga kinikita maliban sa kanyang kambal na anak?

“A, pinambabayad sa bangko,” biro niya ulit.

“Mga pamilya muna at mga anak," paseryoso niyang bawi.

Lovelife ang ibig naming sabihin?

“Meron ano, a… the mistress,” halakhak niyang biro.

Talaga?

“Mistress agad, wala pang asawa?” mas lalo niyang ikinahalakhak.

Sino nga? May lovelife ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lovelife ko? Basta masaya. Masaya naman. Basta masaya.”

Hindi ba namin kilala?

“Oo, hindi niyo kilala. Wala siyang pangalan. Ano siya, robot," biro niya ulit.

“Hindi. Wala pa naman. Ano pa lang… hindi pa masyadong serious."

So nasa "dating stage" pa lang sila?

"Oo. Baduy, ano? Parang high school.

“Basta masaya po ako. Yun lang ang masasabi ko. Do’n na lang muna tayo sa masaya ’ko.

“Alam niyo naman ako, gusto kong tumahimik pagdating sa bagay na ’yan."



JOLINA MAGDANGAL. Ang ka-loveteam niyang si Jolina Magdangal ay happily married na kay Mark Escueta. Halos lahat ng contemporaries niya ay lumagay na sa tahimik.

Sila na lang yata ni Piolo Pascual ang hindi pa ikinakasal.

“Hindi naman. Si Diether [Ocampo], si Patrick [Garcia] hindi kasal. Si Mylene [Dizon] hindi kasal. O, sige nga… sige nga?” hamon niya pa sa amin.

“Kung makasabi kayong lahat? Di kayo gumawa ng research. Mali ang research niyo,” natatawa niyang sabi.

Pero ang ka-loveteam niyang si Jolina ay kasal na.

“Happy nga ako [para] sa kanya. Ako naman may anak. Tie kami, tie. Pag nagkaanak siya mag-aasawa na ’ko. Papakasal ako.

“Nagkausap kami ni Jolina recently lang. Nag-dinner siya sa restaurant namin.

"Do’n niya sinelebreyt yung birthday niya sa John and Yoko. Ang loveteam ko, di ba? Sa John and Yoko sa Makati."

May nagpa-reserve nga raw sa John and Yoko resto nila.

“Una nga tinanong ko, sa mom daw ni Mark. Nalito ’ko. Sabi ko, birthday niya ’to, a. ’Tapos tinext ko siya."

Sabi namin, sana ay hindi na niya pinagbayad ang kanyang dating ka-loveteam.

“A… hindi nakasagot,” pakenkoy niyang sagot habang nag-iisip.

“A… binigyan ko naman sila ng dessert ’tsaka ng discount," nakangiti niyang palusot.

Nakakausap pa ba niya ang mga dating kapanabayang teenstars sa ABS-CBN?

“A, sila Mylene. I attended the birthday ng isang taga-ABS. Nagkita-kita kaming lahat do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sila Juday [Judy Ann Santos] nakakausap ko minsan. Sila Jolina. I still get in touch with them every once in a while.”



DEREK RAMSAY. Mukhang dumadami ang mga artistang lumilipat sa TV5.

Nandiyan nga si Derek Ramsay na bukod sa Amazing Race ay may Kapitan Kidlat pa. Samantalang si Marvin ay puro hosting jobs naman.

"Katatapos ko lang naman ng hosting, Artista Academy. And may susunod na naman akong iho-host. So, okey lang. Dami naman akong ginagawa," nakangiti niyang saad.

Siya rin ba maghu-host ng Kanta Pilipinas?

“Hindi ako host ng Kanta Pilipinas. It’s going to be Rico Blanco, Mr. C [Ryan Cayabyab] and Lani Misalucha. Si Rico, host-judge siya.

Ayon kay Marvin, baka January or February raw ay eere na ang Kanta Pilipinas. Bakit parang medyo natagalan ipalabas ito?

“Oo. Hinasa namin yung mga bata, e. Nagustuhan niyo ba ang mga performance nila? ’Tsaka ang gaganda, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN