Jose Manalo on being paired with Solenn Heussaff: “Siyempre, natuwa, aarte pa ba ’ko?”

Hindi maiaalis na maraming iikot na tsismis sa mga maiinit na showbiz personalities tulad ni Jose Manalo. Sa balitang nililigawan daw niya ang isang EB Babe, sabi ni Jose: “Wala, wala akong nililigawan dun. At saka, bawal yun. Kung nililigawan ko yun, e, di natanggal na ako.”


Ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola ay masasabing napakalayo na nang narating magmula pa sa Eat Bulaga!.

Bukod sa nakagawa na sila ng pelikula na sila ang bida at mga naging hit, kasunod naman ang blockbuster na concert nila sa Araneta Coliseum.

Ngunit hindi kampante si Jose.

Sa ipalalabas nilang pelikulang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?!, inamin ni Jose na hindi nawawala sa kanila ang alinlangan at pressure.

“Hindi talaga maiaalis ang kaba,” sabi ni Jose.

“Kahit ngayon, interview lang, may kaba pa rin.

“Hindi mo alam kung tama ba ang sasabihin mo, kung tama ba ang isasagot mo—kung magugustuhan niyo.

“Kami kasi, ako, lahat ng gagawin mo nang umpisa, kinakabahan ako.

“Pero kapag naumpisahan mo na, dire-diretso na.

“Pero nandoon pa rin ang kaba kung ano ang mangyayari.

“Hindi mo alam kung nagustuhan nga.”

Tumaas na raw ang talent fee nila ni Wally pagkatapos ng naging successful show nila sa Araneta Coliseum?

“Hindi po, ganoon pa rin po. Hindi naman po pinag-uusapan kung magkano ang ibabayad sa ‘yo.”



MORE COMEDY. Araw-araw napapanood at inaabangan ang dalawa sa nangungunang noontime show na Eat Bulaga bukod sa ilang comedy gigs nila.

Ano ang makikitang kaibahan ng D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! sa mga gigs at nauna na nilang pelikula?

“Unang-una, bida kami rito!” natatawa niyang sabi.

“Kasi, doon, madalas magkasama kami, magkasundo kami sa lahat ng bagay. Dito, hindi, e.

“Kung papaano mo lalaruin ang pelikula na magkaaway kami ni Wally rito, pero magkapatid.

“Bunso niya kong kapatid, pero paano niya ako igagalang?”

Ang orihinal na title ng D’ Kilabots… ay Sa ‘Yo ang Pritil, Sa Akin ang Bangkusay.

Sa kasalukuyan ay may contest na “D’ Kilabots, Mr. Pogi, Weh?!” sa Eat Bulaga!. Ano ang mas nauna?

Sabi naman ni Jose, “Nauna po ang kilabot namin bago yung kilabot sa Eat Bulaga!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang una po kasing title, ngayon po, parang ayaw na rin nating palabasin…

“Dahil baka akala nila, kapag yung Pritil at Bangkusay, patayan na naman nang patayan ang nangyayari.

“Gusto na po nating ayusin na hindi ganun sa Pritil sa Tondo.

“Kaya pinagpilian po at bumagsak sa kilabot kasi, Kilabot po ang apelyido namin dito.

“Hindi na po ito yung dating Tondo na magulo. Ito na po ang bagong Tondo na bayanihan.

“Kilabot din po akong talaga. Kasi kaming dalawa [ni Wally] ang nandito.

“Pero sa totoong buhay, wala po talagang kilabot. Kilabutan po kayo.”



CELEBRITY CRUSH. Sa mga artistang babae, kapag nakikita niya, sino yung may kilabot na hatid sa kanya?

“Siyempre si Solenn [Heussaff],” ang mabilis na sagot ni Jose.

“Isa sa pinakabago ngayon si Solenn na nakita nating mainit na mainit talaga, di ba?

“Kahit sino naman, kapag nakita yung Solenn, kikilabutan kayong talaga.”

Personal choice niya ba na maging leading lady si Solenn?

“Yung si Solenn po, production po ang namili. Kahit sino naman po.

“Ang tatanungin lang po, kung sila, papayag na maka-partner ako,” natatawa niyang sabi.

Nang malaman niyang si Solenn nga ang leading lady niya, anong naramdaman niya?

“Siyempre, natuwa, aarte pa ba ’ko?” hirit niya.

Kung lovelife na niya ang pag-uusapan, kamusta naman ito?

“Zero,” mabilis niyang sagot.

Paano naging zero?

“Zero, e. Ano ang magagawa natin… zero.”

Kailan pa ba siya walang lovelife?

“Matagal na siguro, bago pa yung isang taon—wala—zero na.”

Sa diretsahan tanong kay Jose, inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoong isa sa EB Babes dancers ang karelasyon niya.

Mariing tanggi ni Jose: “Wala, walang katotohanan dun! Usap-usap lang.

“Hindi lang naman dun, marami pa akong natsismis, pero hindi totoo yun.”

May lumabas din kasing balita na nakikita siya sa bahay ng isang EB Babes na nali-link nga sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Jose: “Sa bahay? Bakit may bahay ba yun? Wala, walang bahay yun!”

Pero, nababalita kasing nandiyang nililigawan niya?

“Wala, wala akong nililigawan dun. At saka, bawal yun.

“Kung nililigawan ko yun, e, di natanggal na ako.”



FAMILY AFFAIR. Sila ng misis niya, kumusta na?

“Maganda yung movie, tungkol sa pamilya. Magkapatid kami rito ni Bruno.

“Ending… nagkasundo ang magkapatid. Kasi, pamilya, naayos,” pag-iiba niya ng usapan.

Ngayong malapit na ang Pasko, hindi kaya mas maging maayos na sa pagitan nila ng misis niya?

“Yung Pasko kasi, lahat tayo, sine-celebrate natin ‘yan,” tuloy iwas pa rin ni Jose.

“So, sa Christmas, Si Agimat, si Enteng at Ako, ‘yan po ang pinakamagandang regalo sa Christmas na maibibigay natin.”

Kapag natapos na ba ang lahat sa pagitan nila ng misis niya, handa ba siyang humarap muli sa bagong relasyon?

“Oo naman,” mabilis niyang sagot.

Birong-dugtong pa ni Jose, “Bata pa ko, twenty-five pa lang ako.”

Hindi na para mabuo sila ng misis niyang muli?

“Hindi na, hindi na siguro. Basta, open ulit.”

Bagama’t hindi na nga ang asawa at mga anak ang kasama niya, may maganda rin naman daw siyang inaasahang makakasama ngayong Pasko.

“Sa nanay at tatay ko, mga kapatid ko. Maayos naman, matagal na rin akong hindi nakakapag-Christmas with them.

“Ngayon, sa kanila naman ako. Sana makapag-share ako sa nanay, tatay ko, mga kamag-anakan ko.

“Kung anuman ang mga nakukuha kong blessing ngayon, mai-share ko sa kanila."

ARRANGEMENTS. Sila ng mga anak niya, paano ang set-up nila?

“Okay naman, yung sustento sa pag-aaral ng mga bata, hindi naman nawawala yun.

“Yung komunikasyon, siguro, darating yung tamang panahon dun.”

Nami-miss niya ba ang mga anak niya?

“Lahat naman, siyempre, anak ‘yan. Pero, panahon ang magsasabi niyan.”

Sa palagay niya, kailan kaya maayos?

“Sana, sana maayos agad yung tungkol sa mga bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LESSON LEARNED. Kung may naging aral man na iniwan sa kanya ang lahat, ano ito?

“Magtira ka para sa sarili mo. Huwag ibigay lahat.

“Madali akong magtiwala. So, ayoko namang mawalan ng tiwala. Pero, limitahan na.

“Sabi nga dati, 100 percent, 80 percent, pero siguro ngayon, 50-50 na lang siguro.

“O kaya, 30-70… yung meron namang matira sa akin para hindi masakit masyado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN