Part 1. Regine Velasquez hints at repertoire of Silver concert: “Gusto nilang pinapahirapan ako, e, gusto nila yung dinudugo ako!”

May dagdag na detalye si Regine Velasquez sa mga kantang nakahanda para sa Silver concert niya: “Alam naman nila lahat na I’m singing mostly my songs, the recorded songs, the songs that I’ve recorded. So, ang surprise na lang for me, kung saan ko ilalagay yung particular song na ito.”


Puspusan na ang rehearsals ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa Silver, ang kanyang 25th anniversary concert.

Kasama ni Regine ang humigit-kumulang na pitumpung miyembro ng Manila Symphony Orchestra na mag-aakompaniya sa kanya.

Pahayag ng tinaguriang Asia’s Songbird, “We’ve been preparing for this, medyo matagal na yung preparation nito... since last year pa.”



BIG BUDGET. Malaki ang puhunan sa show, pero hindi sigurado si Regine kung magkano ang eksaktong halaga.

Sabi niya, “Medyo malaki yung cost, hindi ko sure kasi yung GMA at yung kapatid ko... They co-produced the concert, so I’ve no idea.

“Empleyado lang ako!” ang tumatawang sinabi ni Regine.

Co-produced nga ng GMA at iMusic Entertainment Inc., gaganapin ang concert sa Biyernes, November 16, sa SM Mall of Asia Arena.

Ang live recording ay ipalalabas sa GMA-7 sa December 16 naman.

Nasa kontrata ni Regine na once a year ay may TV special siya sa Kapuso network.

“So ito na yun.”



WITH BABY NATE. May isang tao na excited si Regine na manood ng Silver concert niya, at iyon ay si… Baby Nate!

Si Nate ang anak ni Regine at ng mister nitong si Ogie Alcasid.

Naroroon naman daw si Nate sa concert nila ni Ogie last February, na Mr. & Mrs. A.

“Pero baby pa siya noon, e.

“Lately I’ve been bringing him kasi one year old na, parang…

“Ang sarap nang bitbitin kasi hindi na nakakatakot masyado na... alam mo yun?”

Na hindi na raw kasing fragile or delicate si Nate ngayong isang taon na ito kumpara noong bagong panganak pa lang.

“At tsaka kasi, parang mas naiintindihan na niya nang konti, mas may appreciation na siya.

“So, siyempre, excited ako na mapanood niya ako.

“Kasi alam mo, nakikinig yun, e... Mahilig yun sa music, e.

“Kasi yung iba [na baby], parang may music lang, okay... Siya nag-i-stop siya talaga, pinapakinggan niya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially pag ako yung kumakanta, tinitingnan pa niya ako, kasi lagi ko siyang kinakantahan, e. Nakikinig siya.”

Ang mister niyang si Ogie Alcasid, ayaw pakinggan ni Nate?

“E, kasi naman yung asawa ko, e, laging niloloko!

“Kinakantahan niya ng kung anu-ano, ‘Baby Boo-Boo,’ mga ganyan, tapos gigigilan niya.”

Ang ginagawa raw ni Nate ay tinatakpan ang bibig ng kanyang ama.



SURPRISE! Ano ang mga sorpresa sa Silver concert?

“Ako, wala kong alam—baka ako yung i-surprise!

“Hindi ako sure, baka maloka na lang ako!” sabay-tawa ni Regine.

Ini-expect ba niya na may mga sorpresa para sa kanya sa Silver?

“Wala naman, wala naman, pero hindi ko talaga alam.

“Kasi I’m more concentrating on my concert, yung sa sarili ko.

“I have to prepare myself. I’ve been preparing naman that’s why I’ve been trying to get back in shape.

“And ngayon din, musically I have to prepare na.

“Kasi ang mga kakantahin ko naman ay mga kanta ko, so I have to listen to all of them again, and try to… alam mo yun?

“Kasi, minsan kasi nakakalimutan ko kung paano ko kinanta, so kailangan kong ma-recall.

“I’ve been doing that actually, I’ve been listening—ganun-ganoon...

“Tapos yung mga bagong arrangements, pinapakinggan ko rin so I’ll get used to the new arrangements... the new way of singing a particular song. Ganun.”

Masyadong wide ang concept ng Silver concert kaya walang masyadong particulars sa kuwento ni Regine.

“E, kasi gusto kong ma-surprise sana yung mga tao, kasi basically nga...

“Alam naman nila lahat na I’m singing mostly my songs, the recorded songs, the songs that I’ve recorded.

“So iyon ang kakantahin ko, so ang surprise na lang for me kung saan ko ilalagay yung particular song na ito...

“Kung anong klaseng arrangement, iyon ang gusto kong element of surprise sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi basically the concept naman is just celebrating my twenty five years in the business.”



RECORDED SONGS. Walang cover songs na bago sa concert na hindi niya kanta.

“I will be singing most of mga ni-record ko lang.

“So kahit original or yung mga ni-revive ko lang, iyon yung mga kakantahin ko, so hindi ako magko-cover ng bago.

“Actually, siguro baka sa end.

“Pero bale yung concept niya, all the recorded songs lang, so revivals and originals.

“So ang mag-iiba doon yung mga arrangements ng mga ibang mga songs.

“Yung pagse-celebrate actually ng twenty five years, e, more on talagang thank you to all the supporters.

“Itong buong concert na ito really is dedicated to all the supporters.

“Sa lahat ng mga... I don’t really like to call them fans—friends—who supported me all these years.

“Kaya nga kakantahin ko yung mga gusto nilang kinakanta ko, like yung "I Don’t Wanna Miss A Thing."

“Gusto nilang pinapahirapan ako, e, gusto nila yung dinudugo ako!” at tumawa ang Songbird.

“So the whole concert is really a thank you for my supporters all these years...

“And nakakatawa nga kasi, it’s a thank you concert, pero I’m still asking for a favor from them na sana manood sila.

“So sana nga manood sila, kasi hindi ko alam kung kailan ko ulit magagawa itong ganitong klaseng concert.”

Pinasasalamatan din ni Regine ang mga sponsors ng Silver, tulad ng GMA Kapuso, Belo, Bench, SMART, McDonald’s, Victoria Court, Cravings, at Pacific Blue Shades.

Isa sa media partner ng Silver ay ang PEP.



PRODUCTION NUMBERS. Sa R2K concert niya noong April 2000, kinanta ni Regine ang “On The Wings of Love” habang naka-harness na lumilipad hanggang sa kisame ng Araneta Coliseum.

Gagawin ba niya ito sa Silver?

“Ahm... meron kaming ano, paanong tawag diyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang merong… kakantahin ko yung mga songs from R2K, pero surprise yung magaganap.”

Ilan ang costume changes niya, twenty five rin ba?

“Hindi naman! Siguro about four or five lang.”

Ang mga designers ng mga outfits niya ay sina Cary Santiago, Rajo Laurel, Cocoy Lizaso, at si Pepsi Herrera.



“BABY SONGS.” Tuloy ang paggawa ng music album ni Regine na gusto niyang i-dedicate sa anak.

Aniya, “After the concert, I’m doing an album.

“Dapat nga ito before the concert na-release, kaya lang wala na rin akong masyadong time.

“The album is dedicated para kay Nate, so medyo excited ako dun sa album.

“Kasi para kay Nate nga, so after the concert I’m gonna continue with the album.”

Ito ay sa ilalim ng Universal Records.

“All the songs are, parang, it’s either puwede siyang pang-baby... merong mga baby songs talaga...

“Or lullabies, or yung kahit hindi pop songs pero parang ang intention mo is really for the baby.”

Lalabas ba dito ang ang sinulat ni Ogie na kanta for Baby Nate?

“Hindi, e. Ayaw niyang ibigay sa akin kasi kanya daw iyon!” sabay-tawa ng Songbird.

Speaking of songs, ang mga paborito raw niya sa mga isinulat ni Ogie ay ang…

“Yung "Sa Piling Mo" kasi sinulat niya iyon for me...

“Tapos yung “Tayong Dalawa,” sinulat niya for our wedding, tapos “Kailangan Ko’y Ikaw,” ang ganda noon, e!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN