Nikki Gil’s trust in boyfriend Billy Crawford: “We trust each other so much na hindi na kailangang binabantayan nang matindi yung isa’t isa.”

Kahit na hindi sila madalas magkita ng boyfriend niyang si Billy Crawford, buo raw ang tiwala ni Nikki Gil dito: “Parang we’ve been in the relationship for so long, parang lumagpas na kami sa stage na bawat kibot, inform mo yung tao kung ano’ng ginagawa mo. Nandun kami sa stage na it’s ok if we don’t see each other every day. We know that we’re fine, that our relationship is ok, that we love each other.”


Inamin ni Nikki Gil na hindi sila gaanong nagkikita ng boyfriend niyang si Billy Crawford dala ng sobrang hectic ng kani-kanilang mga schedule.

Sinabi ito ng TV host-actress sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nakaraang opening ng Uniqlo store sa SM The Block nung Huwebes, November 15.

Agad naming tinanong si Nikki kung hindi ba siya nag-aalalang baka manlamig sila sa isa’t isa dahil sa hindi nga sila madalas magkita ni Billy.

Mabilis na sagot ni Nikki, “Mabuti naman kami, medyo hindi lang nagkikita masyado.

“Hindi nagkakatugma ang sked namin, nagte-text or tawagan lang kami, ganun kaagad?

“Hindi, parang we’ve been in the relationship for so long, parang lumagpas na kami sa stage na bawat kibot, inform mo yung tao kung ano’ng ginagawa mo.

“Nandun kami sa stage na it’s ok if we don’t see each other every day.

“We know that we’re fine, that our relationship is ok, that we love each other’.”

Pero handa ba si Nikki na maintrigang nagkakalabuan na sila ni Billy dahil nga hindi sila madalas makitang magkasama? Lalo pa ngayong usung-uso ang hiwalayan sa showbiz.

“Ay, naku hindi," matatag niyang sagot.

"We reached that level in our relationship that we’re comfortable. ‘Tapos ang tagal na namin.

“We trust each other so much na hindi na kailangang binabantayan nang matindi yung isa’t isa.”

Ang laki ng ipinayat ngayon ni Billy, na bumagay naman talaga rito.

“Nakaka-sad nga. Kasi gym ako nang gym, walang pumapansin na naka-lose na ako ng ilang pounds. Dine-deadma nila. Si Billy lang. Naka-seven pounds na ako, deadma lang,” pabirong nagtatampo na pahayag ni Nikki.

Hindi ba siya nag-aalala na baka may magpapansin kay Billy at magtangkang agawin ito sa kanya?

“E, di habulin nila, kung gusto nila. Bahala sila.

“Me, selosa? Hindi, ah! Actually, nakakatuwa. You see people are appreciating your choice and they like him too. Oo naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta nakabantay lang ako diyan, naka-watch lang ako diyan,” paniniguro naman ng 25-year-old na MYX VJ.

ACTING PROJECTS. Tumatak ang kontrabida role ni Nikki sa seryeng Mundo Man Ay Magunaw.

Masayang ibinalita niya na kabilang siya sa isang sisimulang serye sa Kapamilya network, pero sa pilot episode lang siya mapapanood.

“Kasalukuyan akong nagte-taping for the pilot episode of a soap," kuwento ni Nikki.

"Masa-sight na lang siguro yun, bilang hindi ko naman ito show. I just finished taping for that.

“I’m also going to be part of a musical na ii-stage on February. It’s called They’re Playing Our Song sa RCBC [theater in Makati].

“Surprise yung serye, basta sa pilot episode siya.

"Alam naman natin na maraming kapamilya natin ang tumututok sa lahat ng teleserye ng Kapamilya network. So, abangan na lang nila.

“Naisip ko lang, I guess I must be doing something right.

“Nakakataba ng puso na naa-appreciate yung efforts ko sa Mundo Man Ay Magunaw.

“Lately ko lang talaga na-realize na mahal ko pala ang acting.

“So, to have been given this chance, kahit pilot episode lang, sobrang in-embrace ko siya.”

ON PLAYING KONTRABIDA AND BIDA. Sa kabila ng mahusay na performance na naipapakita bilang kontrabida, ine-enjoy rin ni Nikki ang pagganap bilang isang bida sa isang nalalapit nang ipalabas na proyekto.

Hindi pa raw puwedeng sabihin ang titulo ng proyekto at magsabi ng detalye tungkol dito, ngunit bida siya rito.

“Alam mo, magkaibang klaseng energy yung nakukuha ng pagiging kontrabida at pagiging protagonist.

“Magkaiba ng level of intensity na ibinibigay, magkaiba ng requirements.

“And given that, magkaiba rin ang level ng satisfaction.

“Iba rin yung joy na nagmamaldita ka sa eksena pero iba rin yung ikaw ang minamalditahan.

“Magkaiba ang experiences and both are beautiful to me,” saad pa ni Nikki.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN