Gerald Anderson on his next lovelife: “Given the choice, sana non-showbiz para maiba naman, para tahimik.”

Hindi raw kailanman nagsasara ng pintuan si Gerald Anderson upang umibig muli. Saad ng young actor, “Oo naman. Hindi ko naman hinahanap, hindi ko naman kailangang hanapin yun, darating lang yun. Kasama rin yun sa mga prayers ko, pero sabi ko kay Papa God, ‘Right time.’ Sabi ko nga, paano maku-close ‘yan… hindi natin kayang basahin ang future?”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald Anderson sa 26th Star Awards for TV noong Linggo, November 18.

Nominado siya bilang Best Drama Actor para sa pagganap niya sa primetime series ng ABS-CBN na Budoy, pero tinalo siya ni Jericho Rosales para sa Dahil Sa Pag-ibig.

Sa panayam ng PEP kay Gerald ay inusisa namin siya sa mga isyung ipinupukol sa kanya ngayon.

JANICE DE BELEN. Una na rito ang iniintrigang pagkakaibigan nila ng aktres na si Janice de Belen.

Nagsimula ang closeness nina Gerald at Janice nang magsama sila sa Budoy, kung saan gumanap sila bilang mag-ina-inahan.

Pagkatapos ng serye ay nagpatuloy ang malalim na pagkakaibigan ng dalawa, na binibigyan naman ng kulay ng ilan.

Nagtatakang sabi ng young actor, “Kami ni Ms. Janice?

“Nanay ko ‘yan, e, grabe yung suporta na ibinibigay niya sa akin.

“Seryoso ba ‘yan? Grabe naman! Hahaha!

“Like I said, hindi natin alam kung ano ang puwedeng mangyari, di ba?

"Tinanong ninyo ba siya tungkol diyan? Huwag na, nakakahiya.

“Nanay ko talaga siya,” diin niya.



RAYVER IN, JOROSS OUT? Naging isyu ang hindi pagkakatuloy ni Joross Gamboa sa upcoming ABS-CBN primetime series na Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Tampok sa teleseryeng ito sina Gerald, Cristine Reyes, Diana Zubiri, Rayver Cruz, at Maricel Soriano.

May balitang si Cristine daw ang humiling na palitan si Joross para maipasok sa cast ang boyfriend ni Cristine na si Rayver.

May bersiyon ding lumabas na si Gerald, bilang best friend ni Rayver, ang humiling sa management na magsama sila sa pagbibidahang serye.

Itinanggi naman agad ito ni Gerald nang tanungin ng PEP tungkol dito.

“Ako ang nag-request kay Rayver? Wala... wala akong alam diyan. Ngayon ko lang narinig ‘yan.

“Hindi pa nag-i-start [ang taping]… malapit na.

“Oo, nae-excite akong mag-training, excited na excited na ako diyan.

“Siyempre, I’ll be working with Cristine, Rayver, Ms. Maricel, and all the other cast.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH KIM AGAIN. Muli namang nagkatrabaho si Gerald at ang dati niyang girlfriend na si Kim Chui sa pelikulang 24/7In Love ng Star Cinema.

Marami sa mga tagahanga ng dalawa ang natuwa sa pagbabalik-tambalan nila. Ganun din naman daw ang nararamdaman ni Gerald.

Aniya, “Masaya, sobrang saya, kasi ang inisiip namin ngayon ay yung saya na maibibigay namin sa mga sumusuporta sa amin.

“Like I said, isa sila sa mga dahilan talaga, isa sila sa inspirasyon.”

Yun nga lang, lumikha ng kontrobersiya ang naging pahayag ni Gerald na hindi siya nagsasara ng pinto kahit kailan para kay Kim.

Aniya, “Never naman talaga akong nag-close ng doors kasi mahirap yun e. Paano yun, di ba?

“Siyempre, hindi natin kayang basahin ang future, di ba, ang mga mangyayari."



SARAH GERONIMO. Itinanggi naman ni Gerald ang lumabas na balitang dumalaw raw siya sa set ng weekly program ni Sarah Geronimo sa ABS-CBNB, ang Sarah G Live.

“Hindi totoo,” simpleng sagot niya.

May komunikasyon pa ba sila ni Sarah?

“If we still talk? Hindi na gaano, hindi na masyado. Text? Hindi na,” payak pa ring sagot ni Gerald.

DOORS ARE STILL OPEN. Nang tanungin naman si Gerald kung handa siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon sa ngayon, sinabi niyang hindi siya nagsasara ng pinto.

“Oo naman. Hindi ko naman hinahanap, hindi ko naman kailangang hanapin yun, darating lang yun.

“Kasama rin yun sa mga prayers ko, pero sabi ko kay Papa God, ‘Right time.’

“Sabi ko nga, paano maku-close ‘yan… hindi natin kayang basahin ang future? Lagi namang naka-open yung sa akin.

“Basta tamang time, masaya ako, masaya siya—kung sinuman yun.”

Pero tulad ng iba na ang naging karelasyon ay kapwa niya taga-showbiz, gusto ng aktor na kung mabibigyan ng pagkakataon ay non-showbiz naman ang susunod niyang maging girlfriend.

“Given the choice, sana non-showbiz para maiba naman, para tahimik. Pero we never know, hindi natin masabi,” saad ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN