Lani Misalucha answers cosmetic-surgery issue: "Who doesn’t wanna look good?"

Marami nang kumakalat na espekulasyon tungkol sa pagbabago sa hitsura ni Lani Misalucha. Kaya naman sa isang panayam ay sinagot na niya ito. Sabi ni Lani, “I had it done in Las Vegas. It’s not a surgery or anything. There’s this technology na ini-inject lang, so I had something injected here, it’s not silicon or anything. That’s why nadagdagan yung bridge ko.”


Nandito muli ngayon sa Pilipinas ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha.

Kabilang sa mga pagkakaabalahan ni Lani habang nasa bansa siya ay ang nalalapit niyang concert at audition para sa bagong singing search ng TV5 na Kanta Pilipinas.

Isa si Lani sa magiging judge ng show na ito ng Kapatid network, kasama sina Rico Blanco at Ryan Cayabyab.

Kuwento ng Asia’s Nightingale sa Ang Latest: Uplate noong November 15, “Alam mo, ang nakakatuwa sa talent show na ‘to, dito ko nakita yung iba-iba na talent.

“I’m just really happy to be part of Kanta Pilipinas.

“While doing the taping, I am just happy for all the participants, iba-iba yung makikita mo.

“I’m just really excited na pag lumabas na ‘to, na makita ng buong Pilipinas ang contest na ‘to.”

Bago ito ay nag-guest judge muna si Lani sa Talentadong Pinoy ng TV5 at nag-guest din siya sa anniversary concert ni Regine Velasquez na Silver noong Biyernes, November 16.

SALAMAT PO, DOKTOR? Nilinaw rin ni Lani sa panayam ang matagal nang usap-usapan na nagparetoke raw siya sa Amerika kaya medyo nag-iba ang kanyang hitsura.

Sabi niya, “I just did my teeth, and then people thought I already did my nose and had this done.

“I’m starting with my teeth because it is necessary for us kasi lagi namang nakikita ’yan sa TV.

“People are starting to have speculations.”

Tungkol naman sa kanyang ilong, inamin ni Lani na may nabago nga rito.

Kuwento niya, “I had it done in Las Vegas. It’s not a surgery or anything.

“There’s this technology na ini-inject lang so I had something injected here, it’s not silicon or anything. That’s why nadagdagan yung bridge ko.”

Naniniwala si Lani na bahagi ng kanyang trabaho bilang isang performer na maging presentable sa likod o harap man ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “It is not for anything else, but I really want to feel more comfortable in front of the camera.

“And, of course, who doesn’t wanna look good?”



STEM CELL. Sa huli, nagbiro si Lani na gusto niyang subukan ang malaganap na ngayong science innovation na stem cell therapy.

Pahayag niya, “You know what, I’m so intrigued with the stem cell.

“If this is going to make us look better, why not?

“I’d go for that, especially if it’s free!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN