Actor-politician Alfred Vargas wants Andres Bonifacio to be recognized as National Hero of the Philippines

Gusto ni Alfred Vargas na kilalaning Pambansang Bayani ng Pilipinas si Andres Bonifacio. Aniya, “Kasama sa mga magiging legislative agenda ko, pag nandun na tayo, umuupo as representative, ay yung i-elevate yung status ni Andres Bonifacio at ipantay siya kay Jose Rizal para dalawa silang magkapantay sa taas. Kasi I think napakaganda nun para sa mga Pilipino na magkaroon ka ng Jose Rizal, meron ka pang Andres Bonifacio.”


Matindi ang paghanga ng actor-turned-politician na si Alfred Vargas sa kanyang iniidolong bayani ng Pilipinas na si Andres Bonifacio.

Kaya naman kung sakaling manalo siya bilang congressman ng District 5 ng Quezon City sa May 2013 elections ay isang petisyon ang ipapasa niya—ang gawing Pambansang Bayani ng Pilipinas si Andres Bonifacio.

Saad ni Alfred sa ipapasang petisyon, “Kasama sa mga magiging legislative agenda ko pag nandun na tayo, umuupo as representative, ay yung i-elevate yung status ni Andres Bonifacio at ipantay siya kay Jose Rizal para dalawa silang magkapantay sa taas.

"Kasi I think napakaganda nun para sa mga Pilipino na magkaroon ka ng Jose Rizal, meron ka pang Andres Bonifacio.”

Handa ba siya sa mga babatikos sa kanya at tututol sa gagawin niyang ito?

“Yeah, oo. I respect them and hindi naman maiaalis iyan. Ako naman personal conviction ko lang iyon na ipantay naman natin.”

NO OFFICIAL NATIONAL HERO. Sa ngayon ay si Jose Rizal ang kinikilalang "pambansang bayani ng Pilipinas," kahit na wala namang batas na nagdedeklarang siya nga ang natatanging pambansang bayani.

Nagsimulang kilalanin bilang pambansang bayani si Rizal nung 1960s sa mga paaralan sa bansa.

Kahit na maraming pagtatalo noon kung sino sa kanilang dalawa ni Andres Bonifacio ang dapat na bigyan ng titulong pambansang bayani.

Nung 1993 ay binuo ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Philippine National Heroes Committee (PNHC) na layuning gumawa ng pag-aaral at rekomendasyon kung sino sa mga bayaning Pilipino ang dapat na bigyan ng titulo bilang Pambansang Bayani.

Nung 1995 ay nagbigay ng kanilang listahan at rekomendasyon ang PNHC sa Department of Education, Culture, and Sports (DECS).

Siyam na bayaning Pilipino ang nasa listahan para bigyan ng titulong Pambansang Bayani ng Pilipinas. Kasama roon sina Rizal at Bonifacio.

Hanggang ngayon, hindi pa rin inaaktuhan ang rekomendasyon ng PNHC, kaya hanggang ngayon din ay wala pa ring opisyal na matatawag na Pambansang Bayani ang Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(source: Selection and Proclamation of National Heroes and Laws Honoring Filipino Historical Figures.)

SUPREMO. Dahil nga sa personal conviction ni Alfred tungkol kay Andres Bonifacio, naisipan din ng actor-politician na gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ng Pilipinong rebolusyunaryo, ang Supremo.

Si Alfred at ang kanyang kapatid na si PM Vargas ang producers ng pelikulang ito, sa pamamagitan ng kanilang Alternative Vision Cinema, katulong ang Strawdogs Studio Production.

Si Alfred ang gaganap bilang si Andres Bonifacio.

Ang Supremo ay sa ilalim ng direksyon ni Richard Somes.

Magkakaroon ito ng premiere night, na itinaon sa pagdiriwang ng Bonifacio Day sa Nobyembre 30, sa SM Fairview Cinema 5 at 6.

Mapapanood naman ito sa lahat ng SM Cinemas nationwide sa Disyembre 5.

Kasama rin ang pelikula sa Cinema One Originals for exhibition at sa Cinemanila 2012 for competition.

May nakuha ba siyang inspirasyon kay Bonifacio bilang isang lider sa pagpasok niya sa pulitika?

“Very much. Nung ginagawa ko itong role na ito, talagang mas na-inspire ako para mas ipaglaban yung karapatan ng mga mahihirap.

"Mas naging inspired ako na mas maging makabayan.

"Mas na-inspire ako na isipin kung ano yung mga solusyon na puwede nating gawin.”


READY FOR A HIGHER POSITION. Mas confident nga raw ngayon sa pagsabak sa mas mataas na posisyon sa pulitika si Alfred, na kasalukuyang councilor ng Quezon City.

“Masasabi ko talaga, reding-ready ako ngayon.

"E, kasi yung three years ko bilang councilor, pagkatapos nagma-masters pa ako sa UP Diliman ng Public Administration.

"’Tapos nandiyan pa si Mayor Herbert [Bautista], si Vice Mayor Joy [Belmonte] at saka si Speaker [Sonny] Belmonte, na nagga-guide sa akin. I think I’m very ready na.”

Itinuturing niyang mentors ang tatlong nabanggit na pulitiko ngayong tumatakbo siya sa ilalim ng Liberal Party (LP).

“Napakasuwerte ko, kasi sila yung nagtuturo sa akin kung paano talaga yung tamang pamamalakad and how to be a good leader,” ani Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong mga aspeto sa kanilang lungsod ang gusto niyang pagtuunan ng pansin kung sakaling manalo siyang congressman?

“Gusto kong tutukan yung trabaho, livelihood. ’Tapos pabahay, palupa and education. So, trabaho, pabahay, at edukasyon.”

SUPPORT FROM LOVED ONES. Bukod sa suporta ng kanyang manager na si Lolit Solis, malaking bagay rin para kay Alfred ang suportang nakukuha niya mula sa kanyang pamilya, lalo na sa asawang si Yasmine Espiritu.

“Very, very supportive. Alam mo yun? Pagdating sa lahat ng bagay sa bahay, siya na yung bahala.

"So, pag-uwi ko, uuwi na lang ako, kakain ako, maglalambingan kami ni Misis. ’Tapos kasama ko yung kids ko, nare-relax ako.

"After a very, very tiring day, pag-uwi ko sa bahay, maayos ang bahay, masarap ang pagkain.

"’Tapos ang ganda pa ni Wifey. Nakaka-inspire at saka ang sarap matulog, nakaka-relax.”

So far, wala siyang masasabing problema sa relationship?

“So far, wala. Hindi naman perfect, e. Pero yung ngayon, talagang we couldn’t ask for more. Kasi seeing my kids growing up e ang sarap.”

LESS TIME FOR SHOWBIZ? Ngayong mas mataas na posisyon na ang tatakbuhin niya sa eleksyon, hindi kaya mas lalong mabawasan ang oras niya para sa showbiz at sa kanyang pag-aartista?

“Well, of course, priority talaga is public service, ’tapos at saka family.

"Yung showbiz, tulad ngayon, parang one telenovela a year na lang ako. Talagang nasakripisyo ko talaga yung buhay-showbiz talaga.

"Kung meron man akong nasakripisyo, it’s me being an actor. Yun talaga yung binawasan ko ng oras.”

Pero walang pagsisisi sa kanya?

“Wala, wala. I’m very, very happy with my decisions. And I’m very happy kung nasaan ako ngayon.”

Nabawasan man daw ang panahon niya sa showbiz, posible naman daw na mas magkaroon siya ng oras bilang producer kaysa sa pagiging artista.

“Alam mo, feeling ko, kami ni PM [kapatid niya], maganda yung teamup namin bilang producers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung una naming prinodyus, Busong, e. Which garnered ang dami-daming acclaim… and awards worldwide.

"’Tapos nakasama pa siya sa Cannes [Film Festival]. Yun ang first project namin.

"Itong second, Supremo, feeling namin okey din siya.

"So, if this is okay, we have a lot of reasons to pursue a third project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN