FIRST READ ON PEP: Max Collins replaces Kylie Padilla as Dingdong Dantes’s leading lady in Pahiram Ng Sandali

Hindi makapaniwala si Max Collins nang sabihin sa kanya ng manager niyang si Perry Lansigan ang desisyon ng GMA-7 na siya ang ipalit kay Kylie Padilla bilang leading lady ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali. Kaninang madaling-araw lang nalaman ni Max ang magandang balitang ito habang nagte-taping siya ng Coffee Prince.


The guessing game is over.

Kapuso prime actor Dingdong Dantes’s leading lady in the new GMA-7 primetime series, Pahiram Ng Sandali, has finally been chosen.

She is one of the newest Kapuso stars, who first appeared in GMA-7 via the afternoon soap The Good Daughter and currently portrays Arlene in the primetime series Coffee Prince.

She is Max Collins—Dingdong’s “sister” under PPL Management Inc.



BREAKING THE NEWS. Kaninang madaling-araw, November 13, ay naabutan ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa Baang coffee shop, sa Tomas Morato, Quezon City, na kinakausap ng talent manager na si Perry Lansigan ang isa sa kanyang mga alaga na si Max Collins.

Dito ipinaalam ni Perry kay Max na siya ang napili ng GMA-7 na ipalit kay Kylie Padilla bilang leading lady ni Dingdong sa primetime series na Pahiram Ng Sandali.

Matatandaang nag-backout si Kylie sa proyekto dahil “far too old” daw para 19-year-old actress ang role. Magkakaroon din daw ng conflict sa Muslim faith ni Kylie ang maseselang eksena na kailangan niyang gawin sa teleserye.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi makapaniwala at hindi mapigilang mapaluha ni Max nang marinig at malaman niya ang napakalaking oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network.

Kasalukuyang on-call sa taping ng Coffee Prince si Max nang tawagan at papuntahin siya sa Baang kanina upang kausapin at ianunsiyo nga ang magandang balita.

Kahapon, November 12, ang unang araw ng taping ng Pahiram Ng Sandali kaya wala pa halos nakakaalam na si Max na ang leading lady ni Dingdong.



JUST LIKE A DREAM. Nang makausap ng PEP si Max pagkatapos niyang malaman ang balita, tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam nang nalaman niyang siya na ang leading lady ni Dingdong sa Pahiram Ng Sandali.

“Para siyang isang panaginip—yun ang pakiramdam ko,” naiiling at maluha-luhang sagot ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay ikinuwento na ni Max ang mga kaganapan bago sabihin sa kanya ang magandang balita.

“Nagte-taping po ako sa isang mall, sa Sta. Lucia, para sa Coffee Prince.

“Noong lumipat ako sa second location namin sa Morato area, pinatawag ako ni Kuya Pao [Paolo Luciano, Max’s handler] na mag-meet muna kami.

“Na dapat, mag-isa lang ako. And then, yun, nag-meet nga kami rito sa coffee shop.

“Naka-on-call lang ako noon at, yun, sinurprise nga lang nila ako sa magandang balita.

“Sabi ni Kuya Perry, ‘May good news and bad news. Ano ang gusto mong malaman?’

“Sabi ko, ‘Bad news muna.’

“Yun pala, puro good news lang.”

Ano raw ang bad news?

“Sabi ni Kuya Perry, baka raw hindi ko matatapos ang huling taping ng Coffee Prince dahil may isa pa akong show na magte-taping na agad.

“Hindi pa niya sinasabi sa akin kung ano ang nangyayari.

“Kasi, noong sinabi niya na baka hindi ko na matatapos ang Coffee Prince dahil may isa na akong show…

“Of course, nalungkot talaga ako na matatapos na ang Coffee Prince—so naisip ko na wala akong trabaho after ng Coffee Prince.

“Pero natuwa ako kasi may show—ibig sabihin may show ako agad.

“Pero, hindi ko alam na yun pala yun!

“Tapos sabi niya, ang good news, may bago akong show at makaka-partner ko si Dingdong Dantes.

“Kasama ko rin si Lorna Tolentino at next week na ang taping ko!”

Nang marinig niya ang balitang yun mula sa kanyang manager, ano ang naging reaksiyon niya?

“Na-shock ako!” bulalas ni Max.

“Natuwa ako, natakot ako, na-pressure ako, kinabahan ako…

“Lahat-lahat ng emosyon na kaya kong damdamin, naramdaman ko.”

Ang totoo, wala raw siyang gaanong ideya sa nangyayari sa Pahiram Ng Sandali.

Kanina lang din daw niya nalaman ang tungkol dito.

Narinig lang daw niya na nagkaroon ng conflict si Kylie sa proyekto dahil may kissing scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagkakaalam pa nga raw ni Max ay baka baguhin na lang ang kuwento ng teleserye.

Kaya nagulat na lang daw si Max na siya pala ang ipapalit kay Kylie.

“Total shock talaga ako. Wala akong kaide-ideya kaya shock… shock na shock.”

Habang kausap daw namin siya ay hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang lahat.



DINGDONG’S LEADING LADY. Ano ang pakiramdam na siya na ang leading lady ni Dingdong?

Sagot ni Max, “Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink-in kasi hindi talaga ako makapaniwala.

“Sobrang blessed ako, sobrang grateful, at sobrang nagpapasalamat talaga ako sa Diyos.

“Talagang sobrang ecstatic ako!

“It has been my dream at sobrang nagpapasalamat ako na may nagtiwala sa akin.

“Nagtiwala sa akin ang GMA-7, si Direk Maryo J. de los Reyes, ang PPL at lahat ng head ng GMA.”

Ipinaalala namin kay Max na noong una namin siyang nakausap bilang bagong PPL artist, nabanggit niyang isa sa gusto niyang makatambal sa GMA-7 ay si Dingdong.

At sa loob ng isang taon ng pagiging Kapuso at pagkatapos ng dalawang teleserye, heto’t leading lady na nga siya ng aktor.

Tila mabilis na natutupad sa Kapuso network ang mga pangarap niya.

Ayon kay Max, “Noong binigyan ako ng Coffee Prince, talagang nagpasalamat ako nang todo kasi first primetime show ko at napakaganda pa ng takbo ng soap.

“Basta, everything is falling into place.

“At ngayong nabigyan pa ako ng show na lead ako, nakakataba ng puso. Nakaka-overwhelm nang sobra.

“Unexpected talaga. Unexpected lang talaga.

“I’m so happy and thankful.”

Ano sa palagay niya ang meron siya at siya ang napili ng GMA-7 na ipalit kay Kylie?

Ito ay sa kabila na sa dami ng pangalan ng Kapuso actresses na nabanggit na diumano’y puwedeng maging leading lady ni Dingdong ay hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Max.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Max, “Hindi ko talaga akalain na isa ako sa mako-consider nila na maka-partner kay Dingdong.

“Kaya I feel like I have the grace of God right now.

“Yun talaga ang masasabi ko, blessing talaga yun.

“Hindi ko masasabi na may something ako na wala sa ibang leading ladies ng GMA kasi ang gagaling nilang lahat at hinahangaan ko rin silang lahat.

“Kaya, grasya talaga.”

May kasabihan na “you cannot please everybody.” Maaaring ang iba ay masaya sa magandang oportunidad na ito sa kanyang career. Pero, hindi rin maiiwasan na may ibang magkuwestiyon kung bakit siya ang napili lalo pa’t baguhan pa rin siya sa Kapuso network.

Ano ang masasabi ni Max dito?

“Katulad ng sinabi ng manager ko, ni Perry Lansigan, I welcome lahat ng criticisms.

“Doon ko mahuhugot ang inspiration and drive to do my best.

“Gagalingan ko lang talaga ang trabaho ko at opportunity na naibigay sa akin ng GMA.

“Alam ko naman po na hindi ko mapi-please lahat ng tao, lahat ng audience, pero sana, mabigyan nila ako ng pagkakataon na mapatunayan ko ang sarili ko sa pag-arte ko.

“Gagawin ko talaga ang lahat ng best ko para sa proyektong ito at ibibigay ko po ang lahat.”

Nagsi-sink in na ba sa kanya na siya ang pinakabagong leading lady sa GMA Primetime?

Napangiti si Max at sinabing, “I think, hangga’t hindi ko pa napapatunayan ang sarili ko, hangga’t hindi pa nagsisimula ang taping, hindi ko po masasabi yun.

“Kasi, I want to show people that I am more than they think of me.

“And that I can prove myself to be a leading lady.”



THE REPLACEMENT. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon para makausap at mahingan ng ilang pahayag ang manager ni Max na si Perry Lansigan.

Tinanong namin siya kung bakit kaninang madaling-araw lang niya naisipang sabihin kay Max ang bago nitong project, samantalang noong Biyernes pa lumabas ang balitang nag-backout si Kylie sa Pahiram Ng Sandali, kunsaan ang alaga rin niyang si Dingdong ang leading man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Perry, “Ngayon ko lang sinabi habang may taping siya ng Coffee Prince, pinapunta ko siya in the middle of the night para mag-meet kami.

“Actually, wala talaga akong kaide-ideya at tinawagan lang ako ng PM [production manager] ng show na si Redgyn Alba.

“Sinabi niya sa akin na, ‘Perry, ganito, meron akong bad news sa ‘yo.’

“At sinabi niya sa akin na, yun nga, si Kylie is backing out.

“Nalaman ko yun, I think, Friday.

“May mga issues nga raw, they tried talking to her [Kylie], pinaliwanagan siya.

“At sabi nga, they have their own reason kaya hindi magagawa ang show.

“Sabi ko, ‘Sayang naman. Talaga?’

“Tapos yun nga raw, oo.”

Patuloy ni Perry, “May panghihinayang na ‘kong talaga kasi may storycon na ‘yan.

“From Haram, nag-storycon. Tapos nag-meeting ulit, pinalitan ang show.

“After ng Haram, Pahiram Ng Sandali, tapos biglang ganun.

“Hindi ko nga tinanong kung sino ang papalit.

“Sabi lang sa akin ni Redgyn, ‘In fairness, hindi mo ako tinatanong kung sino ang papalit.

“Doon ko lang naalala na, ‘Oo nga pala, sino nga pala ang papalit?’

“Kasi, nakalimutan ko yun, e.

“Doon niya lang sinabi na, ‘Perry, siguro nga, the universe is listening to your prayer. Si Max na ang napagdesisyunan ng buong creative ng GMA na pumalit.’

“Sabi ko, ‘Huh, talaga?’

“Pero sabi rin niya, ‘To be honest with you, bago lumabas ang name niya, marami ring pangalan na lumabas na pinagpilian.’

“Sinabi niya sa akin ang ibang names, pero hindi ko na sasabihin.

“Yung iba sa kanila, may show na ongoing or may iba nang ginagawa.

“At sabi rin nga ni Redgyn, ‘In fairness to you, Perry, never mo kaming tinawagan for Max.”

Ayon kay Perry, bilang manager, hindi siya tumawag para kay Max dahil ongoing pa nga ang Coffee Prince na nasa huling dalawang linggo na nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pahiram ng Sandali ang ipapalit dito sa November 26.

Kuwento pa ni Perry, “Sinabi rin sa akin na ang isa sa nag-recommend sa kanya [Max] ay si Direk Maryo dahil nakapasa siya sa workshop at isa siya sa nagalingan ito.

“Tapos, pumunta ako kanina sa first taping day ni Dingdong.

“At sinabi sa akin ni Direk na, ‘O, alam mo na ba?’

“Sabi ko, ‘Oo nga, Direk, thank you, ha.’

“At sinabi ni Direk na si Max nga raw, nakita niya na very determined ito, focused.

“Yung eagerness to learn, nakikita raw niya at yung effort na pagalingin ang craft.

“At ang importante nga raw sa artista, focus.

“Kaya sabi ko, ‘Salamat Direk and everything.’”

Kuwento rin ni Perry, pinayuhan pa raw niya si Max umpisa pa lang ng Coffee Prince na dapat mag-ipon ito dahil kapag natapos na ang serye, malamang na sa susunod na taon na ang kasunod na proyektong maibibigay sa kanya ng network.

“E, kasi, most likely ang show niya, next year na.

“Kasi, imposible namang magka-show siya ng December.

“So, next year na ‘yan, baka two or three months ang pahinga mo.

“Kaya mag-ipon ka, matatapos na ang Coffee Prince.”

Bakit hindi pa niya sinabihan agad si Max na ito na ang bagong leading lady ni Dingdong?

“Hindi ko pa sinabi, tinanong ko pa sa GMA.

"Kanina lang ako nagka-go signal na sabihin na kay Max.

“Kasi nga, bukas [November 14], may pictorial na siya at may plug shoot na siya tomorrow.”


DINGDONG’S REACTION. Ano naman ang naging reaksiyon ni Dingdong nang malaman nitong si Max na ang ipinalit ng GMA-7 kay Kylie?

Ayon kay Perry, “Happy naman siya kasi alam naman niyang magaling si Max.

“At saka, bago. May bagong flavor, bagong looks, bagong hitsura. Bagong mukha. Bagong tandem.

“Ganoon si Dingdong, e, wala ‘yan masamang tinapay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At dati pa rin sinabi ni Dingdong na sana, magkatrabaho rin sila ni Max, sooner or later.

“Sabi ko, baka naman. Hindi ko alam na it will happen fast.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN