Gladys Reyes on her children joining showbiz: “Siguro kapag mga teenager na sila, okey iyon, basta gusto nila.”

Kakaibang experience ang maging miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ayon kay Gladys Reyes. Kuwento niya: “Na-experience ko na rin ang mag-review ng ilang movies sa isang araw at pati na mga TV shows. Yung makipag-debate ka kung ano ba ang nararapat na classification. Learning experience itong lahat para sa akin.”


Masasabing masuwerte ngayon si Gladys Reyes dahil may shows siya sa lahat ng TV networks.

Sa TV5 ay kontrabida siya sa eco-fantasya na Enchanted Garden, sa ABS-CBN ay sunud-sunod ang guestings niya tulad ng sa Maalaala Mo Kaya at Wansapanataym, at sa Net 25 naman ay five years na ang kanyang talk show na Moments.

At sa kasalukuyan, sa GMA-7 ay nagbabalik siya via the morning show na Nay-1-1.

Matagal nang hindi nakakagawa ng show si Gladys sa Kapuso network, na ang huli pa raw niyang show ay ang Daisy Siete noong 2009.

Pero may ginawa naman siyang show sa sister network nitong GMA News TV na GoNegosyo last year.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys via the social networking site na Facebook.

Tamang-tama raw ang show na Nay-1-1 para kay Gladys, kunsaan kasama niya ang singer-TV host na si Jaya.

Aniya, “Mga helpful tips ito for the mommies na nasa bahay lang.

“May mga tulong kaming gagawin sa kanila…

“Sa pag-ayos ng kanilang mga gamit sa bahay, pag-check sa mga problema sa kuryente, tubig, makeover sa sarili nila at kung anu-ano pa.

“At kasama na rin ang mga pets nilang aso, pusa, ibon.

“May mga experts kaming kasama para matulungan sila.

“At siyempre, tips para sa pag-budget sa palengke, grocery, at kunsaan-saan pa.

“Lahat ng tulong na puwede naming ibigay ni Jaya sa mga mommies na tulad namin ay ibibigay namin.”


MTRCB BOARD MEMBER. Hindi lang sa pagiging artista at TV hosting nagiging busy si Gladys.

Isa rin siya sa mga nakaupong board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Lahad niya, “May mga review dates ako sa MTRCB, kaya may time pa ako para sa ibang trabaho ko at para sa family ko.

“Na-experience ko na rin ang mag-review ng ilang movies sa isang araw at pati na mga TV shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung makipag-debate ka kung ano ba ang nararapat na classification.

“Learning experience itong lahat para sa akin,” diin pa niya.


PROUD MOTHER. Lumalaking mga guwapo’t maganda ang tatlong anak ni Gladys na sina Gian Christophe, 6 years old, Gianna Aquisha, 4, at Grant Carlin, 2.

Pagmamalaki tuloy ni Gladys, “Puwedeng-puwede ngang mag-artista ang mga ito.

“Oo naman, ang ganda ng lahi ng father nilang si Tupeng [Christopher Roxas], di ba?

“Half-French kasi siya kaya ang mga anak namin, nabiyayaan ng dugong iyon!” tawa pa ni Gladys.

“Okey lang na gumawa sila ng commercials.

“Pero mas gusto naming mag-enjoy sa school ang mga bata. Ayokong magulo ang maayos na paglaki nila.”


EXPERIENCE OF A CHILD ACTRESS. Nagsimula bilang child actress si Gladys at alam niya ang pressure ng pagiging isang artista sa musmos na edad.

“Ako kasi, nag-start ako sa showbiz, six years old.

“Kaedad ko ang panganay ko noong magsimula ako.

“Isa nga ako sa unang batch ng “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga, di ba? Loss ako kay Glaiza Heradura.

“’Tapos nagpelikula na ako sa Viva Films noon bilang batang Lorna Tolentino [Nakagapos Na Puso, 1986], batang Dina Bonnevie [Tinik Sa Dibdib, 1985]…

“At sa ibang movies tulad ng Captain Barbell [1986] ni Edu Manzano, Muling Buksan Ang Puso [1985] at Alyas Baby Tsina [1984] ni Vilma Santos.

“Hanggang dumating na ang Mara Clara [1993].

“At tulad ng kasabihan, the rest is history!” diin pa ni Gladys.

Ayaw ni Gladys na maranasan ng mga anak niya ang mapagod sa taping or shooting na baka makaapekto sa kalusugan nila.

“Kaya siguro hindi ako tumangkad, di ba?” tawa pa niya.

“Kasi nga noong panahon na child actress ako, walang mga cut-off time.

“Hindi pa uso yung Child Labor Law na ‘yan noon.

“Kaya puyat kung puyat kami sa set. Hanggang matapos ang eksena—kesehodang inuumaga kami!

“Ngayon kasi, may protection na ang mga child stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May ilang hours of work lang sila ngayon.

“Hindi sila puwedeng to go beyond sa binibigay na oras ngayon. At may pahinga sila ngayon in-between takes.

“Kaya ayokong ma-experience ng mga anak ko ang ganyan.

“Siguro kapag mga teenager na sila, okey iyon, basta gusto nila.

“Pero sa ngayon, I want them to enjoy being normal kids.”

FAMILY TIME. Hindi naman daw nawawalan ng oras si Gladys sa kanyang pamilya kahit na super-abala siya sa mga trabaho niya as TV host, actress, at board member.

Patunay niya, “Nakakapagbakasyon pa rin kami, lalo na kapag may long weekend.

“Since taping naman lahat ng shows ko, may nakalaan akong araw para sa mga anak ko at sa mister ko.

“Kelan lang nag-out of town kami. Last month nakapag-abroad pa kami.

“Nasa tamang management lang lahat.

“Ang importante, nagkakasama kaming buong pamilya sa mga importanteng okasyon,” pagtatapos pa ni Gladys.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN