Janice de Belen on being happy and in-love: “Kapag happy, in-love kaagad?”

Kapansin-pansin na blooming at masaya si Janice de Belen. Bakit kaya? Sagot ng aktres: “Kapag happy, maraming dahilan ‘yan, e. Ang pinakadahilan ko, happy ako sa lahat ng ginagawa ko.”


Malapit na kaibigan ni Janice de Belen sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Kaya naman isa si Janice sa mga pangunahing well-wishers nang ikasal na sa wakas ang dalawa noong November 15. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Janice, “Well, siyempre, happy ako for both of them.

“Di ba? Kasal is always a happy thing! It should be celebrated.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa 26th PMPC Star Awards For TV noong Linggo, November 18, sa Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo De Manila University.

Kasama si Janice sa grupo ng piling mga tao na may alam tungkol sa surprise proposal ni Zoren kay Carmina na nauwi sa diretsong kasalan.

Naging mahirap ba para kay Janice na mag-pretend na wala siyang alam?

Saad niya, “Ano na lang ako, konting part na lang ako kasama. Do’n na lang ako kasama sa last four days.

“Basta happy si Carmina, iyon naman ang importante.

“Basta happy silang dalawa, happy na rin kami for them.”

HAPPY BEING SINGLE? Kailan naman kaya siya magiging ganun kasaya? Makikita rin ba siyang ikinakasal sa nakatakdang maging lifetime partner niya?

Naging masalimuot ang paghihiwalay nila noon ng dati niyang asawa na si John Estrada. Mayroon silang apat na anak.

Kasal na ngayon si John sa beauty queen na si Priscilla Meirelles, samantalang single muli ngayon si Janice.

“Ay, naku! Huwag na nating pag-usapan ‘yan,” nakangiting pag-iwas ng aktres.

Pero kapansin-pansin na happy at blooming siya ngayon. In-love ba si Janice ngayon?

“Kapag happy, in-love kaagad?” sabay tawa niya.

“Hindi. Kapag happy, maraming dahilan ‘yan, e.

“Ang pinaka dahilan ko, happy ako sa lahat ng ginagawa ko.”

Ang panganay ni Janice na si Luigi Muhlach, anak ng aktres kay Aga Muhlach, ay tila hindi pabor na magkaroon siya ng lovelife sa ngayon.

Nasabi pa nga ni Luigi sa isang interview na huwag muna raw, na kung puwede ay siya muna ang “lovelife” ng kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Janice dito?

“Okey lang. E, wala rin naman akong balak mag-lovelife,” sagot niya.

Okey lang kaya sa kanya na forever nang walang lovelife?

“I should love life. Not necessarily may lovelife, di ba?”

BACK TO DRAMA. Maganda ang takbo ng career ni Janice ngayon. Sunud-sunod ang mga proyekto niya sa ABS-CBN.

Pagkatapos ng markado niyang papel sa Budoy ay isa na namang mapanghamong papel ang ginagampanan niya ngayon sa primetime series na Ina Kapatid Anak.

Mahabang panahon ding napahinga sa drama si Janice dahil nalinya siya sa paghu-host.

Pero ngayon, masaya raw siya na nabibigyan ulit ng pagkakataon na mag-shine bilang drama actress.

“Do’n naman talaga ako nagsimula sa drama, e. Bilang ma-drama rin ako!” sabay tawa ng dating Flordeluna star.

Pero bukod sa pagda-drama ay mayroon pa ring talk show ngayon si Janice—ang Showbiz Inside Report.



TWO HORROR FILMS IN MMFF. May dalawang pelikulang natapos si Janice na parehong entry sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF): The Strangers at Shake Rattle & Roll 14.

Ang huling pelikula ni Janice ay horror din—ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan nakasama niya sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Joey Marquez.

“Masaya ‘yon! Para naiiba sa ginagawa ko sa TV,” sabi ng mahusay na aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN