Ruffa Gutierrez on being a mom to her daughters: “Alam ko na yung feeling ni Annabelle Rama kay Ruffa Guttierez nung araw!"

Susunod din kaya sa yapak ni Ruffa Gutierrez ang mga anak niyang sina Lorin at Venice? Sagot ng actress-TV host, “As long as they are doing well in school, they have good grades, puwede silang mag-part time mag-acting, pagbigyan ang hilig nila.”


"Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga."

Akma marahil ang kasabihang ito para ilarawan ang mga anak ni Ruffa Guttierez na sina Lorin at Venice Bektas.

Sa ulat ng Ang Latest: Uplate ng TV5 noong Martes, November 13, isang proud mommy si Ruffa nang ikuwento niya kung ano ang hilig ng mga anak.

Kasama rin kaya dito ang pagpasok sa mundo ng showbiz?

Pahayag ni Ruffa, “Sabi nila, mas type daw nila maging singing teacher.

“Gusto nilang kumanta. At the same time, they like to become pre-school teacher.

“So, hindi ko alam kung mag-aartista sila nang full-time.

“As long as they are doing well in school, they have good grades, puwede silang mag-part time mag-acting, pagbigyan ang hilig nila.”

Dagdag pa ni Ruffa, suportado niya kung ano man ang gustong tahaking career ng kanyang dalawang anak.

Natatawa pa niyang kuwento na parang ang dating daw sa ngayon ay “stage mom na stage mom.”

“Alam ko na yung feeling ni Annabelle Rama kay Ruffa Guttierez nung araw!

“Ako naman, gusto ko talagang ipakita sa kanila, ‘You know, this is Mommy’s life. Mommy’s been working since she was 13.’

“And na-appreciate naman nila yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN