Karylle and Tippy Dos Santos get a callback after auditioning for Miss Saigon

Tippy Dos Santos (left) and Karylle proudly show their callback slips after their successful first-day auditions for Miss Saigon. The two Filipino singer-actresses were asked to return on Wednesday for another round of auditions.


Nagsimula na ang auditions para sa re-staging ng Miss Saigon sa West End sa London.

Ginanap ang auditions ngayong araw, November 19.

Kabilang sa mga nag-audition ang singer-actresses na sina Karylle at Tippy Dos Santos, na parehong talents ng Stages.

Si Karylle ay isang sikat na singer/actress/TV host na regular na napapanood sa ASAP Rocks ng ABS-CBN.

Nagkaroon din siya ng lead role sa Pan-Asian musical series na The Kitchen Musical, kunsaan nakasama niya si Christian Bautista.

Si Tippy naman ay isang promising singer and theater actress.

Huli siyang napanood sa musical film na I Do Bidoo Bidoo, opposite Sam Concepcion.

Parehong nakapasa sina Karylle at Tippy. Nakatanggap sila ng callback.

Babalik sila sa Miyerkules, November 21, para mag-audition muli sa specific roles at upang sumailalim na rin sa dance audition.

Napaiyak nga si Karylle pagkatapos ng audition.

Sabi niya, "I still had the emotions of the song ’I’d Give My Life For You,’ so I couldn’t help but well up in tears.’"

Karamihan ng mga nakasama nina Karylle at Tippy sa callback ay professional theater actors.

Kabilang na rito sina Jake Macapagal, Kayla Rivera, OJ Mariano, Lawrenz Martinez, at Julia Abueva.

Nakakuha rin ng callback ang Party Pilipinas mainstay na si Rita de Guzman.

Bukas, November 20, ang second day ng audition. At matatapos ito sa Huwebes, November 22.

Mahigit sa isang libong hopefuls ang nagpa-register para sa four-day auditions ng Miss Saigon sa Manila.

Ang iba sa kanila ay nagmula pa sa ibang bansa, gaya ng Australia, Hong Kong, at Singapore.

Kabilang din sa local celebrities na nagpahayag ng kanilang interes mag-audition ay sina Rachelle Ann Go at Julie Anne San Jose.

Ang Miss Saigon ay unang itinanghal sa Theatre Royal sa Drury Lane, London, noong September 20, 1989.

Nagbukas naman ito sa Broadway noong 1991 sa Broadway Theatre.

Ang international Filipino singer-actress na si Lea Salonga ang orihinal na gumanap sa lead role na Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN