Carmina Villarroel on Zoren Legaspi’s efforts to mount their surprise wedding: "Siguro yung pagpapasalamat ko sa kanya, parang forever na yun."

Pahayag ni Zoren Legaspi sa kanyang misis na si Carmina Villarroel sa isinagawa niyang surprise wedding: "When you were asking me kung gaano kita kamahal noong gabing yun, hindi kita masagot. Yun din ang nag-trigger sa akin, I have to prove it. So, isa ‘to, Hon, sa pagpapatunay ko sa ‘yo na talagang mahal kita. And ‘yan, patutunayan ko pa araw-araw.”


Sa kabila ng mga pagdududa ng ilan na “scripted” ang surprise wedding nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi noong November 15, opisyal at legal nang mag-asawa ang longtime couple.

(CLICK HERE to read related story.)

Eksklusibong nakapanayam ni Boy Abunda sina Carmina at Zoren sa mismong kasal nila sa Fernbrook Gardens, Portofino, sa New Alabang, Muntinlupa.

Sa interview, na ipinalabas sa The Buzz kahapon, November 18, ikinuwento ni Zoren kung paano niya nagawang ilihim kay Carmina ang paghahanda niya para sa kanilang kasal, at kung paano na-shock ang actress-TV host sa mga nangyari.

CLUELESS. Wala raw talagang alam si Carmina na ikakasal sila ni Zoren noong araw na iyon.

“Wala! As in, zero. As in, wala!” bulalas ni Carmina.

“That’s why yung first part, yung nag-aaway-away hanggang sa…

“Di ba, ang bilis ng transition, nag-aaway-away tapos biglang dance number?”

Ang tinutukoy ni Carmina ay ang pakikipagtalo kunwari ni Zoren sa isang staff ng endorsement shoot nilang mag-anak, na sinundan ng pagsasayaw ng mga guest.

(CLICK HERE to read related story.)

Nalaman naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Shirley Kuan, business manager ng mag-anak para sa endorsements, na kinuntsaba niya ang Selecta ice cream para sa kunwaring commercial shoot na gagawin nina Carmina, Zoren, at ang kambal nilang anak.

Tanong ni Boy kay Carmina: Bakit hindi niya itinuloy ang pagwu-walkout?

Kuwento ng Showbiz Inside Report co-host, “Iniisip ko, sana may grand exit ako. Yung, ‘Ay, naku, bahala kayo diyan,’ sabay exit with my gown.

“Kaya lang, iniisip ko, paano kung matapilok ako? E, di lalong nakakatawa!

“Baka hindi ako seryosohin, baka maapakan ko ang gown.

“Kaya sabi ko, mahaba-haba ang lalakarin ko.

“At saka hindi ko alam kung saan ako pupunta, parang maze.

“Sabi ko, ‘Hay, manahimik na nga lang ako dito. Project-project na lang ako.’”

Kahit sa kambal nilang anak na sina Maverick at Cassandra ay wala rin daw nakitang anumang sign si Carmina na may magaganap na surprise wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, I didn’t see anything. I was clueless!” sabi niya.

THE SURPRISE. Dahil wala ngang alam si Carmina, kinakabahan naman si Zoren na baka daw hindi kayanin ng kanyang partner ang sorpresang iyon.

Susog ni Carmina, “Yes, oo… I saw everyone, my family, my closest friends… Kasi, yun, yun talaga.

“Noong nag-usap kami ni Zoren, siguro mga few months ago, about getting married, pero walang detalye…

“Sabi niya, ang gusto niya, kami lang, family lang.

“Sabi ko, puwedeng maliit lang naman, pero gusto ko, kasama ko yung... aside sa family, yung closest friends talaga na nakita yung relationship namin.

“Tapos sabi niya, ‘Hindi na, tayo na lang.’ Tapos, nawala na yun.

“Kaya parang nag-flashback sa akin na nakita ko lahat, as in lahat.

“Tapos nakita ko ang daughter ko, si Cassy, iyak nang iyak. Kaya hindi ako makalakad.

“Ang galing lang. Ang galing ni Tatay, sobra!

“That’s why I stopped kasi nasi-shake na ako, na gusto kong umiyak, mag-breakdown.

“Iniisip ko, yung tugtog, baka matapos na, hindi pa ko tapos maglakad.”

THE SECRET. Paano naman nagawa ni Zoren na ilihim kay Carmina ang lahat ng preparasyong ginawa niya?

Sabi ni Zoren kay Carmina, “Nagsimula ‘yan noong hindi ko sinabi sa ‘yo, Hon…

“Wala ka kasi sa family meeting noong ooperahan ang daddy mo.

“And then, hindi ka nila in-inform at hindi rin kita in-inform na ang kalagayan ng dad mo noon ay fifty-fifty talaga.

“The next night, pumunta ako ulit kay Daddy Reggie, parang binigyan ko siya ng something to look forward to.

“Sinabi ko, ‘Daddy Reggie, hindi ko nasabi sa inyo na ikakasal kami ni Carmina nitong November. So, magpagaling kayo agad.’

“Nakalimutan ko yung promise na yun, kasi nag-Japan tayo.

“So, noong nasa Japan tayo, magpu-propose sana ako, hindi natuloy yun.

“Sabi ko, sayang yung opportunity na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, bigla na lang, during your presscon, Lorenzo’s Time, nasabi mo na, nag-press release ka na malapit na tayong magpakasal.

“So, sabi ko, this is the right opportunity na nandirito ang family mo, at si Bambi, kapatid mo, na nandito from San Francisco.

“Pinili ko talaga yung November 15 dahil tomorrow, birthday ng daddy mo, November 16—at it’s a special day.”

PLEDGE OF LOVE. Bagamat labindalawang taon ang hinintay nina Carmina at Zoren bago magpakasal, mas lalo raw nagpatibay sa masaya nilang pagsasama ang naganap na kasalan.

Sabi ni Carmina kay Zoren, “Kasi nga, sinabi mo, sa technical lang naman, pero yung samahan nating dalawa, basically, if you’ll think about it, yung relationship natin, close to perfection.

“We don’t fight. Pero para tayong sitcom.

“Nilu-look forward ko ang buhay ko na ganoon pa, na parang sitcom hanggang sa maging lolo at lola na tayo.”

Sabi naman ni Zoren, “That’s why when you were asking me kung gaano kita kamahal noong gabing yun, hindi kita masagot.

“Yun din ang nag-trigger sa akin, I have to prove it.

“So, isa ‘to, Hon, sa pagpapatunay ko sa ‘yo na talagang mahal kita.

“And ‘yan, patutunayan ko pa araw-araw.”

Sagot naman ng kinikilig na si Carmina: “Sinabi mo ‘yan, ha!”



AFTER THE WEDDING. Ilang araw pagkatapos ng kasal, nakapanayam muli ng The Buzz si Carmina.

Ano ang ginawa nila pagkatapos ng kasal?

Ayon kay Carmina, “Actually, nag-check-in kami sa hotel, e.

“Pero pareho pa kaming high, pareho pa ang adrenaline namin, sobrang taas pa, yung ganyan.

“Siguro nakatulog kami, mag-a-alas-kuwatro, alas-singko na yata [ng umaga].

“Pinag-uusapan pa rin namin ang nangyari, pero hindi pa rin nagdu-dawn sa akin.

“The next day ko na lang talaga medyo kinda na-absorb, at nagtanong pa ng maraming detalye kay Zoren.”

Mas lalo pa raw humanga si Carmina kay Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Actually, si Zoren kasi, full of surprises.

“Ayaw niya yung the usual. Ayaw niya yun.

“But yung malaki… hindi naman yung malaki, kasi ang laki ng pamilya ko, ang dami kong kaibigan.

“Pero mahiyain kasi yun. Hindi siya sanay na humaharap sa maraming tao. Na talagang nasa crowd, yung ganyan.

“But I guess, para sa akin kasi ‘to kaya niya hinarap.”

Dugtong pa ni Carmina, “Hindi ko nga alam, siguro yung pagpapasalamat ko sa kanya, parang forever na yun.

“Alam ko naman, to be given with that, he has a good heart.

“Pero ito yung selfless. Hindi niya ito ginawa para sa sarili niya, para sa akin.”

Kailan naman ang honeymoon?

“Yun ang hindi pa namin napaplano, pero siguro, yun, darating na lang din just like the wedding.”

What about more babies?

“Babies? Naku, baka hindi na yata!

“Pero malay mo, baka surprise din. Bilang itong relasyon namin ay puro surprise din.

“Pero ngayon, we’re very happy. Kuntento na kami sa kambal namin.

“Kung ibibigay, e, di go!

“Kung hindi naman, okay na, solve na solve na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN