Toni Gonzaga on Paolo Ballesteros’s "crush" on her boyfriend Paul Soriano: “Natawa lang si Paul na crush siya ni Paolo.”

“E, siyempre, masaya tayo para sa kanya—kung saan siya maligaya. Desisyon naman iyon ni Paolo, so respetuhin natin. At saka kung anuman yung magpapaligaya sa kanya, e, di ‘yon!" pahayag ni Toni Gonzaga (nasa larawan) tungkol sa kaibigan at dating co-host sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros.


Hindi itinatanggi ni Toni Gonzaga na minsan ay naging crush niya ang dating kasamahan sa Eat Bulaga! na si Paolo Ballesteros.

Ang kaso, hindi inaasahang kakaiba ang reaksiyon ni Paolo nang matanong ng press kamakailan tungkol sa pagkakaroon ng crush sa kanya ni Toni.

Sabi ni Paolo, kung crush daw siya ni Toni, ang boyfriend naman ng actress-TV host na si Paul Soriano ang type niya.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa 26th Star Awards for Television noong Linggo, November 18, ay kinuha namin ang reaksiyon niya tungkol sa sinabi ni Poalo.

“E, kaibigan ko talaga si Paolo. Palabiro talaga ‘yan!” natatawang sabi niya.

“At saka nasa puso ko ‘yan kasi matagal ko siyang nakatrabaho dati sa Eat Bulaga!.

“Isa ‘yan sa mga una kong naging kaibigan kaya espesyal talaga siya sa akin.

“Guwapo naman kasi si Paolo kaya naging crush ko siya dati.”

HAPPY FOR PAOLO. Hindi ba niya pinagdudahan dati ang pagkalalaki ni Paolo?

Sagot ni Toni, “Hindi… Kaibigan mo kasi kaya hindi na importante sa ‘yo ‘yon.

“Ang importante sa ‘yo e mabait siya at maganda ang pakikitungo.

“At hanggang ngayon e kaibigan ko ‘yon.”

Ano naman ang masasabi niya sa pagbibihis-babae ni Paolo sa TV at pelikula na kinakagat naman ng publiko? Tila tanggap na ng kaibigan ang panunukso ng iba tungkol sa kanyang kasarian.

“E, siyempre, masaya tayo para sa kanya—kung saan siya maligaya.

“Desisyon naman iyon ni Paolo, so respetuhin natin.

“At saka kung anuman yung magpapaligaya sa kanya, e, di ‘yon! Buhay naman niya iyon, e.”



DIREK PAUL. Kumusta na sila ni Direk Paul Soriano ngayon?

“Okey naman. Pareho pa rin, gano’n pa rin.”

Ano ang naging reaksiyon ni Direk Paul sa pagbibiro ni Paolo na “type” siya nito?

“Well, natawa lang.

“Kasi I think nag-meet sila sa concert nina Wally at Jose, ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, nanonood din lagi ng Bulaga si Paul. So, kilala din niya si Paolo.

“Natawa lang si Paul na crush siya ni Paolo.”



NEXT PROJECT. Big hit sa takilya ang pelikulang pinagsamahan nila ni Vice Ganda, ang This Guy’s In Love With U Mare.

Ano ang susunod niyang project pagkatapos nito?

“May meeting ako sa Star Cinema by end of next week. So, ilalatag yung mga gagawin. ‘Yon!

“Hindi ko pa puwedeng sabihin, pero may idea na ako kung sino ang makakasama ko.

“Love story ang tema na medyo romantic-comedy,” bitin na pahayag ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN