Grace Poe wants Bea Alonzo to portray her in Maalaala Mo Kaya episode: "Siyempre, libre naman mag-ilusyon, di ba?"

Grace Poe on being adopted: “I’m grateful for the fact that at least they [her biological parents] chose life. But then, you can’t also take it away from me that my parents in my heart, of course, are the ones that really sacrifice so much raising me.”


Nang magsumite si Mary Grace Poe Llamanzares ng kanyang kandidatura para sa Senate race sa 2013 mid-term elections, noong Oktubre, ay binitawan na niya ang tungkulin bilang chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang pansamantalang humalili sa kanyang puwesto ay ang direktor na si Emmanuel “Maning” Borlaza, na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa loob ng dalawang taon niyang panunungkulan sa MTRCB ay maraming ginawang hakbang at pagbabago si Grace.

Kaya naman marami rin ang nanghihinayang na iniwanan na niya ito.

Pero sabi ng dating MTRCB chairman, “Actually, maganda na yung pinanghihinayangan nila yung aalis ka kesa kung ikakatuwa nila.

“Pero para sa ‘kin, ang maganda kasi sa MTRCB ngayon, yung pangulo natin, si President Noynoy, matino, so yung mga inilalagay niyang tao, nakakaintindi talaga, di ba?

“So yung papalit sa ‘kin, base dun sa mga rekomendasyon, kung saka-sakali, matino at magaling din.

“So, huwag kayo mag-alala, sa tingin ko naman e hindi magkakaproblema—at least ngayon.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Grace sa isang mini-presscon noong Lunes, November 12, sa Penthouse ng Imperial Palace Suites sa Timog Avenue, Quezon City.



BIGGEST ACHIEVEMENT. Ano ang itinuturing na pinakamalaking achievement ni Grace bilang MTRCB chairman?

Tugon niya, “Ako, yung bringing you about the awareness and the importance of classification based on age.”

Ang tinutukoy ni Grace ay ang pagdadagdag ng classifications sa mga palabas sa pelikula at telebisyon.

Sa pelikula, bukod sa ratings na G (all ages admitted), PG-13 (children below 13 years of age will only be allowed if accompanied by an adult), R-13 (strictly for 13 years of age and up), R-18 (strictly for 18 years of age and up), at X (not for public viewing), nagkaroon na rin ng R-16 na istriktong para lamang sa 16 years old pataas.

Ang unang local film na ginawaran ng R-16 rating ay ang The Healing (2012) ng Star Cinema at pinagbidahan ni Vilma Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa TV naman, bukod sa G (General Patronage) at PG (Parental Guidance), mayroon na rin ngayong SPG o Strong Parental Guidance para sa mga programang may “mature themes, intense violence, strong language, dialogue or humor, sexual scenes, horror content, and drug usage.”

Paliwanag pa ni Grace, “Kasi dati, parang ang laban palagi, freedom of expression. Sabi ko, meron tayo niyan kahit papa’no, e.

“Pero pangalagaan natin yung awareness na hindi lahat puwede panoorin ng mga bata.

“Kasi, kung ano yung napapanood nila sa TV o sa sine, nagagaya ‘yan, di ba?

“Sabi nga ni Woody Allen [Hollywood director], ‘Life does not always imitate art,’ di ba?

“Life imitates bad TV, sometimes.

“I mean, ‘yon, kaya we have to realize the impact of that—that an average Filipino child watch twenty-one hours of TV a week.

“And then when they graduate high school, they would have spent more time watching TV than an actual classroom time.

“So talagang importante na merong participation ang mga parents na rerendahan din kung ano yung mga ginagawa ng mga bata.”

Ano naman ang pinakaimportanteng bilin ni Grace sa pansamantalang pumalit sa kanya sa MTRCB na si Direk Maning Borlaza?

“Palagi kong sinasabi, na always give all of the participants—meaning people from the industry and the viewers—a chance to express themselves.

“But the important thing is to try and keep things peaceful by respecting each other.

“Kasi ayoko talaga sa lahat yung parang papagalitan in public, papahiyain.

“Sagutan na ‘yan, palengkero na ang labas mo diyan.

“Mas mabuti… lahat naman tayo may kahihiyan, di ba? Huwag nating hihiyain ang isa’t isa.

“Pag nakikita naman na merong tapat na intention na ayusin ang pagkakamali, give him a chance to fix it.”



GRACE POE FOR SENATOR. Sa kanyang pagtakbo bilang senador sa 2013 elections, “Grace Poe” ang opisyal na gagamiting pangalan ng dating MTRCB chairperson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ikinaila ni Grace na mas may recall ang “Poe” sa publiko dahil na rin sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

Isa pa, masyado raw kasing mahaba ang Mary Grace Poe Llamanzares kaya baka mahirap matandaan.

Ayon kay Grace, sarili niyang desisyon ang pagtakbo bilang senador sa susunod na halalan.

“Yes, it’s really my decision.

“It’s to continue the dreams of my dad to enter public service through good governance, honest governance.”

Tumakbo bilang Presidente si FPJ noong 2004 national elections ngunit natalo sa bilangan kay Gloria Macapagal-Arroyo. Pero base sa isinagawang imbestigasyon ay sinasabing si FPJ ang tunay na nanalo noong eleksiyon na iyon.

Dagdag pa ni Grace, “Marami kasing magagawa kung naka-focus ka talaga, kung ano yung gusto mong gawin at matino ang pagpapatakbo mo.

“Kahit na ang MTRCB maliit lang na ahensiya, nakikita ko naman na if you have the will to make a difference, you can do a lot of changes in government.

“They say that politics is dirty, but politics is a chance for greatness if you do something good.

“So, I can only offer myself, at the end, it’s really the people’s decision if I deserve the position.

“But if that happens, one of the dreams of my dad nga is to care for the Filipino children—standardized feeding program, standardized daycare centers, and helping... particularly giving opportunities for the poor.”

Tatakbo si Grace sa ilalim ng partido ng Liberal Party at United National Alliance (UNA).

Ano naman ang naging reaksiyon ng kanyang ina na si Susan Roces sa desisyon niyang tumakbo bilang senador?

“The first time I already mentioned to her the President invited me [to run], ganyan, parang tahimik na yung mom ko.

“Siyempre, ayaw pa rin niya.

“Parang sabi niya, ‘Well, kung papasok ka diyan, mas lalong mababawasan yung oras mo para sa akin. Pero hindi naman sa lahat ng oras, nandito ako. Kung ‘yan talaga ang gusto mong gawin, I’m here to support you.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, may mga drama-drama na siya nun. May mga kasamang drama ‘yon,” medyo natatawang kuwento ni Grace.



ADOPTED DAUGHTER. Nabanggit sa presscon ang pinaplanong pagsasadula ng buhay ni Grace sa isang episode ng Maalala Mo Kaya, ang longest-running drama anthology ng ABS-CBN.

Kung saka-sakali, sino ang gusto niyang gumanap bilang Grace?

Dito ay napatawa ang dating MTRCB chairman.

Sabi niya, “Siyempre, libre naman mag-ilusyon, di ba? Kaya sabi ko, Bea Alonzo, di ba?

“Napanood ko siya sa The Mistress, e, sabi ko, ang ganda-ganda niya, parang simpleng-simple, gano’n.

“At saka maganda naman yung image… simple din siyang umarte—may impact, magaling.

“Sabi ko ilusyon lang naman, e, di ‘yon. Pero I know she’s busy, so I don’t know.”

Sabi pa ni Grace, magkakaroon na ng mga pag-uusap tungkol sa tatakbuhin ng istorya sa mga susunod na araw.

Nang tanungin kung ano ang magiging highlight ng kanyang life story, sinabi ni Grace ang tungkol sa "adoption."

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng publiko na adopted daughter siya nina FPJ at Susan Roces.

Saad niya, “Yung highlight siyempre, yung advocacy ng adoption.

“Kasi yung parang, bakit ka ituturing na isang anak? Anong ibig sabihin nun? Anong stigma nun nung lumalaki ako?

“Maraming mga taong nanliit… nanliliit sa mga katulad namin.

“Pero makikita mo naman na ang mga katulad namin, nais din naming patunayan ang sarili namin na mahal namin at may utang na loob kami sa aming mga magulang.

“Kaya nga siguro yun ang aking situation… kasi parang nung sinabi nila si FPJ, walang alam, di ba? Sinasabi pa nga nila he’s just a mere actor, di ba?

“Ang sakit-sakin nun, e, kasi I know that if he had the opportunity, he would’ve been a brilliant student.

“But even on his own, he was able to support his business and employ and help so many people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang nga, wala siyang titulo ng diploma.

“Pero edukado siyang tao at nakapagpalaki naman siya ng napakarami—hindi lang ako, marami siyang natulungan.”

Kailan niya nalaman na ampon siya?

“I was very young… siguro I was like Grade 1 or Grade 2.

“Basta I remember because I had a classmate who was upset with me, so she basically used it as an insult na parang, ‘Ampon ka lang.’

“E, ano naman ngayon, di ba? Yung mga ganun.

“Pero at least ngayon, meron nang awareness na it’s actually a noble thing to be able to raise a child that’s not biologically yours, but then to teach that child to grow up to be responsible and decent.

“That’s why I believe early childhood is very important and affording the child the opportunity to grow up to be a responsible adult.

“So I owe it to my parents to be able to advocate that, na parang hindi naman kami menos dahil ‘yan ang komposisyon ng aming pamilya. Yun naman yun.”

Nakilala ba niya ang kanyang biological parents?

“No… and even my parents, we keep asking that.

“There was a time, to formalize the adoption, they have to publish in several papers kung ‘they found this child, ganito-ganyan.’

“May mga lumapit na fake. Di ba, alam mo naman yung fake?

"Tapos you just have to investigate further. And then, yun pala, they’re just interested in some sort of compensation.

“So, wala talaga, wala naman.

“I’m grateful for the fact that at least they [her biological parents] chose life.

“But then, you can’t also take it away from me that my parents in my heart, of course, are the ones that really sacrifice so much raising me.”



MARCOS’S DAUGHTER? Aware din daw si Grace sa matagal nang kumakalat na usap-usapan na ang tunay raw niyang ama ay ang dating Presidente na si Ferdinand Marcos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman!” bulalas niya.

“Alam mo ba, si Girlie Rodis [talent manager], nagsulat ng article…

“Kasi sabi ni Girlie, ‘Grace, submit naman to me the top ten books that you like.’

“So, ako naman, excited, di ba? Oh, my God, bigla ba naman… di ba, may mga blog… may mga nag-aano.

“Nakalagay dun, ‘Oh, yes, Grace Poe is really a book-lover and well-read just like her biological father, who is a former president.’

“Sabi ko, ‘Dyusko, ano ba naman ‘to?’

“Sinabi pa… di ba, kung tinanggal yung biological, maiisip ko pa baka si FPJ who was a president, kasi, di ba, may mga issue na siya naman talaga yung nanalo?

“Pero hindi, inilagay talaga.

“Ang sabi ko, ‘Whatever!’”

“Kaya nga pag nakikita ko si Bongbong Marcos, nagha-hi ako, baka sakaling maambunan ako ng hidden wealth!

“Hindi, loko lang… loko lang…” natatawang bawi ni Grace sa huling sinabi.



LOVI POE. Nadako rin ang usapan tungkol sa half-sister ni Grace na si Lovi Poe.

Sa isang interview kasi ay sinabi ni Lovi na suportado niya si Grace sa pagtakbo nito sa Senado.

Ikinatutuwa naman ito ni Grace, pero hangga’t maaari raw ay iniiwasan niyang masabihan na ginagamit niya ang kapatid para sa pulitika.

Saad niya, “Oo nga, e. Alam mo, pinag-iingatan ko kasi it’s no secret na hindi naman kami lumaki together.

“In fact, nagkagulatan na lang kami nung wake ng dad ko.

“But I’ve always seen her as a sweet girl.

“If you saw her before… simple and very sweet, sweet naman talaga siya, di ba?

“So ang pinaka-ayoko kasing masabi na ginagamit dahil sa pulitika, so quiet lang.

“Tapos nagpa-interview siya at sinabi niya na parang, ‘I support her on the…’

“Na-choke talaga ako na parang, ‘Oh, my God!’

“Kasi even naman in the MTRCB, even if I was there, I’d always be curious about her projects. And I’d always be proud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And as much as we don’t see each other, when I see Joel Lamangan, when I see ano… ‘Uy, ang ganda ng labas niya dun sa Deadline, yung indie film.’

“Pero hindi talaga kami barkada kasi, actually, ilang taon ba yung gap ko sa kanya? Parang twenty years.

“Kung naging dalagang ina ako, puwede ko siyang maging anak, di ba?

“So I’m very honored and I’m very touched that she believed in me.

“And I think it’s as simple as this—we both love FPJ.

“And in our small, in our little way, we would always want his memory to be kept alive.

“We may not be doing the same thing, but in what we’re doing, we try to make it our best because we know we’re carrying his name.”

Inaasahan ba niyang sasamahan siya ni Lovi sa kanyang pangangampanya at makikitang kumakaway para sa kanya?

“Hindi… gusto ko nga siya makasama, e, pero siyempre busy rin siya, marami siyang ano…

“But of course, anytime, anyway yung mga kaibigan niya, kaibigan ko rin, si Heart [Evangelista]…

“At saka yung fact na meron na siyang goodwill, yung sinasabi niya, malaking tulong na yun.”

Kuwento pa ni Grace, “Nakakatawa nga, when we go to the provinces…

“Kasi siyempre, yung iba, kilala ako… Grace.

“Pero yung iba, ‘A, yun yung anak ni FPJ, si Lovi... si Lovi!’

“Eto pa, may isa pang nagsabi nun minsan, matanda na matanda na pero fan siya ni Lovi.

“Sabi ko, ’Manong, hindi po ako si Lovi, mas sexy ‘yon. Si Grace po ako.’

“’A, oo, yun ang ibig ko sabihin,’ parang ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN