Willie Revillame has yet to talk to Randy Santiago after reconciliation with John Estrada

Willie Revillame on friend John Estrada: “Never naman kaming nag-away talaga. Wala akong bitterness kahit kanino. Kung yung iba, may bitterness sa akin, nasa sa kanila yun.”


Last Wednesday, November 14, personal na iniabot ni Willie Revillame ang isang milyong pisong donasyon sa non-government organization na Save Our Women, sa okasyong ginanap sa U.S. Embassy.

Ayon sa ulat ng InterAksyon, personal na nagtungo si Willie sa U.S. Embassy upang maiabot ang kanyang tulong sa Baguio-based NGO na umaalalay sa abused women sa naturang siyudad.



ISSUES INVOLVING FRIENDS. Nagpaunlak din si Willie ng interview tungkol sa mga isyung ikinakabit sa kanya mula noon at hanggang ngayon.

Una munang nilinaw ng Wil Time Bigtime host ang tungkol sa pagbabati nila ng kaibigang si John Estrada.

(CLICK HERE to read related story.)

Diin niya, kahit daw may tampuhang nangyari sa kanila ng kaibigang si John, itinuturing pa rin daw niyang mabuting kaibigan ang Kapamilya actor-TV host.

Aniya, “Never naman kaming nag-away talaga.

“Wala akong bitterness kahit kanino.

“Kung yung iba, may bitterness sa akin, nasa sa kanila yun.”

Kinumpirma naman niyang nagtungo siya nang personal sa The Heritage Park Mortuary and Crematory sa Taguig City, sa huling gabi ng lamay ng ama ni John noong November 8.

Halos dalawang taong hindi nag-usap ang dalawa.

Nagsimula sa hindi magandang pangyayari sa pagitan ni Willie at ng ABS-CBN, ito’y humantong sa punto na tingin ni Willie ay tinalikuran siya ng mga kaibigang John at Randy.

Hindi nga sinipot ni Willie ang kasal ni John kay Priscilla Meirelles noong Pebrero. Best man dapat si Willie ni John.

Ipaabot rin kaya niya ang gesture of friendship na ibinigay kay John kay Randy Santiago naman?

Marami kasi ang naniniwalang nagtampo rin si Willie kay Randy, nang sumama ang huli kay John, para mag-host ng dating noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!

Inamin naman ni Willie hindi pa lang sila nagkakausap o nagkikita ni Randy.

JOEY DE LEON. Kung gaano kaanghang ang patutsadahan nina Willie at Joey de Leon noong kapanahunan ng Wowowee, siya namang kabaligtaran ang sitwasyon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang “super friends” na ang dalawa.

Katunayan, noong birthday ni Joey ay nagtungo si Willie sa studio ng Startalk upang personal na ibigay ang kanyang regalo.

(CLICK HERE to read related story.)

Nitong Oktubre, si Joey naman ang bumati kay Willie sa kaarawan nito via VTR.

Ayon pa sa message ni Joey, “Bihira ang taong nakakapagpatawa sa akin sa buong bahay ko, pero isa na diyan si Willie Revillame.

“Nakakatawa at nakakatuwa ka talaga. Minsan lang, nakakaasar ka lang pag kalaban ka.

"Pero sana ay magpatuloy ka pa sa pagpapasaya sa tao.”



NEW CO-HOST. Bukas naman, November 17, sa kanyang show na Wil Time Bigtime, ipapakilala na ni Willie ang kanyang magiging bagong co-host.

Pero ayaw pang sabihin ni Willie kung sino ito at saan galing.

Aniya, “Panoorin n’yo na lang para malaman n’yo kung sino.

“All I can tell you is that she’s smart, articulate, and very much ready to host the show with me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN