Celebrity transsexual Justine Ferrer replaces BB Gandanghari in the stage play Sayaw Ng Mga SENIORrita

Sa susunod na taon ay nakalinya na sa Magpakailanman ang istorya ng buhay ni Justine Ferrer. “Puno ng drama ang buhay ko, and it’s time that I share a part of my life sa maraming tao. Gusto kong maintindihan nila ang mga pinagdaraanan naming mga gays. Itong buhay naming ito, hindi ito madali. Yung acceptance ng mga tao sa paligid namin ang importante,” saad ni Justine.


Ang celebrity transsexual at Survivor Philippines Palau castaway na si Justine Ferrer ang papalit kay BB Gandanghari.

Ito ay para sa role ng homecoming queen at socialite na si Raquel Villasor, sa dramatic-comedy play ni Jose Javier Reyes na Sayaw Ng Mga SENIORrita.

Kasama sa cast ng naturang play sina Soxie Topacio, Joel Lamangan, Manny Castaneda, at Arnell Ignacio.

Nagbukas ang play noong November 16 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at itutuloy ito sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Si BB ang lumabas bilang Raquel sa opening night ng play, pero lilipad nga raw ito for New York kaya hindi na nito maitutuloy pa ang paglabas sa play.

Sa kuwento ni Justine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via the social networking site Facebook, may nag-recommend daw sa kanya sa direktor ng Sayaw Ng Mga SENIORita na si Jun Pablo.

“I was asked to have a go-see with the director, Jun Pablo.

“So, I went there and watched the rehearsal with all the cast. And after, the director Jun Pablo talked with me and asked if I can memorize the script in less than two weeks.

“I said yes, I can do it.

“And he also asked about my theatre background, which I have before. And maybe with all that, he was convinced that I can do the role.”

Pinabalik the next day si Justine para mas ma-familiarize siya sa kanyang role.

“I started my rehearsals na. Noong opening night, si BB ang lumabas pa.

“I will start appearing sa AFP Theatre on November 23 and 24 at sa December 1.

“Puspusan ang rehearsal ko kasi ayokong mapahiya.

“It’s an honor to take the place of BB Gandanghari. Maganda ang role ng Raquel.

“She’s a homecoming queen and socialite. Marami akong kailangang pag-aralan na mga movements sa stage para convincing ako na kapalit ni BB.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAKING CARE OF FIANCÉ. Bago dumating ang play kay Justine, inaasikaso niya ang pag-alaga sa kanyang fiancé na si Richard Lyle, na inoperahan last July dahil sa cancer nito sa kidney.

Four months after ng operation ay maayos naman daw ang kalagayan ng kanyang 65-year-old fiancé.

“He’s getting better every day.

“Since naoperahan siya, akala ko manghihina na siya. Kasi nga he’s already in his 60’s. Pero nakikita ko na he’s fighting it. Ayaw niyang maging alagain din siya.

“Ako na ang nagsasabi minsan na huwag siyang masyadong magpagod kasi ayoko siyang makaramdam ng anumang sakit.

“But he’s responding very well sa mga gamot na bigay sa kanya. May monthly check-up naman siya at sinasamahan ko siya parati.

“Now, he’s stronger now. But I always remind him to take things easy.

“Huwag siyang ma-stress sa akin, lalo na kung minsan ay pinapagalitan ko siya dahil makulit siya. Gusto ko lang na maayos at magaling siya parati.”

Full support nga raw si Ric sa kanyang pagsabak sa teatro via Sayaw Ng Mga SENIORita.

Manonood pa raw ito sa kanyang theatre debut sa AFP Theater.

“Gusto niyang manood, e. Papalakpak daw siya!” masayang sabi ni Justine.

“When I told him that I got this role in a theatre production, he was so proud of me.

“He knows that it’s one of my passions to act. Pero wala naman akong nagagawang mga projects na magpapakitang umaarte ako.

“Though I did one indie film [Pulupot], hindi naman nasundan iyon.

“Ngayon, theatre naman ang susubukan ko and I have my fiancé’s full support.”

Tungkol naman sa matagal na nilang plano ni Ric na magpakasal, on-hold pa muna ito hangga’t hindi pa totally nakaka-recover ang kanyang fiancé.

“I am not stressing myself over getting married. My main concern is the health of Ric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko rin na ma-stress si Ric over that. Ang importante ngayon ay magkasama kami and I am attending to his daily needs.”

SHARING HER LIFE. Next year ay naka-line-up naman ang life story ni Justine para sa drama anthology na Magpakailanman.

Marami ngang hindi pa nakakaalam ng tunay na buhay nI Justine—kung paano siya naging isang transsexual at ang naging buhay niya bago siya maging Justine Ferrer.

“Puno ng drama ang buhay ko and it’s time that I share a part of my life sa maraming tao.

“Gusto kong maintindihan nila ang mga pinagdaraanan naming mga gays. Itong buhay naming ito, hindi ito madali.

“Yung acceptance ng mga tao sa paligid namin ang importante.”

CONGRATS TO FELLOW “KONTESERA.” Nagpaabot nga ng kanyang congratulations si Justine sa nanalong transpinay (transsexual na Pinay) sa Miss International Queen 2012 na si Kevin Balot.

Magkakilala sina Justine at Kevin dahil nagkakasama raw sila noon pa sa gay beauty contests.

“Sister ko ‘yang si Kevin. Pareho kaming kontesera.

“I am proud na siya ang nanalo sa napakalaking pageant na iyon that is open to transsexuals sa buong mundo.

“Kung type kong sumali? Why not, di ba? Kung qualified pa ba ako at kung paghahandaan ko siya.

“In fairness, noon ko pa rin dream to join a big pageant like Miss International Queen. Medyo na-sidetrack tayo dahil pinasok natin ang entertainment business.

“But who knows? Baka i-dare ko ang sarili ko. Bahala na kung ano ang mangyari.”

TAKING CARE OF “SISTERS.” Bukod sa play ay abala rin si Justine sa construction ng kanyang pinapatayong bahay sa Caloocan City.

May mga projects din siyang inaasikaso para sa organization na Ganda Filipinas.

“Yung house, matagal na naming project ni Ric. Kelan lang namin nasimulan.

"Siguro five months pa bago matapos pero tutok ako sa construction. As in, every day pumupunta ako para matingnan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In regards naman sa Ganda Filipinas, bago pa lang naman kami at inaayos pa namin ang lahat. But the organization is busy na with a few activities.

“Pero may mga gusto nang maki-partner sa amin for certain projects, lalo na kung para sa mga tulad naming mga transsexuals.

“Mga kapatid muna bago ang iba, di ba?” pagtatapos pa ni Justine Ferrer.

Inaanyayahan ang lahat na manood ng Ang Sayaw ng mga SENIORita sa AFP Theatre, sa loob ng Camp Aguinaldo sa Cubao, Quezon City.


Palabas ang dance musical na isinulat ni Jose Javier Reyes at idinirek ni Jun Pablo sa November 23 at 24 at sa December 1.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN