Lorna Tolentino on falling in love again: “Kabilin-bilinan ni Daboy sa akin, ’Huwag kang kukuha ng kasing-edad ng mga anak mo.’”

Marami raw dapat ikunsidera ang aktres na si Lorna Tolentino kung sakaling iibig siyang muli. Saad niya, "Hindi ka naman makakahanap ng single na ganitong age. Ano ba naman yun? Parang magdududa ka. Kung makahanap ka man, foreigner. E, bakit naman? Ang hirap, mag-a-adjust pa kayo ng kultura n’yo."


Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang first taping day ni Lorna Tolentino para sa primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali, noong Biyernes, November 16.

Ginanap ang taping sa opisina ng LRT2 sa Santolan, Pasig,

Ang Pahiram Ng Sandali ang unang proyekto ni Lorna sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network.

Dapat sana ay ang na-shelve na Haram ang gagawin ni LT (palayaw ng aktres), kasama ang karamihan ng cast ng Pahiram Ng Sandali.

Ayon kay LT, “Yung Haram kasi, noong nabasa ko ang script, maganda, educational.”

Na-disappoint ba siya na hindi iyon natuloy?

“Lahat naman kami,” sagot niya.

“Kasi nga, something new, different.

“E, ang daming Mano Po 1, 2, and 3, tradisyon ng Chinese.

“So, parang it’s about time naman na Muslim.

“E, wala. Medyo sensitive pa ang isyu.

“Ngayon, nakatono ako as a mother dun, ako ang nagtuturo sa anak ko. Ipatindi sa kanya more on religion. E, biglang nagkagulo.

“Noong binasa ko ang Pahiram...oh, goodness, biglang nakatono ako sa isang ina na teacher, biglang sexy ito!” natawa na lang niyang sabi.

Pareho raw siyang may love scene dito kina Christopher de Leon at Dingdong Dantes.

“Pero with Direk Maryo J, wala kang dapat ipag-alala.

“Ang ipinag-aalala ko lang, yung katawan ko. Uubra pa ba, di ba?” biro ng 50-year-old actress.

May nagawa na raw pelikula noon si Lorna na mas bata sa kanya ang kapareha niya—si Aga Muhlach. Ito ay ang Bayarang Puso noong 1996.

Ngayon daw, kay Dingdong, natatawang sabi niya na parang “May-December love affair” sila.

Pero marami naman ang nagsasabi na mahirap humanap ng magiging anak ni Lorna sa mga TV projects dahil bata pa rin siyang tingnan.

“Thank you,” nakangiting sabi ng aktres.

“Maaga lang akong nag-asawa. E, ngayon, yung mga 25 years old natin, wala pang asawa.

“Mukha lang... nakaka-get-away pa [ako] with roles like this.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAX IN, KYLIE OUT. Dapat sana ay si Kylie Padilla ang gaganap na anak ni Lorna sa Pahiram Ng Sandali.

Pero ilang araw bago masimula ang taping nila ay nag-backout si Kylie at pinalitan siya ni Max Collins.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang naging reaksiyon ni LT sa pagba-backout ni Kylie?

“Well, it’s a good break for somebody.

“Yung talagang gustong magkaroon ng challenge. Yung sawa na dun sa straight na roles. At sweet na role na medyo mas mature na role na yung gusto mong tahakin.

“Nasa stage ng pagiging artista mo rin.

“Magkaroon ng konting kissing scene, levelling din yun.

“Kung hindi pa siya ready at hindi pa niya nagagawa ‘to, tapos meron pa siyang religious belief na prinsipyo nila na hindi ka puwedeng magkamali, kailangan sundin mo.

"Or else, mahihirapan ka.”

Unang beses naman daw niyang nakilala si Max nang magkaroon sila ng pictorial at plug shoot.

Kuwento ng award-winning actress, “Nag-pictorial na kami, nagkaroon na kami ng plug shoot.

“Okay naman siya. At haping-hapi nga siya.

“It’s really a break. It’s a good break.

“Ikinukuwento nga niya, noong malaman niya, iyak daw siya nang iyak sa tuwa.”

Dugtong pa ni Lorna, “Ang galing niya.

"Seven years na pala siya sa business, so okay na. At least, nabigyan siya ng break.

“Happy rin naman si Kylie. Nabasa ko sa tweet niya.

“Happy si Kylie for Max to be given this role.”



FIRST TIME WITH DINGDONG. Ang Pahiram Ng Sandali rin ang unang beses na makakatrabaho ni Lorna si Dingdong.

Kuwento niya, “Si Rudy [Fernandez, Lorna’s late husband] ang nakasama na niya—sa Atlantika [2006-2007].

“Nagkasama kami sa plug shoot na, okay naman.

“Pero sa eksena, ngayon pa lang kami magkaka-eksena.”

Hindi naman niya nakitang ilang pa si Dingdong sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, okay lang naman sa role namin yun. Kasi, parang yung eksena, parang naiilang kami nang konti.

“So, okay lang. Ginagamit na namin, pero wala, wala.”

Pero mai-in love ba si Dingdong sa kanya sa Pahiram Ng Sandali?

“Hindi ko mawari kasi, pahiram nga... pahiram ng sandali.”



WALANG KAPALIT. Apat na taon na ang nakalilipas mula nang namayapa ang mister ni Lorna na si Rudy Fernandez.

Sa loob ng apat na taon na yun ay hindi pa rin napapalitan sa buhay o sa puso niya ang asawa.

Hindi ba talaga siya nag-e-entertain ng manliligaw?

“Okay lang... may mga nagpaparamdam, pero alam naman nila talagang hindi uubra.

“Titingnan nila, itse-check nila.”

Isinasaalang-alang lang ba niya ang magiging damdamin ng mga anak niya kung sakali at makikipagrelasyon siyang muli?

Sagot ni Lorna, “Desisyon ko na lang din yun.

“Parang happy naman ako ngayon na walang iniisip.

“At saka, iba naman yung… kasi, simula nang magka-apo ako, ibang joy naman ang ina-add nun sa puso ko.”

Layla Victoria ang pangalan ng apo ni Lorna sa panganay niyang anak na si Raphael. Tori raw ang palayaw nila rito.

Sarado na ba ang puso niya sa pagkakaroon ng bagong karelasyon?

“Hindi naman, pero alam n’yo, depende siguro ‘yan kung ang edad mo, e, bata ka pa, why not?

“Ngayon, parang… okay lang yun.”

Nabanggit namin kay LT ang pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla, na kagaya niya ay biyuda na rin at masaya namang nag-iisa.

Sabi naman ni LT, “E, kasi nga, nandoon din siya sa first birthday ni Tori.

"Sabi niya, ‘Buti ka pa, may apo na.’

“Sabi ko naman, ‘E, bata pa naman.’

“Tapos sabi niya, ‘Hindi na sila bata. Puwede na.’

“Alam n’yo, pagdating ng ganitong age, may mga hormonal imbalance ka na. Aalagaan mo naman ang sarili mo.

“Parang kapag humanap ka, ilang taon, siguradong may ibang anak na rin yun. Kung diborsiyado or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, hindi ka naman makakahanap ng single na ganitong age.

“Ano ba naman yun? Parang magdududa ka.

“Kung makahanap ka man, foreigner. E, bakit naman? Ang hirap, mag-a-adjust pa kayo ng kultura n’yo.

“Okay na. Maligaya ka naman. Bakit ka pa mag-iisip?

“Okay naman ako, nag-eensayo.

“Nagsu-Zumba-Zumba kaming magkakaibigan, nagdyi-gym, o kaya nagyo-yoga.

“Ang iisipin mo muna talaga, yung sarili mo. Self-enrichment. Hindi yung mag-aalaga ka pa.

“If ever, hindi naman puwedeng bata ang kukuhanin mo.

“Kabilin-bilinan ni Daboy sa akin, ’Huwag kang kukuha ng kasing-edad ng mga anak mo.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN