KC Concepcion says doing sexy photo shoots has nothing to do with her being single

Sa pagtanggap niya ng pagiging image model ng Tanduay, hindi malayong maihanay si KC sa mga sexy stars. Nagawa ba niya ito dahil wala siyang lovelife? Sabi niya: Parang wala naman po yatang... I think, hindi naman po ako tumatakbo sa alcohol pag nalulungkot po ako. At hindi rin po ako malungkot dahil single po ako.”


Isa sa mga rason ni KC Concepcion sa pagtanggap niya ng Tanduay Rhum endorsement ay ang reputasyon nito at pagiging Filipino product nito.

Ilang beses niya itong sinabi sa press launch bilang image model at calendar pin-up ng nabanggit na alcoholic brand.

Naganap ang launching noong Huwebes ng gabi sa Skye Lounge Roof Deck sa Bonifacio High Street, Taguig City.

“Na-impress po ako talaga and narinig ko na that Tanduay is the ’King of Rhums,’ not just in the Philippines but worldwide," sabi ni KC sa mga kausap na miyembro ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Aniya pa, 1800s pa lang daw ay tuluy-tuloy lang sa paggawa ng rhum na ine-export pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kumpanyang kanyang ini-endorso.

“Ibig pong sabihin noon, they make the most in terms of volume than most rhums [brand] in a given period of time in the whole world,” paliwanag ni KC.

SIGNATURE DRINK. Nakapatong sa isang high chair sa stage ang isang orange-colored drink na sinasabing signature mix-cocktail drink ni KC, na tinawag niyang “KC Kaleidescope.”

Pag-amin ni KC, ang paghahalo ng cocktail drink ay isa raw niyang talent na hindi alam ng marami.

“Actually, I learned that in Paris… [pero] hindi lang naman yun ang inaral ko sa Paris,” biro niyang sabi.

Patuloy niya, “But I learned that in Paris, believe it or not! I used a lot of coffee in my concoction.

“Minsan nilalagyan ko rin po ng egg white ‘yan para ma-neutralize at least yung acid.

“Saka nilalagyan ko rin minsan ng dalandan syrup at calamansi syrup…masarap ilagay sa mga cocktails.

“I can make my drink, the ‘KC Kaleidescope,’” pagmamalaki niyang sabi.

Sa pagkakataong ito, nahilingan si KC na mag-mix ng drink niya sa ibaba ng stage kung saan nag-set up ng mini-bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon lang ako allowed uminom pag ano…bilang work,” pasubali muna ni KC.

“Work ba talaga ito?” tanong tuloy ni KC habang natatawa.

Pagbaba ng stage, nagsimula na si KC sa pagtitimpla ng kanyang signature drink.

Pagkatapos niyon ay nag-serve na ang mga waiter ng “KC Kaleidoscope” sa lahat ng guests, bago muling umakyat ng stage si KC para ituloy ang tanungan.

Muling tinanong si KC kung paano niya natutunan ang paggawa ng mixture ng drinks.

“Sa totoo lang po, isa po sa mga hilig ko ‘yan talaga.

“I’m not just saying it dahil nasa Tanduay po ako, but noong nasa Paris ako.

“Meron po silang speakeasies na mga bar, na talagang loungy lang, na after work to de-stress. Hindi naman po yung club talaga.

“And meron akong mga favorite drinks doon. And nagpaturo po ako kung paano gawin.

“Pati po yung paglalagay ng ice, pag-shake, kung paano po yung mga parts.

“Kung gaano katagal ilalagay yung ice para hindi masira yung drink, para hindi mag-melt yung ice… ganoon po.

“And when they asked me to do Tanduay, first time ko pong nag-mix ng drinks sa isang meeting at nag-inuman po kami talaga with my bosses. It was exciting.

“But doon [Paris] ko po talaga natutunan, and I have friends here, who own clubs also.”

NOT THE FIRST. Nauna nang nag-pose ng sexy si KC sa Rogue, at ngayo’y nagpakita muli siya ng kaseksihan sa photo shoot ng kalendaryo ng rhum brand.

Handa naman ba siyang sumabak sa pagganap ng sexy roles?

“Sexy roles? I’m not afraid to be typecast. But I think when you’re a female… Kapag po babae at hindi sexy, medyo…hindi naman sa kulang.

“Pero mas magandang tingnan ang isang babae na may konting openness—kahit konti lang—sa pagka-sexy, sa pagka-sensual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parte po yun ng buhay nating lahat and I don’t want to sugarcoat.

“I don’t want to...you know, try to sound not real. As much as possible, I wanted to be as natural as possible.”

Ipinakita rin sa launching ang audio-visual presentation ng mga layout ng mga kalendaryo, kunsaan puro sexy ang poses ni KC.

Apat ang ipinakitang layouts. Tatlo rito ang kinunan sa beach.

Ang una ay ang shot na nakasuot siya ng white bathing suit habang nakadantay sa isang bato sa beach.

Sinundan ito ng kuha niyang patagilid na nakahiga sa isang kama, suot ang isang manipis na lace gown na may mababang backline at aninag ang kanyang katawan.

Sumunod ang larawang nakasuot siya ng button-open denim shirt at denim shorts. Nakasilip nang bahagya ang kanyang dibdib.

Ang huli ay kuha ni KC na nakasuot ng bra-top at high-waisted shorts habang nakaupo sa buhanginan ng beach.

(CLICK HERE to see photos.)

Bago pa gawin ang mga kalendaryo, usap-usapan nang magpo-pose ng sexy si KC para sa isang alcoholic brand.

May mga nagtanong na raw agad sa kanya noon na, “Are you doing the calendar?”

Sagot daw ni KC: “Yes. I am.”

Balik niya raw sa mga nagtanong sa kanya: “’Does it shock you?’

“And they’d say, ‘Yes, it does!’”

Hindi kasi basta-basta ang mag-pose sa kalendaryo ng nabanggit na brand, na nag-feature na rin sa mga naggagandahan at nagseseksihang celebrity endorsers.

Nauna na kay KC sina Nina Jose, Ehra Madrigal, Paw Diaz, Iya Villania, at Carla Abellana.

Nagpapasalamat naman siya sa creative freedom na ibinigay sa kanya ng kumpanya pagdating sa photo shoot.

Paano nga ba pinaghandaan ni KC ang photo shoot para sa kalendaryo?

“Plana forma. I do plana forma… Narinig na po ba ninyo yung plana forma?” tanong pa ni KC sa kausap na press.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang plana forma ay isang uri ng workout program na pinagsama-sama ang mga routines ng yoga, pilates, at pagsasayaw.

“I do that in QC and there’s a studio here [Bonifacio Global City] also.

“More than that, it’s really trust… Yung trust na meron ako for Mark, Celeste, Pam, and Juan Sarte, of course,” banggit pa niya.

Ang mga tinutukoy niya ay si photographer Mark Nicdao, hairstylist Celeste Tuviera, stylist Pam Quinones, at makeup artist Juan Sarte, na pawang nakatrabaho niya sa photo ng kalendaryo.

MOM’S REACTION. Nakita na ba ng mommy niyang si Sharon Cuneta ang mga kalendaryo?

Sagot muna ni KC, nakita na raw ni Mega ang sexy pictorial niya noon sa Rogue, na lumabas nung Enero ng taong ito.

“Kung nakayanan po niya yun… mas makakaya niya po itong Tanduay.

Mas grabe pa po yung ginawa namin sa Rogue.”

Sa apat na layout, ang paborito raw ni KC ay ang vintage beach shots, na parang inspired ng 1990s photo shoots ni Cindy Crawford.

Ito yung naka-bra top at yung naka-button down denim shirt siya na bahagyang bukas sa dibdib.

Pero para sa halos lahat ng press na naroon na nakakita sa mga kalendaryo, tila nakakaintriga ang shot na naka-lace gown siya.

Bukod sa plunging backline kasi’y see-through pa ang gown. Aninag tuloy ang tila hubad na katawan ni KC.

“Ah, iyon po yung Brigitte Bardot-inspired,” paglalarawan ni KC sa shot na nabanggit.

Gaano katagal ba bago siya nakapag-decide na ilabas na ang kanyang sexy side?

Tugon niya, “Hindi po ako nakapag-decide.

“Parang yung sa magazine cover ko po nitong January, it was my way to creatively, artistically express myself.

“So, noong nagawa ko po yun, sabi ko, ‘Wow! Kaya ko pala!’

“Basta pala maganda yung pinanggalingan at hindi naman masama yung intensyon.

“It was just something that I wanted to express with artistic people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I worked with the same team [for the calendars] that I worked with in [that magazine]…

Mas madali ba sa kanyang mag-decide na tanggapin ang project na ito at mag-sexy photo shoot dahil wala siyang lovelife?

“Wow!” nabanggit na reaksyon muna ni KC.

“Parang wala naman po yatang…

“I think, hindi naman po ako tumatakbo sa alcohol pag nalulungkot po ako,” biglang anggulo ni KC sa produktong iniendorso.

“At hindi rin po ako malungkot dahil single po ako.

“Ah, it’s something I enjoy, whether with a boyfriend or with my friends.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN