BB Gandanghari on Carmina Villarroel-Zoren Legaspi wedding: “It has long been overdue.”

Bagamat matagal na niyang naririnig ang planong pagpapakasal nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, nagulat pa rin daw si BB Gandanghari na natuloy na ang kasal ng dalawa. Si BB ay ang dating si Rustom Padilla, na unang asawa ni Carmina.


Boto man sa naririnig niyang mga plano noon nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na magpakasal, nagulat pa rin si BB Gandanghari sa biglaang kasalan ng dalawa.

Ikinasal sina Carmina at Zoren sa isang civil ceremony kahapon, November 15, sa Fernbrooks, Alabang, Muntinlupa.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon sa ulat ng InterAksyon, ngayon lang nalaman ni BB na kasal na finally sina Zoren at Carmina.

“Really? Di ko alam,” patanong ngunit masayang pahayag ni BB.

Pero masya daw talaga si BB para sa dalawa.

“Congratulations. I’m very happy. Wow! Really?”

Nakausap ng News5 si BB sa rehearsal ng stage play na Sayaw ng mga SENIORita, na magbubukas namamayang gabi sa Bulwagang Huseng Batute sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

LONG OVERDUE. Si Carmina ay ang dating asawa ni Rustom Padilla, na dating katauhan ni BB.

Nagpakasal sina Rustom at Carmina noong 1994, ngunit nagkahiwalay rin pagkatapos ng ilang taong pagsasama. Hindi sila nagkaroon ng anak.

Naging mag-partner naman sina Carmina at Zoren noong 1998, pero umabot muna ng 12 years ang kanilang pagsasama bago ang kasalan kagabi.

Mayroon silang kambal na anak—sina Maverick at Cassandra.

Ngayong 2012 lang kasi napawalang-bisa ang kasal nina Rustom at Carmina.

Sabi ni BB, “It has long been overdue. And kay Zoren, tama ‘yang ginawa mo.”

Naiintindihan naman daw ni BB kung bakit hindi siya naimbitahan sa kasalan, kahit na magkasama sila ni Zoren sa seryeng Enchanted Garden ng TV5.

Aniya, “Hindi na…that’s their private family affair. But I’m very very happy for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN