Zsa Zsa Padilla ignores negative reactions about her Hong Kong vacation last All Saints’ Day

Nagulat man si Zsa Zsa Padilla na may mga negatibong reaksiyon ang pagpunta niya sa Hong Kong noong All Saints’ Day ay ipinagkikibit-balikat na lamang niya ito. Pahayag ng Divine Diva, "Hindi ko alam na may ganyang mga reactions, saka dapat hindi na lang ‘yan pinapansin kasi kanya-kanya, e. Dapat bigyan din ng kunsiderasyon na kapag artista, siyempre hindi dapat nakikisabay sa lahat. In a sense na mahirap kasing magkaroon ng privacy, e. And I think I’m


Kasama si Zsa Zsa Padilla ng pamilya ni Kris Aquino nang magtungo ang mga ito sa Hong Kong last All Saints’ Day.

Kuwento ng Divine Diva sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman, sa Disneyland kami nagpunta, mga two days din akong nag-Disney.

“Ayoko sana sa Hong Kong kasi favorite place ‘yan ni Dolphy, di ba?

“Medyo nalungkot ako noong nagpunta kami sa favorite niyang place doon, hilera ng mga shops doon.

“Doon, nag-emotional moment ako sa taxi, mag-isa ako sa taxi."



NEGATIVE REACTIONS. Sa bakasyong ito ni Zsa Zsa, may lumabas na negatibong reaksiyon sa naging desisyon ng actress/TV host.

Bakit daw mas pinili pa nito ang magliwaliw sa halip na dumalaw sa puntod ng yumaong partner niyang si Dolphy.

Ito raw kasi ang kauna-unahang Undas na wala na ang Comedy King.

Pero sinabi ni Zsa Zsa na ang importante ay hindi ka nakakalimot—mapaaga man o mahuli ang pagdalaw sa puntod ng isang mahal sa buhay.

“Ay, no... Ang Undas talaga kasi, si Dolphy noon, palagi siyang pumupunta 30th [of October]or sa November 2 or 3.

“Ganoon talaga, kanya-kanyang ano talaga.

“Mas maganda na yung nauna ka. Puwede ka rin namang mahuli, basta ‘wag ka lang mawawala.

“Kahit hindi naman Undas, nandoon ka naman.

“Para sa akin, hindi na ako ganoon kadalas nagpupunta, e.

“Tsini-check ko lang siyempre yung puntod niya."

Sabi pa ni Zsa Zsa, “Para sa akin, mula nang mamatay siya, humiwalay na ako sa body niya.

“Siyempre bilang Kristiyano, talagang dapat isipin mo na mayroon na siyang buhay sa langit.

“Dapat talaga mas mag-attach ka na sa spirit niya kaysa doon sa katawan."

Ikinagulat man Divine Diva na may negatibo palang reaksiyon ang ilan sa ginawa niyang pagbabakasyon sa Hong Kong ay ipinagkikibit-balikat na lamang niya ito.

Saad niya, "Hindi ko alam na may ganyang mga reactions, saka dapat hindi na lang ‘yan pinapansin kasi kanya-kanya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat bigyan din ng kunsiderasyon na kapag artista, siyempre hindi dapat nakikisabay sa lahat.

“In a sense na mahirap kasing magkaroon ng privacy, e.

"And I think I’m just being honest na maiintindihan naman ng lahat.



RAINBOW. Naikuwento rin ni Zsa Zsa sa PEP nang minsang nagparamdam sa kanya ang yumaong live-in partner sa pamamagitan ng isang rainbow.

Naaninag daw ni Zsa Zsa sa rainbow ang imahe ni Dolphy sa langit.

Kuwento niya, “Noong nandoon kasi kami sa Heritage, I took a photo, nawala na kaagad yung rainbow… siguro mga one minute lang.

“Pinost ko agad siya, hindi ako makatulog ng 12 midnight, tiningan ko yung Instagram ko…

“Ang daming messages na, ’Nakikita namin yung mukha ni Dolphy.’

"Marami ang nakapansin... hindi talaga ako.

“Pagkatapos, noong tiningnan ko sa iPad ko para mas malaki, pati sa iPad nae-enlarge mo, nakita ko, umiyak ako talaga.

“Siyang-siya talaga… nakakakilabot!

“Tapos si Zia [Quizon], nag-post din, parang frontal yung sa kanya, pero di ganoon ka-clear. Mas ano yung sa akin.

“Yung picture ko, sobrang grabe, parang undeniable na siya talaga yun—siyang-siya talaga.

“Nung nakita kasi namin ni Zia yung rainbow, sabi namin, ang gandang sign na parang hope.

“Sabi nga, in every storm comes a rainbow.

“Siguro, sa unos na dumating sa akin, lilipas din yun darating din na magiging masaya kami uli.

“Paramdam niya siguro na masaya naman siya kung nasaan siya ngayon."


TELESERYE INSTEAD OF A MOVIE. Sa hindi pagkakatuloy ng Mga Kuwento Ni Lola Basyang sa Metro Manila Film Festival 2012, inamin ni Zsa Zsa na na-disappoint siya.

Isa sana ang singer-actress sa bidang artista sa pelikulang ito ng Unitel Films at Studio 5.

Pero nagkaroon naman ito agad ng kapalit dahil may sisimulan siyang teleserye sa ABS-CBN.

Saad ni Zsa Zsa, “Past few days, siyempre disappointed ako kasi hindi nga sana ako magte-teleserye this year para i-give way siya [movie]…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But then, nagawan nila ng paraan na magte-teleserye ako this year.

“Sabi ko, more than anything, ayoko na talaga sa bahay kasi nakakalungkot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN