PEP EXCLUSIVE Lauren Young on rumored transfer to GMA-7: "Kung may news na lumabas, antayin na lang po nila ang confirmation."

Bagamat hindi pa direktang inaamin ni Lauren Young ang napapabalitang paglipat niya sa GMA-7, mahahalata sa kanyang mga pahayag na may malaking pagbabago na mangyayari sa kanyang career. Saad ni Lauren, "As an actress and as a person, I have to do things and take certain risks. I have to move forward. I have to do things for me to move forward and for me to grow as an artist. I know ABS-CBN will always be there for me. I will miss Ms. Mariole [Alberto] and Mr. M [Johnny Manahan].


Si Lauren Young ay gaganap bilang isang verbally at physically abused daughter sa Catnip, isang pelikula tungkol sa isang dysfunctional family.

Ang Catnip ay isa sa 13 entries sa 2012 Cinema One Originals film festival na magsisimula sa November 28.

Kasama ni Lauren sa pelikula ang kapatid niyang si Megan Young, ang kaibigan niyang si Maxene Magalona, at ang komedyanteng si Ramon Bautista.

Ang 8th edition ng filmfest na ito ay gaganapin sa Robinsons Galleria mula November 28 hanggang December 9, at sa Shangri-La Cineplex simula November 29 hanggang December 4.



WILD CHARACTER. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Lauren sa presscon kanina, November 13, sa ABS-CBN compound, sinabi ng 19-year-old actress na "may pagka-isip bata at pagka-wild" ang karakter niya sa Catnip.

“In Catnip, I play Liv. Free-spirited siya at siya ang tipong kahit anong gusto niya, gagawin niya.

"She meets her friend Cieca, played by Maxene Magalona, and they find comfort in each other.

"Yung dad niya, very abusive. Binubugbog ako ng parents ko.

"[Ang character ni] Maxene naman, never nandiyan ang parents niya, pero very supportive sa kanya, financially.

"Laging may kulang sa pamilya namin. We find out our similarities and connect with each other.

"We find our friendship with each other and that’s where the whole movie revolves around with.

"May isa kaming eksena ni Maxene na hindi ko puwedeng sabihin pero magugulat lahat ng tao. Very intimate yung scene."

Patuloy ni Lauren, "My dad [in the movie] is very abusive—mahilig siyang magmura. May times na tinututukan niya ’ko ng baril."

RUMORED TRANSFER. Matagal nang bali-balita ang tungkol sa paglipat diumano ni Lauren mula ABS-CBN papuntang GMA-7.

Kaya naman tinanong ng PEP si Lauren tungkol dito.

Sagot ng young actress, “With GMA, that’s totally different from Catnip.

"In the process pa lang po yun. There’s nothing sure yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just really want to focus on Catnip.

“It’s nice to be here at ABS-CBN, yun lang ang masasabi ko.”

Noong July 28 ay ibinalita sa PEP Alerts na nag-expire na ang kontrata ni Lauren. Kinumpirma naman ito ng young actress nang makausap namin siya kanina.

"What I can say is that I am not with Star Magic anymore. I will miss Star Magic.

"I am still figuring out kung saan ako pupunta with my career now.

"Kung may news na lumabas, antayin na lang po nila ang confirmation," sabi ni Lauren.

Dagdag niya, "As an actress and as a person, I have to do things and take certain risks.

"I have to move forward. I have to do things for me to move forward and for me to grow as an artist.

"I know ABS-CBN will always be there for me.

"I will miss Ms. Mariole [Alberto] and Mr. M [Johnny Manahan].

"But now, I have certain things that I have to go through. I have a long way to go with my career.

"God has a plan for everyone and right now, this is where God is leading me."



NEW MANAGER. Noong August 10 ay ibinalita sa PEP Alerts na ang bagong manager na ni Lauren ay si Pia Magalona, ina ng nali-link kay Lauren na si Elmo Magalona.

Kinumpirma ni Lauren na si Pia na nga ang kanyang manager ngayon.

Naging part ba si Elmo Magalona sa magiging desisyon niya?

"Elmo is a very good friend. Before, hindi naman kami close but since I’m close to Maxene and Saab [Elmo’s sisters], naging ka-close ko na rin siya.

"Kaklase ko rin siya sa Benilde. I’m always with his family because Ms. Pia is also my manager.

"All of my decisions sa career, walang kinalaman ang iba kundi ako lang. It all comes from my decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung iko-consider ko ang input ni Elmo, siguro dapat hingin ko rin ang input ng mga kaibigan ko.

"This is my career so everything is my decision."

Nang tanungin kung ano ang genre na gusto niya, sagot ni Lauren: "Gusto ko talaga drama. Yun talaga ang passion ko.

"Gusto ko gumawa ng mga pelikula at teleserye na ipapakita yung dramatic side ko."



IS ELMO HER BOYFRIEND? For the record, boyfriend ba niya si Elmo Magalona?

"No. Elmo is my friend," sagot ni Lauren.

"I have so many things going on in my life right now.

"I just moved into my own condo. I live by myself. I have to take care of myself.

"I just started college.

"I’m going through a transition in my career. Dun muna ako magpo-focus."

Ayon kay Lauren, nag-iingat din siya dahil alam niyang may ka-loveteam si Elmo sa Kapuso Network—si Julie Anne San Jose.

"Right now, I just really treasure my friendship with Elmo.

"Ayoko ring masira yun [friendship] because I respect him and his loveteam.

"Siyempre, mahirap kung may ka-loveteam yung tao. People don’t want that, di ba?

"At the same time, never kong intention na maging girlfriend ni Elmo, but kung gagawin mo ang ganung bagay, mahihirapan ako at mahihirapan rin siya.

"I work with his mom and I work with his siblings. That’s good enough for me—to be his friend."

Lumalabas ba sila ni Elmo na silang dalawa lang?

"There were instances sometimes. I won’t deny it naman because people see us out.

"Sometimes we go to the mall but that’s only as friends. That’s what friends do.

"It’s normal naman. It’s not bad naman to have a friend na lalaki.

"He’s a really good friend."

Sa ngayon ay wala nang ginagawang project si Lauren para sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN