Paolo Ballesteros on zero lovelife: “Nganga! Ewan ko, hindi ko rin alam. Ayaw nila ng masyadong maganda!”

“Siyempre, ang gusto kong gawin e magtagal sa Eat Bulaga!. E, siguro naman… ang Eat Bulaga! is thirty-three years na so siyempre as much as possible, gusto ko magtagal din nga, ganun. Kung merong mga papasok na soaps, okay siyempre, welcome naman kahit anong work. Pero ang priority talaga is Eat Bulaga!," sagot ni Paolo Ballesteros nang tanungin kung ano pa ang gusto niyang mangyari sa kanyang care


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo Ballesteros sa presscon ng pelikulang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!? kagabi, November 13, sa Casa Pura restaurant sa Sct. Santiago, Quezon City,

Isa sa mga napag-usapan namin ay ang partisipasyon niya sa segment ng Eat Bulaga! na “Juan For All, All For Juan (Bayanihan of the Pipol).”

Sa opinyon kasi ng marami, bukod kina Jose Manalo at Wally Bayola—na kasama rin niya sa pelikula—ay isa rin si Paolo sa mga nagdadala ng "Sugod Bahay" segment na ito ng Eat Bulaga!.

Na kapag wala siya, na kapag sina Jose at Wally lamang, ay parang may kulang sa naturang segment.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sabi ni Paolo, “A, siyempre nakakatuwa kasi parang yung pagsali ko doon, hindi naman siya planado talaga, e.

“Nagkataon lang na nagkasakit yung isa, nagka-sore eyes, tapos kailangan ng kapalit.

“Noong… siguro mga two years ago pa. Parang ganun.

“Basta nung ni-launch yung ‘Juan For All,’ yung Bayanihan na yun, kami yun nila Ruby [Rodriguez].

“Pero dati pa yun, yung sa mga barangay, ganun-ganun.

“Tapos nung, ayun nga, sila Jose at Wally na, nagka-sore eyes ang Wally. E, ngayon, siyempre kailangan ng ka-partner ni Jose.

“Actually, sinubukan kami lahat halos, lahat ng mga Dabarkads—sila Julia [Clarete], tapos sinubukan ako.

“Parang tig-iisang araw kami, ganun.

“E, parang successful naman yata yung kaming dalawa ni Jose, tapos sabi, ‘O, sige, ikaw muna habang nagpapagaling si Wally.’

“Kasi siyempre, sore eyes yun, mga two weeks, ganun.

“Tapos nung dumating na ulit si Wally, nung magaling na, e, di si Wally ulit, tapos wala ulit ako.

“Tapos parang, iyon nga, may mga naghahanap.

“So, iyon, parang ganun.

“E, siyempre, masaya kasi hindi naman yun planado. Nakasuwerte lang,” lahad niya.

Napansin din ng viewers na mahusay na siyang makipagbatuhan ng jokes at adlibs kina Jose at Wally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong una kasi ay inakala ng marami na “malalamon” o masasapawan nina Jose at Wally si Paolo.

“A, kasi, hindi… alam mo, kahit sino sa amin sa Bulaga!, kahit sinong magpa-partner-partner dun, kayang-kaya ‘yan.

“Kasi isang ano yun sa Bulaga!, kailangan may pagka-ulol ka, e!” sabay tawa ni Paolo.

Patuloy niya, “Hindi ka tatagal sa Bulaga! kung hindi ka krung-krung, kung hindi ka ulol!

“So, ano lang, parang ngayon, mas naano na yung mga timing kasi siyempre araw-araw ko silang kasama kaya ayun.

“Tsaka laking-probinsiya din ako so medyo… E, si Wally, laking- probinsiya, di ba? Si Jose, laki naman sa Tondo.

“So parang halos iisa lang yung mga pinanggalingan namin kaya minsan, kung ano yung itinatakbo ng isip nung isa, parang halos dun din papunta yung isip ko.”



“GIRL!” Sa kanilang noontime show rin, ngayon ay kaswal na lang pag binibiro si Paolo na bakla—tulad ni Vic Sotto na “girl” ang tawag sa kanya on-air.

Keri naman ito ni Paolo. Paano niya nadadala iyon?

“Ang tagal na kasi nun, e. E, iyon nga, isa pang trait, talo ang pikon. Di ba?

“Kung napikon ka, walang mangyayari sa iyo, e.

“Kung sasakyan mo, di ba, kung gagawin mong in a nakakatawa way, na maganda naman, e, di okay lang.

“E, wala namang mawawala sa akin, di ba? Nakakatawa pa nga, e.

“Iyon, kaya okay lang.”

GAY ROLE. Sa D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh!?, ang role ni Paolo ay…

“Bakla!” tumatawang sabi niya.

“Parang ano, e… hindi naman ako yung baklang sobrang gandang magdamit, ganun.

“Yung baklang assistant ni Jose na nagtitinda ng mga isaw, pero mahilig sumali sa mga beauty contest, yung ganun-ganun.

“Na mahilig magbitaw ng mga sikat na one-liners mula sa mga pelikula ng mga sikat na aktres—tulad nina Ate Shawie [Sharon Cuneta], Ate Vi [Vilma Santos], at si Ate Guy [Nora Aunor]… si Carmi Martin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CUSTODY BATTLE. Kinumusta naman ng PEP kay Paolo ang naging kaso sa kustodiya ng anak niyang si Keira.

May panahon kasing ipinagkait ng lola ng bata—ina ng ex-girlfriend ni Paolo na si Katrina "Kaye" Navada—na makita nila ang sariling anak.

Ayon kay Paolo, “A, okay na! Kaya nga ako nagpagupit kasi sabi ko, pag nanalo na kami sa kaso, magpapagupit na ako ng buhok.”

Nanalo in what sense?

“Na yung custody, sa amin na.

“Kasi iyon yung ipinaglalaban ng lola niya, e. Gusto niya sa kanya yung custody, hindi sa aming mga magulang. So ayun.

“E, thankfully, hindi na kami pinahirapan ng ano… ibinigay na rin sa amin yung custody.”

Kumusta na ngayon ang relasyon nila sa lola ng anak niya?

“E, sa akin, hindi ko pa siya nakakausap.

“Pero nung time na bumabagyo, nagte-text naman siya na, ‘O, baka kailangan ninyo ng ano... baka binabaha kayo diyan.’

“Kasi may bahay sila sa QC, taga-Pasig ako, ‘Doon muna kayo sa amin,’ ganun-ganun.

“Sabi ko, ‘Okay lang kami dito,’ ganyan-ganyan.”

Nahihiram pa ba ng lola ang bata?

“Hindi, e. Kasi ang sabi sa ano… sabi nung court, kung gusto niyang hiramin, sabihin niya sa amin, magpaalam siya sa amin.

“E, so far, wala pa namang… walang nagpapaalam sa amin.

“Hindi naman niya kami sinasabihan na hihiramin niya, so wala, hindi pa niya nahihiram.

“Pero nung… kasi recently lang, yung kapatid ni Kaye, yung mommy ni Kiera, nag-pass away yung kapatid niya, so pumunta sila sa Baguio.

“Umuwi siya [Kaye] dito, tapos dinala niya, ayun, nakita naman nung lola si Keira.”

Kumusta naman ang lovelife ni Paolo?

“Nganga! Ewan ko, hindi ko rin alam. Ayaw nila ng masyadong maganda!” at tumawa si Paolo.

Ano pa ang gusto niya sa career niya?

“Siyempre, ang gusto kong gawin e magtagal sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, siguro naman… ang Eat Bulaga! is thirty-three years na so siyempre as much as possible, gusto ko magtagal din nga, ganun.

“Kung merong mga papasok na soaps, okay siyempre, welcome naman kahit anong work.

“Pero ang priority talaga is Eat Bulaga!.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN