PEP EXCLUSIVE Dingdong Dantes on Max Collins replacing Kylie Padilla as his leading lady in Pahiram Ng Sandali: "Everything just fell in the right place at the right time."

Ito ang pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa pagba-backout ni Kylie Padilla sa gagawin sana nilang primetime series: “Well, I’m sure naman, kung anuman ang pinagdaanan niya, it wasn’t easy for her to decide. So, parang I’m in no position naman also to divulge my feelings anymore. Kung anuman ang nararamdaman ko, kung masaya ba ako o hindi sa naging desisyon niya, kung naging malungkot ba ako o hindi… What’s important is she w


Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial at plug shoot ng upcoming primetime series ng GMA-7, ang Pahiram Ng Sandali, noong Martes ng gabi, November 13.

Ang Pahiram Ng Sandali ang papalit sa Coffee Prince at magpa-pilot ito sa November 26.

Nadatnan ng PEP sa pictorial ang leading man ng teleserye na si Dingdong Dantes habang kinukunan ang kanyang plug shoot.

May hawak na camera ang Kapuso actor, bilang isang photo-journalist ang role niya rito.



CHANGES. Originally, ang Haram sana ang primetime series na gagawin ni Dingdong sa GMA-7 pagkatapos ng huli niyang proyekto—ang My Beloved, na pinagtambalan nila ng kasintahang si Marian Rivera.

Pero na-shelve ang Haram bunsod ng pagtutol ng ilang sektor dahil sa maselang tema nito tungkol sa “bawal” na pag-iibigan ng isang Kristiyanong sundalo at isang babaeng Muslim.

Nagdesisyon ang pamunuan ng GMA-7 na palitan ito ng panibagong soap, ngunit pareho pa rin ang direktor (Maryo J. de los Reyes) at main cast (Dingdong, Lorna Tolentino, at Kylie Padilla).

Ngunit ilang araw na lang bago magsimula ang taping ng Pahiram Ng Sandali, nag-backout si Kylie mula sa proyekto.

Paliwanag ng kampo ni Kylie, "far too old" daw ang role na gagampanan ng 19-year-old actress.

Magkakaroon din daw ng “conflict” sa pagiging Muslim ni Kylie ang mga maseselang eksena sa teleserye.

(CLICK HERE to read related story.)

Ang ipinalit ng GMA-7 kay Kylie ay ang bagong Kapuso at “kapatid” ni Dingdong sa PPL Entertainment Inc. na si Max Collins.

(CLICK HERE to read related story.)



DINGDONG’S REACTION. Tinanong ng PEP si Dingdong kung ano ang reaksiyon niya nang malamang si Max na ang bago niyang makakapareha.

Sagot ng award-winning actor, “Well, masaya ako para sa kanya.

“Ako, di ba, usually sinasabi natin, basta may work, it’s a blessing, blah, blah…

“But ako, I believe that this is a different case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, for me, it is really such a privilege na makatrabaho ko ulit sina Tita Sandy [Andolong], Brother Bo [Christopher de Leon], at lahat ng cast na galing sa Haram.

“And all the more now, with Ms. LT [Lorna Tolentino] and, of course, with Max.

“It’s really a powerful cast, so masaya ako para kay Max.

“Kumbaga, ang ganda ng role na naibigay and, at the same time, ang ganda ng combination ng mga makakasama niya.”

Naikuwento sa PEP ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan na nabanggit ng aktor noon na gusto rin niyang makatrabaho si Max balang-araw.

Sabi naman ni Dingdong nang tanungin namin tungkol dito, “Yes, of course.

“Siyempre, we’re all in the same management company at, siyempre, nakikita namin ang potensyal dahil kami ang magkakasama.

“Nakikita namin kung ano ang gusto niya, expertise.

“It’s good also na, kahit paano, makatrabaho rin namin ang isa’t isa dahil, siyempre, family kami.

“Siyempre, maganda na nabigyan kami ng opportunity at sa ganitong klaseng paraan pa.”

THE REPLACEMENT. Nang mag-backout si Kylie, may pagkakataon bang tinanong o kinonsulta siya ng Kapuso management kung sino ang gusto niyang maging leading lady?

“No, no,” sagot ni Dingdong.

“But I’m very eager to find out.

“As always, I put my trust in the network.

“So, siyempre, just like everyone else, ako ay sobrang excited din ako at sino ang papalit.

“Happy naman ako na isa ako sa mga unang nakaalam.”

Masaya ba siya na si Max ang napiling pumalit kay Kylie?

“Very, very,” ang nakangiting sabi ng aktor.

Ano naman ang reaksiyon ni Dingdong sa pagba-backout ni Kylie sa kanilang proyekto?

“Well, I’m sure naman, kung anuman ang pinagdaanan niya, it wasn’t easy for her to decide.

“So, parang I’m in no position naman also to divulge my feelings anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung anuman ang nararamdaman ko, kung masaya ba ako o hindi sa naging desisyon niya, kung naging malungkot ba ako o hindi…

“What’s important is she was able to make her decision and that she believes in something that is beyond what we are doing here sa show—which I respect.

“At importante rin, the role also landed to someone who also deserves to interpret the role equally.

“So, parang ganun din ‘yan.

“Everything just fell in the right place at the right time, parang ganoon lang.”

Tila hindi talaga sila meant na maging magkapareha ni Kylie?

Una kasi ay na-shelve ang Haram at sumunod naman ang pagba-backout ng young actress sa Pahiram Ng Sandali.

Sabi ni Dingdong, “Hindi naman, hindi naman… depende lang talaga sa situation, sa timing.

“Kasi, kami naman, kaming dalawa, siyempre nag-workshop na kami.

“Kapag nagkakasalubong kami, we talk about the project and we’re both very excited naman sa project supposedly.

“So, I think, may mga greater factors naman na hindi na namin mako-control.

“Basta kami, we will just do our job.

“Ganoon naman, e. Kung ano ang ibinigay sa amin, we’re grateful.

“At ang importante ngayon, nandito na ang Pahiram Ng Sandali at dito na kami magko-concentrate.”

SOMETHING DIFFERENT. Nakaka-ilang taping days na rin si Dingdong para sa Pahiram Ng Sandali.

Nabalitaan din namin na pagkabasa pa lang ng aktor sa unang linggo ng script ay nagustuhan na niya ito.

Tungkol saan ang Pahiram Ng Sandali?

Kuwento ni Dingdong, “Isa akong photo-journalist na gustong umasenso dahil itinakwil ako ng aking ama noong bata ako.

“Na makakasalamuha ko ang maraming malalaking tao along the way at isa na doon si Ms. LT.”

Ano ang nakikita niyang “challenge” sa kanyang bagong role?

“Marami…the fact na katrabaho mo sila, para sa akin, is completely different.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan ang anggulong Dingdong at Lorna dahil magkakaroon sila ng romantic involvement sa istorya.

Bago rin para kay Dingdong na magkaroon ng love interest sa isang older woman sa teleserye.

“Yun din,” sambit ng aktor.

“I think, this soap is a very courageous step in television at, para sa akin, sa mga manonood ng drama.

“Ako, para sa akin, ngayon ko lang din mae-encounter ang ganitong konsepto sa TV.

“Although, alam naman nating nangyayari ‘yan.

“But it’s also interesting kasi first time kong gagawin.

“And siguro, it’s also about time.

“Ang dami ko na rin na soap opera na nagawa na iba’t ibang tema—may fantasy minsan, may drama.

“Pero ito, masasabi kong matured drama.”

Bagamat hindi pa umeere ang Pahiram Ng Sandali, masasabi ba niyang worth it na ito ang naging kapalit ng Haram?

“Tingin ko, ito ay nasa kakaibang liga,” sagot ni Dingdong.

“Kumbaga, it has its own classification and category na hindi mo pupuwedeng ipareha sa Haram.

“But Haram also is, kumbaga, a very brilliant concept on its own classification and category—and so is Pahiram Ng Sandali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN