Enchong Dee on Julia Montes: “Okay kami, sobrang okay kami. Gusto ko lang sabihin na I’m happy.”

“Si Julia pa ang nag-surprise sa birthday ko sa L.A., hindi ko alam na kuwarto niya pala yun, tapos pagpasok ko, nandun na yung mga tao. Alam niya favorite ko, spicy wings, tapos ang daming hot sauce, tapos siyempre birthday cake. Ang design ng cake, isda, kasi mahilig akong mag-swim,” kuwento ni Enchong Dee tungkol sa surprise birthday party na inihanda para sa kanya ni Julia Montes.


Ikinakabit ni Enchong Dee sa promo ng lalabas na pelikula nila ni Julia Montes ang paglabas ng balitang break na sila.

Dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lumabas ang report na nag-break na sina Enchong at Julia. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ng Kapamilya young actor, “Nakakakatawa kasi ayan na naman, pareho na naman ang sinasabi nila.

“Nakakatawa kasi kung kailan tahimik…

“Siguro alam din kasi nila na magpo-promo kami ng The Strangers. Parang ano ba yun, idinidikit pa?"

Ang The Strangers ay entry sa 2012 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Patuloy ni Enchong, “Siguro, ako, ang masasabi ko lang, sana maging maganda ang turnout ng pelikula.

“Pero sana hindi basehan ang personal na buhay kasi maayos talaga kami.

“Okay kami, sobrang okay kami. Gusto ko lang sabihin na I’m happy.”

Nakausap ng Cinema News si Enchong sa ASAP 2012 noong isang Linggo, November 11.

Ikinuwento rin ni Enchong na si Julia pa ang naghanda para sa kanyang 24th birthday celebration noong November 5 sa Los Angeles.

“Si Julia pa ang nag-surprise sa birthday ko sa L.A., hindi ko alam na kuwarto niya pala yun, tapos pagpasok ko, nandun na yung mga tao.

“Alam niya favorite ko, spicy wings, tapos ang daming hot sauce, tapos siyempre birthday cake.

“Ang design ng cake, isda, kasi mahilig akong mag-swim.”

Sa pahayag na ito ni Enchong, ibig bang sabihin ay sila talaga ni Julia?

Bago kasi lumabas ang report ng PEP tungkol sa breakup nila ay wala naman silang ginawang pag-amin na sila nga.

Sagot niya, “Same pa rin, yun nga lang, nagkataon na tapos na kami sa The Strangers.

“Nasa Europe siya, tapos mag-shoot siya ng movie niya with Coco [Martin], hindi na naman kami ulit nagkikita.

“But we’re okay, we’re doing good.”

[Sa panig ng PEP, hindi namin binabawi ang artikulong "PEP SCOOP: Julia Montes and Enchong Dee break up," na lumabas noong November 10. Sa kadahilanang galing ito sa isang matagal nang pinagkakatiwalaang source ng PEP. Kung may ibang pagkakaintindi si Enchong sa relasyon nila ni Julia, kung totoong mabuti pa rin ang samahan nila, o kung nanumbalik ang pagmamahalan nila, masaya kami para kay Enchong.—Mga patnugot]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INA KAPATID ANAK. Samantala, kasama si Enchong sa primetime series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak, kunsaan gumaganap siya sa papel na Ethan.

Nagpapasalamat ang young actor sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa kanilang teleserye.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat kasi yung tao, kahit nagbago ng timeslot, hindi nila kami binitawan.

“Dahil alam namin na maraming nanonood, mas aayusin namin bawat isa.

“May pressure, di mawawala yun. Yung expectations, nasa tao naman yun.”

Tila kinakagat din ang tambalan nina Enchong at Maja Salvador, sa kabila ng wala namang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila.

Saad ni Enchong, “Siguro masuwerte lang din kas,i beyond that loveteam, may friendship din kasi talaga.

“Mas magandang compliment sa amin yun na nakikita sa amin ang Margaux-Ethan more than Maja-Enchong.

“Thankful ako na hindi na basehan ng isang TV rating or isang successful loveteam ang personal na buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN