Bianca King on passionate kissing scenes of boyfriend Dennis Trillo in Temptation of Wife: "It’s nothing. It’s just acting."

Para kay Bianca King, hindi basehan ang pagiging isang artista ng karelasyon upang maging masaya siya. Saad ng aktres, “Ako, I don’t judge a person for that matter. Kahit sinong taong makilala ko, kahit wala akong personal relationship sa kanila, ang gusto ko lang at nakakapag-attract sa akin sa isang tao para kausapin ay yung kabutihan nila. So, kahit sabihin mo pang person on the street lang yun o nakakatrabaho or a person I decide to be romantically involved with,


Bukod-tanging si Bianca King ang dumating sa cast ng Sossy Problems sa press conference na ipinatawag ng pamunuan ng 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF), sa Annabel’s restaurant noong, November 12.

Ang Sossy Problems ang official entry ng GMA Films sa taunang pista ng mga pelikulang Pilipino.

PARIS VACATION. Pero bago sumabak sa shooting ng kanilang filmfest entry si Bianca, nakapagbakasyon muna siya sa Paris.

Kasama niyang nagpunta doon ang mga kaibigang sina Isabelle Daza at ang magkapatid na Michelle at Ehra Madrigal.

Kumusta naman ang Paris trip nila?

“Masaya naman,” sambit ng Kapuso actress.

“Magandang bonding yun para sa aming apat na babae.

“Nag-alagaan kami. We cook for each other. We wash the dishes for each other. Yung ganun.

“Magandang bonding talaga siya for girls.”

Walong araw daw sila sa Paris, at doon na rin nila ipinagdiwang ang birthday ni Michelle noong November 4.

Kuwento niya, “Kumain lang kami sa isang mamahaling restaurant.

“Pero in euro, hindi pa siya yung pinakamahal. Pero kapag converted sa peso, mahal.

“At saka, birthday niya naman.

“At hindi rin kami nag-shopping masyado. Ako, mabibilang mo lang sa isang kamay yung puwede kong suotin.

“Hindi ako nag-shopping talaga. More on pasyal talaga.

“Lakad lang kami nang lakad.”

May pasalubong ba siyang binili para sa boyfriend niyang si Dennis Trillo?

“Meron naman, of course,” sagot ni Bianca.



DENNIS’S KISSING SCENES. Tinanong din ng PEP si Bianca kung na-shock ba siya sa mga kissing scenes ni Dennis at ni Glaiza de Castro sa primetime series na Temptation of Wife.

“Of course not!” natawa ngunit mabilis na sagot ng Kapuso actress.

Walang shock factor?

“Siyempre, film student, tapos nagdidirek din ako ng artista sa kissing scene.

“Ako, ang palaging tinitingnan ko talaga, yung the technical aspect.”

Sabi pa niya sa mga daring scenes ni Dennis, “Lahat naman ng mga works niya, napanood ko, pati yung before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s nothing. It’s just acting.”

Bigla namang natawa si Bianca bilang pag-iwas na rin niya nang madako na kay Dennis ang mga tanong.

“Hindi ko po talaga pinag-uusapan.”

May plano na ba sila sa darating na Pasko?

“Well, meron po kaming mga respective movie,” pagtukoy ni Bianca sa MMFF entries nila ni Dennis.

Kung si Bianca ay nasa Sossy Problems, si Dennis naman ay kasali sa isang episode ng Shake Rattle & Roll XIV.

Patuloy niya, “Aalis po sana ako papuntang Canada to see my parents. Pero, nag-decide ako na ‘wag muna. Maybe early next year.

“Maghihintay lang ako kung ano ang schedule ng susunod kong show para makapagpaalam ako.

“Plano ko, February ako umalis kasi birthday ng mom ko yun, February 17.”

KEEPING IT PRIVATE. Isa kayang dahilan kung bakit nagwu-work ang relasyon nila ni Dennis ay dahil hindi nila ito masyadong pinag-uusapan sa publiko?

Wala rin kasing masyadong isyu sa kanilang dalawa.

Sabi ni Bianca, “Hindi ko po alam kasi, para sa akin, parang may tamang oras para pag-usapan yung mga personal na bagay.

“Kailangan napapanahon siyang talaga.

“Para ako, kapag may opportunity na kailangang pag-usapan ang movie o show na puwede mong i-promote, kukunin ko na ang oras na yun.

“Kasi, paano ko pa mae-explain sa press at sa mga fans na meron akong ganitong klase ng project at sana mapanood n’yo. Yung ganun...”

Kailan kaya ang tamang panahon upang pag-usapan ito?

Sagot ni Bianca, “Malalaman ko na lang yun, e.

“At saka, kapag dumating ang tamang time na yun, siyempre, gusto ko rin na maipamahagi sa mga tagasubaybay ko.

“Darating din ang time na magugustuhan ko rin i-share sa kanila yung mga personal experience ko.

"Baka mamaya magka-memoir ako, di ba? May book ako about my life, autobiography. Yun ang maganda.”

Masasabi ba niyang masaya sila ni Dennis at mas okay pala na artista rin ang karelasyon niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, I don’t judge a person for that matter.

“Kahit sinong taong makilala ko, kahit wala akong personal relationship sa kanila, ang gusto ko lang at nakakapag-attract sa akin sa isang tao para kausapin ay yung kabutihan nila.

“So, kahit sabihin mo pang person on the street lang yun o nakakatrabaho or a person I decide to be romantically involved with, dahil lang yun sa pagkatao niya.”

Marami siguro silang mga similarities din ni Dennis na nakakapagpatibay ng relasyon nila?

Ayon kay Bianca, “Very hard to point one thing, sobrang hirap po.”

Sa mga nangyayari sa kanya ngayon, masasabi ba niyang masaya siya sa lahat?

“Dapat every day, happy tayo. Ang pangit namang sabihin na malungkot ka.

“Dapat every day, be grateful for what you have.

“Pero siyempre, marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko.

“Kasama na ang personal relationship, family life, career…

“Marami pa akong gustong gawin at meron pa akong obligasyon na gustong i-fulfill.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN