Ogie Alcasid considers wife Regine Velasquez’s Silver concert a "miracle"; Kris Aquino promises to help mount Songbird’s free concert

Ito ang pahayag ni Ogie Alcasid tungkol sa misis niyang si Regine Velasquez: “I’m very proud of her. Itong buong araw na ito, grabe yung journey, talagang up-down. ’Itutuloy ko ba ito?’ Pero nangibabaw sa kanya yung pagmamahal niya sa fans niya at yung pagmamahal niya sa Panginoon. She knew very well that basta ibuka niya yung bibig niya at gabay niya ang Panginoon, kahit papa’no may lalabas na boses. And kita mo naman itong mga taong ito, aya


Pagmamalasakit kay Regine Velasquez ang naramdaman ng halos lahat ng nanood sa Silver concert niya na ginanap sa SM Mall of Asia Arena kagabi, November 16.

(CLICK HERE to read related story.)

Mahigit isang oras lang ang concert ni Regine at hindi na niya ito tinapos dahil sa hindi na nakayanan ng kanyang boses.

May ilan pang awiting hindi na kinanta ng Asia’s Songbird dahil alam niyang hindi na niya kakayanin ang matataas na nota ng gabing iyon.

OGIE ALCASID. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid sa backstage ng Arena matapos ang concert.

Itinuturing pa rin ni Ogie na "milagro" ang lahat dahil kahit papaano ay nagkaroon pa raw ng boses ang kanyang asawa.

Kuwento ng singer-songwriter, "Actually, buong linggo na siyang may sakit.

“Kasi yung anak namin, nagkasakit e nahawa-hawa na.

"And then everybody’s sick… kapatid niya may sakit.

“Kumbaga, marami nang may sakit ngayon, e, so naapektuhan.”

Dagdag pa ni Ogie, “Three days ago, parang nilalagnat na siya, so sabi ko, ‘Honey, ‘wag mo nang i-force.’

“So nung isang rehearsal, sinubukan lang niya, grabe yung boses niya, talagang ang taas, e! I’ve never heard it that high before.

“And then, kagabi [November 15], inalalayan niya, hanggang nung pag uwi niya, wala na.

“Sabi niya, ‘Honey, wala akong boses.’

“Sabi ko, ‘Anong gusto mo?’

“Sabi niya, ‘Hindi, bukas lalabas ito.’

"Iba talaga yung fighting spirit, e. Bukas, lalabas ito.’

“Paggising niya, wala na, so I called our doctor, yung aming OB, si Lilybeth… OB talaga?” natatawa niyang sabi.

“Then, ipinakilala niya kami kay Dr. Melfred Hernandez… so he took care of her.

"Binigyan siya ng steroids this morning. And then binigyan siya ulit nung 6 o’clock, and then ngayon ulit.”

PROUD OF REGINE. Naawa raw si Ogie sa kanyang asawa, pero napabilib naman siya dahil nakita niya ang commitment nito sa mga supporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw ikansela ni Regine ang concert dahil baka madismaya ang mga nag-abang dito.

“I’m very proud of her,” sambit ni Ogie.

“Itong buong araw na ito, grabe yung journey, talagang up-down. ’Itutuloy ko ba ito?’

"Pero nangibabaw sa kanya yung pagmamahal niya sa fans niya at yung pagmamahal niya sa Panginoon.

“She knew very well that basta ibuka niya yung bibig niya at gabay niya ang Panginoon, kahit papa’no may lalabas na boses.

“And kita mo naman itong mga taong ito, ayaw umuwi!” natatawa niyang sabi tungkol sa libu-libong mga tao na nagpunta sa Arena.

“Normally, sa mga ganyang pagkakataon, nag-boo na yung mga tao—but, iba.

“That’s why the miracle really is that they’re here, they don’t wanna leave.”

Nagulat na lang daw si Ogie nang biglang nag-commit si Regine sa mga tao na kailangan niyang mag-repeat concert nang free para sa mga taong hindi umalis.

Dahil dito ay lalong pinuri at pinalakpakan ng mga tao si Regine sa pagiging totoo nito.

Saad ni Ogie, “Hindi ko alam, sa kanya lang nanggaling yun... lahat ng mga nangyari ngayong gabi.

“Wala kaming alam, talagang siya na bahala.

“Pati itong pagtuntong ni Vice [Ganda] sa entablado, kay Anton Diva, hindi… siya na lang ‘yan.

“Ganun naman ang asawa ko, talagang she has presence of mind, and totoong-totoong tao, kaya siya mahal na mahal.

“Kasi walang pakundangan, e. Wala siyang boses, ano’ng gagawin niya ano’ng gagawin mo?”

Pagkatapos ng concert, tumuloy si Regine sa dressing room, at hindi na ito nagpaunlak ng interview dahil umiyak na lang daw ito nang umiyak sa loob ng kuwarto.



KRIS AQUINO. Isa sa mga malapit na kaibigan ni Regine na all-out ang suporta sa kanya at nanonood ng concert kagabi ay si Kris Aquino.

Hindi rin daw napigilang umiyak ni Kris dahil ramdam daw niya ang sakit na naramdaman ng Songbird.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris sa PEP, “Super damang-dama ko yung pain na feel niya.

“Reginean forever, so parang siguro kasi, as a performer, in a somebody na madalas din nawalan ng boses, I really know what it feels like.

“And lalo na nung tinawag niya si Mang Gerry, tinawag niya si Nate, parang from beginning to end…

“Ito nga [sabay turo kay Vice Ganda], nagagalit na sa akin, na sabi niya, wala daw akong ginawa kundi umiyak at suminga.

“E, siyempre, bawat iyak ni Regine, cry din ako talaga.

“Kasi I know what a perfectionist she is, so alam ko na ginusto niya talaga to give everybody a beautiful show.

“And alam ko na, she herself, siguro masakit talaga ito na hindi niya naibigay ang lahat.

“Pero yun nga yung ano… kung kailangan mamuhunan para tulungan siya i-mount yung free show, go Regine!”

Sa isang bahagi ng concert ay nagbiro si Regine na ibebenta na lang niya kay Kris ang nahulog na hikaw niya noong gabing iyon para pandagdag sa gagastusin sa free concert niya.

O di kaya ay uutang na lang daw muna siya kay Kris.

Handa bang tumulong si Kris para mabuo ang free concert na ipinangako ni Regine?

“Of course, akin yung hikaw, okay!” natatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN