Rufa Mae Quinto torn between Boy2 Quizon and Ahron Villena?: “Wala akong dapat piliin—wala muna.”

Kung papipiliin si Rufa Mae Quinto between career and lovelife, sigurado siya na trabaho muna. Sabi niya, “At saka sa ngayon nga, gusto ko single muna ako. E, busy pa kasi sa career, e. Ang daming trabaho, di ba? So, work-galore muna!”


Nagwagi si Rufa Mae Quinto bilang Best Comedy Actress sa 26th PMPC Star Awards for TV, at ka-tie si Pokwang para naman sa Toda Max.

Ginanap ang Star Awards For TV kagabi, November 18, sa Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo De Manila University.

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rufa Mae pagkatapos ng awards night.

Pabiro niyang sagot, “Okey naman. Everything… all my work, it works!”

BOY2 QUIZON. Natawa naman siya nang mausisa kung totoo bang nagkabalikan na sila ni Boy2 Quizon.

“A, ganoon?” sabay ngiti ni Rufa Mae.

“E, balita pa lang iyon. Wala namang ganoon, e.

“Friends nga, di ba? Magkatrabaho at friends, ganoon lang.”

Dati kasi ay umamin na si Boy2 tungkol sa relasyon nila at pagkatapos ay biglang nag-break nga raw sila. Hindi ba sila nagkaayos ulit?

“Hindi,” biglaang sagot ni Rufa Mae.

Bakit? Choice ba niya na hindi sila magkabalikan?

“Wala namang akong dapat na choice o i-choose, di ba? I’m happy ngayon being single, oo,” sagot ng sexy comedienne.



IN BUSINESS. Business partner daw sila ngayon ni Boy2. Magkasosyo sila sa production outfit na Brown Sugar Productions.

First project nila ang Prankista, na ipinalabas kamakailan sa Sunday Night Box Office (SNBO) ng GMA-7.

Kuwento ni Rufa Mae, “Producer naman talaga ako dati pa.

“So I’m willing to be a producer here and there… everywhere!” biro na naman niya.

Sa tingin niya, mas okey si Boy2 na business partner na lang niya kesa maging lover?

“Oo—at friend.

“At saka wala pa, e. Wala pang loverboy ngayon na ganyan na nagaganap."


Hindi ba mahirap yung working relationship sa naging ex niya?

“Lahat naman kami, nagmamahalan sa Bubble Gang. Kaya iyon ang eksena doon.

“Palagi nga kaming tinutukso sa Bubble Gang, di ba?

"Sa ’Boy Pick-up’ [segment] kasi, kahit wala ako, laging nagdyu-joke-joke. Kasi nga, natutuwa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So more on tukso-tukso lang ang nagaganap. Hanggang ganoon lang.”

Baka naman gusto ng mga kasamahan nila ni Boy2 sa Bubble Gang na magkabalikan sila?

“E, it depends nga lang, di ba?” sabi niya.

May nagawa ba si Boy2 na nakasakit nang husto sa kanya o kaya ay mahirap niyang makalimutan, o mapatawad ito?

“Alam mo, kaibigan ko si Boy2. So mas maganda yung… it will remain like that,” tugon ni Rufa Mae.



“GAME PLAN.” Nali-link ngayon si Rufa Mae kay Ahron Villena, na co-star niya sa eco-fantasy series ng TV5 na Enchanted Garden.

Sinasabi ng actor na talagang type niya si Rufa Mae at talagang gusto niya itong ligawan.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“A, talaga? Hindi pa ba? Charing!” napabungisngis si Rufa Mae.

“Hindi ko alam! Ha-ha-ha!

“Hindi ko na alam ang game plan at eksena ng mga ganyan-ganyang ligawan.”

Bakit "game plan" na ang term niya sa ligawan? Dahil ba laru-laro lang ang tingin niya tungkol dito?

“Wala. Hindi ko kasi alam kung nanliligaw o gusto ako. Hindi naman kasi sinasabi, actually.”



POSSIBILITY. Pero posible na magkagusto o ma-in love siya kay Ahron?

“Oo naman! Ang guwapo-guwapo niya at macho. Pero ayoko munang ma-in love.”

Pero lumalabas na sila ni Ahron, di ba?

“Twice pa lang. Kasi taping kami nang taping kaya wala ring time.”

Baka naman bumubuwelo na ng panliligaw si Ahron sa kanya kung ganoon na dalawang beses na silang nagkasamang lumabas?

“Hindi ko alam, e… friends-friends. Hindi naman siguro nanliligaw.

“At saka sa ngayon nga, gusto ko single muna ako.

"E, busy pa kasi sa career, e. Ang daming trabaho, di ba? So, work-galore muna!” tawa niya.

Deadma lang muna talaga siya sa lovelife?

“Basta tuluy-tuloy lang ako sa pagtatrabaho. Bahala na... hindi ko pa alam.”

So, hindi niya isinasara ang pinto niya sa pagkakaroon ulit ng special someone?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, I’m not closing any of my doors!” sagot niya.

“Hindi lang ‘yan kasi ang priority ko sa ngayon talaga. Alam mo yun?

“Uhm… wala pa, e... ewan ko.”



CHOICES. Ano ang pipiliin niya: Makipagbalikan kay Boy2 o sagutin si Aaron? Sino sa dalawa?

“Choose wisely!” tawa na naman ni Rufa Mae.

“So, ngayon ko na talaga sasagutin ‘yan kung ano o sino ang choice ko? Agad-agad?

“E, basta, kung anuman ang masabi ko, inagad-agad mo kasi ako, ha!

“Uhm… ngayon kasi, kasama kong madalas sa taping si Ahron. Pero hindi ko naman siya pinipili.

"Nakakasama ko rin si Boy2 sa taping ng Bubble Gang.

“So I guess… wala akong dapat piliin—wala muna,” sabi ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN