Vicky Morales wins ninth trophy from Star Awards for Television

Ito ang pahayag ni Vicky Morales sa pagkakaroon ng kambal na anak: “Hindi mahirap at all na mag-alaga ng kambal. In fact, double yung happiness ko. Double yung joy. Double yung kakulitan. Double din yung stress. Pero all in all, double yung happiness.”


Si Vicky Morales ang nanalong Best Female Newscaster sa 26th PMPC Star Awards For Television na ginanap noong Linggo, November 18, sa Henry Irwin Lee Theater ng Ateneo De Manila University.

Nagwagi si Vicky para sa late-night news program ng GMA-7 na Saksi.

Sabi ni Vicky nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala nang kulang sa buhay niya at kuntento na siya sa kung anumang meron siya ngayon.

“Haping-happy ako as is. I’m happy the way things are.

“Hindi na ako naghahangad ng anything else.

“I have everything that makes me happy.

“I have a family who loves me and whom I love dearly.

“I have great friends. I have a wonderful career that really fulfills me.

“And I have this award from PMPC. Talagang… wow! What more can I ask for?

“I’m happy,” saad niya.

Ito na ang pang-anim na Best Female Newscaster trophy na napanalunan ni Vicky mula sa PMPC Star Awards For Television.

Bukod dito, tatlong beses na siyang nanalo as Best Public Service Program Host para naman sa Wish Ko Lang!.

“Hindi ko binibilang yung mga napapanalunan kong trophy!” nangiting sabi ni Vicky nang kunin ang reaksiyon niya rito.

“Basta ang sa akin kasi, I’ve been doing this for twenty years.

“Kapag nagtatrabaho ako, wala akong ini-expect.

“Kahit award talaga, wala akong ini-expect.

“Pero kapag dumarating e talagang sobrang saya naman.”

Sa madalas niyang pananalo sa Star Awards For Television, hindi malayong maging Hall of Famer siya rito balang-araw.

“Naku naman!” sambit ni Vicky.

“Wow! Sana. Wish ko lang…” maikling pasakalyeng kanta pa niya ng theme song ng nanalo namang Best Public Service Program niyang Wish Ko Lang!

“Wow, naku, kung magiging Hall of Famer ako balang-araw, that would be really nice.

“Pero hindi ko na po hinahangad kasi happy na rin po ako sa ganito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOTHER OF THREE. Tatlo na ang anak ni Vicky sa kanyang mister na si Atty. King Reyno—ang kambal nilang lalaki na four years old at ang bunso nilang babae na dalawang taon pa lamang.

Two years ang gap ng kanyang panganganak. So, puwede na ulit para sa ikatlong anak?

“Ay, okey na ako do’n sa three kids namin ng husband ko. Happy na ako.

“Ang hirap magpapayat. Tingnan mo naman ang puson ko, o!” sabay tawa ng Kapuso newscaster.

Sabi namin kay Vicky, hindi naman kalakihan ang kanyang puson para ma-conscious siya.

Nakakabilib nga na name-maintain niya ang kanyang medyo slim pa rin namang figure.

“Kasi hindi ako humihinga. Pramis!” natawang biro niya.

Wala siyang sinusunod na diet o exercise?

Sagot ni Vicky, “Tamad po akong mag-exercise.

“Pero tina-try ko naman po na hindi magpaka-bondat masyado [kapag kumakain].

“But I eat whatever I want. Tapos, mapili din naman po ako sa kinakain kong fruits.

“Minsan nagtsu-chocolate… hindi ko po ma-give up ang chocolates.

“Pero I guess it’s just a happy disposition in life, na parating positive dapat.”



DOUBLE THE HAPPINESS. Hindi ba mahirap mag-alaga ng twins?

“Mas mahirap hindi huminga para magkasya ang dress!” natatawang biro ni Vicky.

Pero dugtong niya, “Hindi mahirap at all na mag-alaga ng kambal.

“In fact, double yung happiness ko.

“Double yung joy. Double yung kakulitan. Double din yung stress.

“Pero all in all, double yung happiness.”



MAKING TIME. Busy man sa kanyang career bilang newscaster at public service program host, lagi pa rin daw sinisiguro ni Vicky na hindi siya kinukulang ng oras para sa kanyang asawa at tatlong anak.

“I try to make it every day na may panahon ako for them.

“Minsan, kapag may shoot ako tapos may konting break, kahit isang oras, para lang makita sila—kahit ilang minute, kahit limang minutes lang—sulit na sa akin ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos babalik na naman ako sa work.”



CHRISTMAS IN PINAS. Ano naman ang plano niya this Christmas?

Sabi ni Vicky, “For Christmas, just spend it with the family.

“Hindi naman kami nag-iibang bansa ng family kapag Christmas.

“Dito lang kami sa Philippines because this is the best place to celebrate Christmas.

“Dito mo lang talaga damang-dama yung pagmamahalan. At yung tunay na saya na hindi mo mahahanap sa ibang bansa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN