Jake Cuenca on rumored reconciliation of Lovi Poe and Ronald Singson: "I think everyone deserves to be happy. Everyone in life deserves to be happy."

Aminado si Jake Cuenca na marami-rami na rin siyang nakarelasyon, pero lahat ng yun ay nauwi sa breakups. Sabi ng aktor, na nali-link ngayon kay Lovi Poe, “Parang oo, e. I’ve been into so many relationships… I hate to say it, pero lahat ng relationships na yun, nag-fail. I did not regret any of my relationships, pero I’m in the process of getting to know myself pa rin. By the time I can be… I assure you guys na pag ako nag-commit ulit,


Inamin ni Jake Cuenca sa The Buzz noong Linggo, November 11, na in love siya kay Lovi Poe.

Pero wala pa raw silang relasyon ngayon ng Kapuso actress.

Matagal nang nababalita na may espesyal na namamagitan sa dalawa, na unang nagkasama sa pelikulang My Neighbor’s Wife [2011], sa kabila ng pagde-deny nila at pagsasabing magkaibigan lang sila ngayon.

TOGETHER AGAIN? Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake, sa ASAP 2012 noon ding Linggo, kinuha namin ang reaksiyon niya sa balitang nagkabalikan na si Lovi at ang ex-boyfriend nitong si Ronald Singson.

Sagot ng Kapamilya actor, “Just ask her about those things na lang, kasi ako naman, I don’t wanna talk about anyone’s behalf.

“Kung ganun lang ang tanong, it’s better na manggaling na lang kay Lovi.”

Matatangap ba niya kung saka-sakali ngang magkabalikan sina Lovi at Ronald?

“Oo naman,” tugon ni Jake.

“Ako naman, I think everyone deserves to be happy. Everyone in life deserves to be happy.

“Ako ang unang tao na magsasabing dun ka kung saan ka masaya.

“Kahit kanino naman, this is not for her, this is for anyone, pero in general—ganun akong klaseng tao.

“Siyempre, di ba, sa akin, wala pa namang ganung nangyayari.

“Pero siyempre, ang turo sa akin ng pamilya ko, as much as possible, if you want something, hindi ka dapat umapak ng iba.

“Just give it to the person, mahirap pilitin ang ganung bagay.”

LOVI INSPIRES JAKE. Hindi naman itinago ni Jake na espesyal talaga sa kanya si Lovi at ito ang inspirasyon niya ngayon.

“Is Lovi my inspiration? Definitely, definitely.

“But again, I don’t wanna answer on her behalf.

“Basta, she’s very, very busy. We’re both very busy.

“Mag-i-start na rin yung movie namin, two weeks from now. The title is Lihis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, we still keep in touch.

“Hindi naman dun sa pelikula namin natapos ang pagkakaibigan.

“I’m excited to work with her and it’s a good material.”

Pero ayon kay Jake, mas gusto niyang maging hinay-hinay muna pagdating sa pakikipagrelasyon, lalo’t ganun din naman ang pananaw ni Lovi sa ngayon

Saad niya, “Parang oo, e. I’ve been into so many relationships…

“I hate to say it, pero lahat ng relationships na yun, nag-fail.

“I did not regret any of my relationships, pero I’m in the process of getting to know myself pa rin.

“By the time I can be… I assure you guys na pag ako nag-commit ulit, yun na yun.

“Feeling ko, yun na yun."

KUNG AKO’Y IIWAN MO. Sabay na ginagawa ni Jake ang mga teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo at Kahit Puso’y Masugatan sa ABS-CBN.

Pero hanggang ngayon linggo na lamang mapapanood ang Kung Ako’y Iiwan.

Ano ang pakiramdam na magtatapos na ang afternoon soap nila nina Shaina Magdayao at Bangs Garcia?

Saad niya, “Malungkot siyempre, at the same time, masaya na rin.

“At least, nagka-free time.

“Medyo naging busy talaga, pero nakakalungkot kasi siyempre, pamilya kami.

“Pero hindi naman nagtatapos ang lahat, e.

“To me, Shaina is my favorite leading lady, siya ang paborito ko.

“Si Bangs, we’ve done so many projects. Ang pagkakaibigan namin, hindi mawawala yun.

“For me, Kung Ako’y IIwan Mo was a baby project for me, bineybi ko talaga ang project na ito. I really love the show.

“I’m just happy na tumagal kami ng ganun katagal.

“I think we were airing for three seasons.

“The thing that made the show special, ang ikinukuwento namin ay totoo.

“We are going through a lot of real problems na maraming naka-relate… I think that was the magic of the show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang nagpapasalamat ako kasi tinutukan talaga siya.

"I really felt na talagang alam na alam ng mga tao ang kilos ni Paul, Sarah, at Mia kaya sobrang nakaka-flatter.”

REWARDS. Sa sobrang pagtatrabaho ni Jake, tinanong siya ng PEP kung may reward ba siyang ibinibigay para sa kanyang sarili lalo’t kitang-kita ang dedikasyon niya.

Sabi ng aktor, “Magbabakasyon ako in December, but I’ll be back in January.

“Iniisip ko na mag-Bali [Indonesia] with some family and friends.

“I’ve never been there, e, but I heard a lot of good things about it.

“Actually, si Ms. Gloria Diaz ang nagsabi sa akin.

“Kung gusto ko raw magpahinga talaga, mag-rest, mag-Bali daw ako kasi sobrang ganda raw talaga dun."

Dagdag niya, “Kotse. Ang reward ko sa sarili ko for Kung Ako’y Iiwan Mo was a car.

"Pero parang kalalaman ko lang na na-extend [yung show], tapos pumasok yung Kahit Puso’y Masugatan.

“Nakabili pa ako ng isang kotse for me and my mom. Yung isa ko, yung Leep Wrangler, tapos mayro’n akong Suburban.”

Ine-enjoy ni Jake ang bunga ng lahat ng pinaghirapan, pero dumating sa puntong bumigay rin daw ang katawan niya dahil sa sobrang pagod.

“Alam ninyo, sa totoo lang, nung natapos ang taping ng Kung Ako’y Iiwan Mo, dun bumigay yung katawan ko.

"Pero hindi ako pinayagan ng katawan ko na bumigay.

“Saka I was challenged to do it, I want to be the first one to do it.

“It’s a good experience—I think I’m a better actor because of it,” pahayag ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN